Dominique Cojuangco ipinanganak na ang baby girl nila ng mister niyang si Michael Hearn.
Mababasa dito ang sumusunod:
Dominique Cojuangco at Michael Hearn baby girl
Ipinanganak na ni Dominique Cojuangco ang kaniyang baby girl. Ito ay masayang ibinahagi ni Dominique sa pamamagitan ng isang Instagram post. Ang naturang Instagram post ay may kalakip na larawan ng kaniyang sanggol. Bagamat hindi ipinakita nito ang buong mukha ng kaniyang baby, ipinalaam naman nito sa publiko ang pangalang ibinigay sa anak. Siya ay si Penelope Eloise.
Sa caption ng Instagram post ay ibinahagi rin ni Dominique ang nararamdaman niya sa pagdating ng anak. Isang linggo narin ang nakalipas ng siya ay makapanganak. At napakasaya daw nilang mag-asawa na sa wakas ay nakita at nakilala na nila ang kanilang baby girl.
“A week of bliss🤍
Five two-hour lipid IV drips and two-hundred and forty-two Heparin injections, but I’ve enjoyed every minute of my pregnancy. Michael and I are delighted to welcome our little wiggler from inside my womb.
Thank you, Lord🙏🏼.”
Ito ang caption ng post ni Dominique.
View this post on Instagram
Pagbubuntis ni Dominique Cojuangco
Larawan mula sa Instagram
Mula sa caption ng post ni Dominique ay ibinahagi niyang siya ay nag-iinject ng Heparin sa kaniyang pagbubuntis. Ang Heparin ay isang blood thinner na ginagamit upang maiwasan ang miscarriage. Ito ay ibinibigay sa mga babaeng may high risk ng miscarriage. Kabilang na rito ang mga babaeng nakakaranas ng sumusunod na kondisyon.
- Diabetes
- Polycystic ovary syndrome (PCOS)
- Pagkakaroon ng chromosomal abnormalities
- Septate uterus
Ang heparin tumutulong upang masigurong magiging successful ang pagbubuntis. Sa kaso ni Dominique, ito ay nakatulong para masigurong ligtas at full-term ang kaniyang baby girl ng maipanganak.
Congratulation Dominique at Michael Hearn!
Si Dominique ay ang nag-iisang anak ng aktres na si Gretchen Barretto at kilalang businessman na si Tony Boy Cojuangco.
Larawan mula sa Instagram account ni Dominique Cojuangco
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!