Kulang ang pang-ayuda sa lahat ng nagtatrabaho, ayon sa DOLE

Halos 200,000 workers na ang nakatanggap ng cash assistance na hatid ng DOLE. Ngunit dagdag nila, kulang pa ang paunang budget para mabigyan ang iba pa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ngayong COVID-19 outbreak, kabi-kabila na ang tulong na dumarating mula sa mga LGU o ibang sektor ng pamahalaan. Todo kayod rin ang iba sa pag aabot ng tulong. Halos lahat ng trabaho ng mga manggagawa ay apektado dahil pansamantala munang sinuspinde ang kanilang pasok sa trabaho dahil sa itinaas na Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon. Kaya naman problema ng karamihan ang magiging pang gastos nila sa araw-araw lalo na at wala silang trabaho ngayon. Isa naman ang Department of Labor and Employment o DOLE sa nag bigay ng cash assistance sa mga apektadong manggagawa.

DOLE cash assistance

Matatandaang noong nakaraang buwan lamang ay inanunsyo ng Department of Labor and Employment na magbibigay sila ng cash assistance. Ito ay para sa lahat ng mga manggagawang nawalan at nabawasan ng trabaho dahil sa krisis ng COVID-19.

Sa pagpasok ng April, ayon sa DOLE ay nakatanggap na ang mahigit 200,000 na manggagawa ng kanilang hatid na Php 5,000 na one-time cash assistance. Ngunit dahil sa dami ng mga manggagawang apektado ng krisis sa COVID-19, aminado ang DOLE na hindi sapat ang pang-ayuda nilang pera para sa mahigit 300,000 na kailangang mabigyan.

Dagdag ng DOLE na Php 1.6 bilyon lamang ang kanilang paunang budget para sa cash assistance. At ito ay hindi sasapat sa lahat. Dahil 300,000 na manggagawa lamang ang makakaya ng paunang budget. Samantala, hinihintay pa rin nila ang karagdagang pondong inaprubahan ni Pangulong Duterte. At ito ay nasa Php 2.5 bilyon na karagdagang pondo.

Ayon kay DOLE Assistant Secretary Dominique Rubia-Tutay, nasa 821,000 ang estimated nilang mabibigyan ng cash assistance gamit ito. Ngunit may mga manggagawa pa rin talaga na hindi mabibigyan ng serbisyo.

Samantala, noong April 14 ang huling araw ng pagpasa ng application para sa cash assistance na hatid ng Department of Labor and Employment o DOLE.

Sa kabila nito, may ilang labor group na hindi sang-ayon sa Php 5,000 na ipinamahagi ng DOLE dahil daw hindi sapat ang cash assistance at kung maaari ay doblehin na lamang ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

DOLE Cash Assistance | Image from Freepik

 

5,000 Pesos DOLE Cash Assistance

Inanunsyo ni Labor Secretary Silvestre Bello III na bibigyan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang lahat ng mga workers sa private sectors at company na apektado ng Enhance Community Quarantine dahil sa COVID-19.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ay ayon sa DOLE Order No. 209, series of 2020: “Guidelines on the Adjustment Measures Program for Affected Workers due to Coronavirus Disease 2019. Kung ikaw ay isang employee sa kahit anong private company o ibang employment status na may flexible work arrangements, basta ikaw at ang trabaho mo ay apektado ng COVID-19, ikaw ay kasama sa mabibigyan ng financial assistance ng DOLE.

Ang flexible work arrangement ay kapag ang iyong employer ay nagpatupad ng work from home, force leave o nagbawas ng oras ng paggawa. Kasama na rin dito ay kung ang employer mo ay nagbigay sa inyo at company ng ibang pamamalakad. O  utos para sa kanilang solusyon sa COVID-19.

Process ng COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP)

Upang makakuha ng cash assistance ng DOLE, kailangan itong asikasuhin ng iyong employer. Kailangan lang ang Establishment report at Company payroll kung saan nagsimula ang flexible work arrangement.

Maaaring ipasa ang mga document requirements na sa email ng DOLE Regional Office o sa iba pa nitong field offices. Narito ang listahan ng mga field offices at email adress nila:

Pagkatapos maipasa, ang DOLE na ang bahalang mag-apbruba nito sa loob ng tatlong araw. At kung ito ba ay Approved o Denied‘. Ngunit hindi lahat ay maaapruba ng Department of Labor and Employment dahil sa ineligibility, peke o maling mga dokumento at iba pa.

Tandaan lamang na ang pagpapasa ng mga requirements para sa financial assistance ay hanggang April 14 lamang, hanggang matapos ang Enhance Community Quarantine.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kung sakaling ma-aprubahan ang CAMP application, diretsong ipapasok ang pera sa bank account ng employees. Ito ay kadalasang umaabot ng 2 weeks.

Kung nais mong ma-download ang Establishment Report para sa COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP), i-click lamang ito.

DOLE Cash Assistance | Image from Freepik

COVID-19 Philippines Update

As of Apr 15, 4:00 PM, umakyat na sa 5,430 ang positive cases dito sa Pilipinas. Naitala rin ang pinaka maraming narecover na COVID-19 patients sa araw na ito na 58 recoveries. Sa ngayon, 349 katao na ang namatay samantalang 353 ang recoveries sa buong Pilipinas. At 3,253 ang total ng kasalukuyang naka-admit sa mga ospital.

Samantala, extended naman ang Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon hanggang April 30. Marami rin ang nagsasabing maaari pa itong ma-extend dahil sa patuloy na pagtaas ng positibong kaso dito sa Pilipinas. Ilang senador rin ang sumang-ayon sa pag-extend ng ilan pang mga araw ng Enhanced Community Quarantine.

Sintomas ng COVID-19

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang COVID-19 ay isang virus na sobrang delikado dahil mabilis itong kumalat. Maaari itong maipasa sa hayop pero sobrang bihira lamang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang mga common symptoms ng COVID-19 ay ang:

  • Lagnat
  • Dry cough
  • Pagkaramdam ng pagod
  • Hirap sa paghinga

May iba naman na nakakaranas ng:

  • Sore throat
  • Diarrhea
  • Runny nose
  • Nausea

Naipapasa ang COVID-19 kapag ang isang taong carrier ng virus ay umubo o bumahing. Ang mga malilit na water droplets na galing dito ay mapapasa sa hindi infected na tao. Dito magsisimula ang pagkakaroon ng exposure.

Image from Freepik

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

COVID-19 patients

Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC) at World Health Organization (WHO), ang mga taong mataas ang risk factor sa COVID-19 ay ang mga mayroong chronic lung disease katuladng asthma. Ang iba pang kaso nito ay:

  • Buntis
  • 65 years old pataas
  • Mga taong may travel history
  • Mga taong nag-aalaga ng COVID-19 patients
  • May mga medical condition katulad ng liver disease, asthma, renal failure, heart disease, high blood, diabetes

Ayon sa CDC, ang mga taong may asthma ay kailangan ng matinding pag-iingat sa panahon ngayon. Narito rin ang mga bagay na dapat nilang tandaan at gawin:

  • Iwasan ang mga matataong lugar
  • Iwasan ang mag-travel
  • Mag tabi ng sapat gamot para sa asthma
  • Panatilihin ang social distancing
  • Palaging maglinis ng kamay
  • Maging malinis

 

Source: ABS-CBN News

BASAHIN: Senior namatay sa bahay nang hindi tanggapin sa 6 na hospital na pinuntahan

Sinulat ni

Mach Marciano