Para sa mga apektadong workers na kinasela muna ang mga pasok dahil sa COVID-19 at nangangamba dahil ‘No work, No pay’ ‘wag mag alala dahil may hatid na financial assistance para sa inyo ang DOLE.
5,000 Pesos DOLE Financial Assistance
Inanunsyo ni Labor Secretary Silvestre Bello III na bibigyan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang lahat ng mga workers sa private sectors at company na apektado ng Enhance Community Quarantine dahil sa COVID-19.
DOLE Financial Assistance for COVID-19
Ito ay ayon sa DOLE Order No. 209, series of 2020: “Guidelines on the Adjustment Measures Program for Affected Workers due to Coronavirus Disease 2019”. Kung ikaw ay isang employee sa kahit anong private company o ibang employment status na may flexible work arrangements, basta ikaw at ang trabaho mo ay apektado ng COVID-19, ikaw ay kasama sa mabibigyan ng financial assistance ng DOLE.
Ang flexible work arrangement ay kapag ang iyong employer ay nagpatupad ng work from home, force leave o nagbawas ng oras ng paggawa. Kasama na rin dito ay kung ang employer mo ay nagbigay sa inyo at company ng ibang pamamalakad. O utos para sa kanilang solusyon sa COVID-19.
Process ng COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP)
Upang makakuha ng financial assistance ng DOLE, kailangan itong asikasuhin ng iyong employer. Kailangan lang ang Establishment report at Company payroll kung saan nagsimula ang flexible work arrangement.
Maaaring ipasa ang mga document requirements na sa email ng DOLE Regional Office o sa iba pa nitong field offices. Narito ang listahan ng mga field offices at email adress nila:
DOLE Financial Assistance for COVID-19
Pagkatapos maipasa, ang DOLE na ang bahalang mag-apbruba nito sa loob ng tatlong araw. At kung ito ba ay ‘Approved‘ o ‘Denied‘. Ngunit hindi lahat ay maaapruba ng Department of Labor and Employment dahil sa ineligibility, peke o maling mga dokumento at iba pa.
Tandaan lamang na ang pagpapasa ng mga requirements para sa financial assistance ay hanggang April 14 lamang, hanggang matapos ang Enhance Community Quarantine.
Kung sakaling ma-aprubahan ang CAMP application, diretsong ipapasok ang pera sa bank account ng employees. Ito ay kadalasang umaabot ng 2 weeks.
Kung nais mong ma-download ang Establishment Report para sa COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP), i-click lamang ito.
Ipinatulad ang CAMP para sa mga manggagawang naapektuhan ng Community Quarantine dahil sa COVID-19.
Enhanced Community Quarantine sa Luzon
Noong March 16, opisyal nang inanunsyo ni Pangulong Duterte ang enhanced community quarantine sa buong Luzon.
Hindi na maaaring makalabas o makapasok ng bansa sa pamamagitan ng land, local air travel at local sea travel. Ito ay nagsimula noong March 15 habang ang buong NCR ay isinailalim sa Community Quarantine. Ang lockdown na ito ay hanggang sa April 14.
Mahigpit na ipinatupad ang Total Lockdown dahil sa patuloy na pagtaas ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa bansa. Hindi maaaring makalabas ng lungsod ang mga tao. Utos ng pangulo, sa kani-kanilang bahay na lang sila manatili hanggang matapos ang total lockdown.
Ipinatigil rin muna ang lahat ng land transportation sa buong Luzon. Katulad ng mga byahe ng jeep, bus, tricycle at iba pang uri ng public transportation. Sinisita rin ang mga nakikitang naglalakad sa labas at ang mga private cars na patuloy na bumabyahe.
Sa kabila ng Total Lockdown na ito, sabay na ring nagkansela ng pasok ang mga private companies. Base na rin sa pagsunod sa protocol.
As of March 25, 552 katao na ang nagpositibo sa COVID-19 dito sa bansa. Samantalang 20 na ang naka recover at 35 ang mga namatay.
Kasalukuyan pa ring under investigation ang 615 na tao at under monitoring ang 6,321 na katao.
Idineklara naman ng World Health Organization na ang COVID-19 ay pandemic na.
Dagdag nila, panatilihin ang regular na paghuhugas ng kamay. At kung uubo o babahing, takpan ang bibig at ilong. Napapasa kasi ito dahil sa mga maliliit na droplets galing sa ilong o bibig.
Upang maging updated sa mga lugar na may kaso ng COVID-19 sa bansa, maaari mo itong i-click: COVID-19 Cases: Philippines
Source: Department of Labor and Employment
BASHAIN: Mga Blood type A maaaring mas madaling kapitan ng COVID-19
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!