Proud na ipinakilala ni Donita Rose sa publiko ang kanyang boyfriend kung saan na-excite ang kanyang mga celebrity friends.
Mababasa sa artikulong ito:
- Donita Rose muling umibig
- Donita Rose ipinakilala si Felson Palad
- History ng love life ni Donita
Donita Rose muling umibig
View this post on Instagram
“I think it’s safe to say I’m seeing someone.”
Ito ang post ni Donito Rose noong nakaraang linggo sa kaniyang Instagram account na nagpasigla sa mga fans at kaibigan niya sa industriya ng showbiz. Dahil matapos ang pakikipaghiwalay sa kaniyang mister na si Eric Villarama noong 2016 ay ngayon lang muling pumasok sa isang relasyon ang aktres.
At base sa post nito na may larawan kung saan makikitang may lalaki sa kaniyang likuran ay makikitang inlove ang aktres.
Dalawa nga sa unang nag-comment sa post na ito ni Donita ay ang mga kaibigan niyang sina Ruffa Gutierrez at Jackie Foster.
Wowwww!!! Girlllll!! I’m super happy for you.
That only took 525,600 …years. What matters is, you are happy! Keep that smile on beautiful lady
Ito ang komento nila sa unang post ni Donita tungkol sa kaniyang lovelife ngayon.
Sa sumunod na araw ay ipinakita na ni Donita ang mukha ng lalaking sinasabi niyang kinikita niya sa ngayon.
Ayon sa caption ng kaniyang Instagram post, nakasama niya ito sa ginanap na LA Fashion Week noong nakaraang linggo. Bagamat hindi niya parin pinangalanan kung sino ang mystery guy na ito.
Image from Donita Rose’s Instagram account
Sa post na ito ni Donita ay napa-heart emoji ang ilan sa mga celebrity friends niya.
Mas lalo pa nga silang kinilig ng magpost si Donita ng mas close-up na kuha ng kaniyang bagong boyfriend. Mayroon din silang kuha na magkasama habang nakahiga sa isang park.
“The grass seems greener these days, or is it just me?”
Ito ang caption ng post ni Donita na mas lalong nagpatunay na talaga nga namang in love ang aktres sa ngayon.
Mas dumami nga ang heart reactions na natanggap ni Donita mula sa post niyang ito. At kahit nga ang komedyanteng si Donita Nose na gumagaya sa aktres ay napa-comment narin sa nakakakilig na post niyang ito.
Inlababo ka idol twinny… stay inlove.
Heto pa ang ilang reaksyon ng mga kaibigan ni Donita Rose na celebrity:
Donita Rose ipinakilala si Felson Palad
Image from Donita Rose’s Instagram account
Kahapon ay hindi nakapagpigil si Donita Rose at ipinakilala na sa wakas ang mystery guy na nagpapatibok sa ngayon ng puso niya bilang kanyang boyfriend. Ito ay si Felson Palad na itinag rin ni Donita sa kaniyang post.
Sa ipinost na larawan ni Donita ay makikitang naka-wacky pose ang kaniyang boyfriend na si Felson. Ito daw ang napiling “introduction photo” ni Felson mismo na sinunod lang ng aktres ng opisyal niya ng ipakilala ito na kaniyang boyfriend sa buong mundo.
“After my last post yesterday, this guy called to say he posted these photos. When I saw them, I laughed so hard and asked, “Why this as an introduction photo”? His response: “Para habang tumatagal pumopogi ako.” (So as time goes by, I’ll become more handsome.” I almost died laughing. That’s @felsonpalad for you peeps. #micdrop”
Ito ang sabi ni Donita sa kaniyang Instagram account.
Samantala, ang boyfriend niyang si Felson ay ipinost rin sa kaniyang Instagram account ang parehong wacky shots nila ni Donita Rose. Pero sa post niya ay nag-hint siya sa kung paano sila nagkakilala ni Donita. At ito ay sa pamamagitan ng paniniwala nila sa Diyos.
View this post on Instagram
“Twilight! life is short, we need to believe and know Jesus and fall in love with a person who loves more the Lord than you.”
Ayon pa sa sumunod na post nito, si Felson ay isang singer at musician by profession.
Syempre, hindi rin naman makapag-pigil ang showbiz friends ni Donita Rose sa magandang balitang ibinahagi nito tungkol sa pagkakaroon ng boyfriend. Nanguna na nga rito si Ruffa Gutierrez sinabing very happy siya para kay Donita. Ito naman ay sinagot ni Donita ng pabiro.
BASAHIN:
LOOK: Donita Rose, ito na ang trabaho sa Amerika
Donita Rose reveals why it didn’t work out with her ex-husband after 12 years of marriage
Andi Eigenmann and Philmar Alipayo to start a business in Siargao: “We’re excited!”
History ng love life ni Donita
Matatandaang taong 2016 ng kumpirmahin ni Donita Rose na hiwalay na sila ng mister na si Eric Villarama. Ito ay matapos mag-post si Eric ng picture niya sa Instagram kasama ang ibang babae.
Kuwento ni Donita, dalawang taon bago ang opisyal nilang hiwalayan ay on and off ang relasyon nila. Pero sinusubukan nilang ayusin ito.
Kaya naman laking gulat niya ng mag-post ng picture ang mister niyang si Eric Villarama na may kasamang babae. Ito ang nakita niyang kompirmasyon nito na ang relasyon nga nila ay tapos na at wala ng pag-asa.
Si Donita at Eric ay mayroong isang anak na nagngangalang Joshua Paul na binata na ngayon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!