Gretchen Barretto magiging lola na! Anak niyang si Dominique buntis sa una nitong baby

Sino ba ang mister ni Dominique na tulad niya ay mula rin sa isang mayamang pamilya?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dominique Cojuangco buntis sa kaniyang first baby. Gretchen Barretto magiging lola na!

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Dominique Cojuangco buntis sa kaniyang first baby.
  • Kasal ni Dominique Cojuangco sa mister na si Michael Hearn.

Dominique Cojuangco buntis sa kaniyang first baby

Larawan mula sa Instagram account ni Dominique Cojuangco

Malapit ng maging isang ina ang nag-iisang anak ng aktres na si Gretchen Barretto at businessman na si Tony Boy Cojuangco. Si Dominique ay inanunsyong nagdadalang-tao siya sa kaniyang unang baby. Ito ay kaniyang ginawa sa pamamagitan ng isang Instagram post na may caption na “little blessing arriving in 2024?”.Ang naturang post may kalakip na maikling video na kung saan makikita si Dominique na humahawak sa kaniyang tiyan.

Ang mga celebrity friends ni Dominique agad naman siyang binati. Kabilang na dito ang mga mommies din na sina Iza Calzado at Sofia Andres.

“Been waiting for this announcement. ❤️”
“Congratulations! Welcome to Motherhood.”

Ito ang naging mensahe ni Sofia kay Dominique.

Habang si Iza naman ito ang naging mensahe sa soon-to-be mom.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“So happy for you!!!! ❤️❤️❤️”

Kasal ni Dominique Cojuangco sa mister na si Michael Hearn

Larawan mula sa Instagram account ni Dominique Cojuangco

Si Dominique Cojuangco ay ikinasal sa businessman na si Michael Hearn noong March 4, 2023. Ang kanilang kasal ay ginanap sa isang private Catholic wedding ceremony sa San Agustin Church sa Maynila na sinundan ng reception sa National Museum of Natural History.

Syempre present sa kasal ni Dominique ay ang mga magulang niya na sina Gretchen at Tony Boy. Dinaluhan rin ito ng iba pang socialites at celebrities kabilang na nga si Sofia Andres na malapit na kaibigan ni Dominique. Ang anak niyang si Zoe ang isa sa mga flowers girls sa kasal ni Dominique.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang mister ni Dominique na si Michael ay isang businessman na may mga negosyo dito sa Pilipinas at England. Maliban sa sarili niyang mga negosyo, si Michael at Dominique ay nagbukas ng negosyo na kung saan sila ay magkasosyo. Ito ay nagngangalang “The Collective”. Ito ay isang online skin care shop na nagbebenta ng mga high-end beauty and skin products.

Larawan mula sa Instagram account ni Dominique Cojuangco

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement