LOOK: Donita Rose engaged na sa kaniyang boyfriend na si Felson Palad!

Celebrity friends ni Donita super saya para sa aktres!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Donita Rose inanunsyo na ang engagement nila ng boyfriend na si Felson Palad. Tunghayan dito ang mga sweet na tagpo sa relasyon ng dalawa.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Felson Palad and Donita Rose engagement
  • Relasyon nina Felson Palad at Donita Rose

Felson Palad and Donita Rose engagement

Image from Donita Rose’s Instagram account

May bagong update sa relasyon ng bagong love birds na sina Donita Rose at Felson Palad. Base sa kanilang latest social media post sila ay engaged na. Ang magandang balita masayang ibinahagi ng aktres na si Donita Rose sa kaniyang Instagram account.

“Am now officially engaged!”

Ito ang caption ng post ni Donita kalakip ang picture nilang magkasama ni Felson at suot ang engagement ring niya.

Ang mga celebrity friends ni Donita tulad nina Gelli de Belen, Ruffa Gutierrez, Jackie Forster at Ruby Rodriguez, labis ang saya sa magandang balita ng magkasintahan. Agad silang nag-komento at binati ang newly engaged couple.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

gellidebelen: Wowwwwww Congratulations Barbiedoll!!!! So happy for you. @dashofdonita

iloveruffag: You finally told the world!! Congratulations, girl!! You beat us all to it!!

jackie_forster: Congratulations, prayers for your up coming nuptials! So happy that you are happy D

rodriguezruby: Oh wow!! Congratulations. Happy for both of you as im a witness how it all started.

Samantala, sa Instagram ni Felson Palad ay pinost niya rin ang parehong larawan na ipinost ni Donita. Bagamat ang caption nito ay hindi tungkol sa announcement ng kanilang engagement. Kung hindi sa wedding na pinuntahan nila kung saan ginawa ni Felson ang proposal niya kay Donita ng kasal.

BASAHIN:

Donita Rose na-bash matapos ipakilala ang bagong boyfriend: “Yes, they have been painful for me”

Kylie Padilla nakikipag-date ulit, friends na kay Aljur Abrenica: “I want him to be happy.”

Erwan Heussaff niligawan si Anne Curtis sa pamamagitan ng pagkain, mix tapes at post cards!

Relasyon nina Felson Palad at Donita Rose

Image from Donita Rose’s Instagram account

Marami ang natuwa ng ipakilala ni Donita Rose ang bagong lalaking nagpapatibok ng puso niya. Ito ay matapos ang higit sa limang taon nang kumpirmahin niya ang hiwalayan nila ng mister niyang si Eric Villarama.
 
Mula ng ipakilala ni Donita si Felson sa publiko ay makikitang puro happy at sweet post ang makikita sa Instagram ng aktres. Ganoon rin sa Instagram ni Felson na isang singer at kaibigan rin ng ilang Pilipinong artista.
 
Nitong nagdaang Mother’s day ay sinamahan ni Felson si Donita na bisitahin ang kaniyang ina sa Los Angeles, California. Ang aktres nagsulat ng appreciation post sa ginawang ito ni Felson.
 
Dahil hindi lang daw basta ang mommy ni Donita ang napasaya ni Felson sa ginawa niyang ito. Pati daw si Donita ay na-touch sa pagpapakita ng respeto at effort ni Felson para sa kaniyang ina.
 
“Thank you @felsonpalad for coming with me to Vegas to celebrate Mother’s Day with @cavettevelina. Every little thing you did to honour her, also honoured me. Your time and effort was the best thing my mom and I both could ever receive, worth more than anything money could buy.”
 
“Just wanted to share my kilig factor with everyone.”
 
Ito ang caption ng post ng aktres na tampok ang larawan nila ni Felson na magkasama.
 
Samantala, sa Instagram naman ni Felson ay puro fun moments nila ni Donita ang ibinabahagi niya. Gaya nalang sa isang photoshoot na kanilang ginawa na nilagyan ni Felson ng funny but with humor na caption. Ito ay nagpatawa at nagpakilig kay Donita.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Beside every successful man, there is a strong woman wearing Red Sunglasses.”

Ito ang caption ni Felson sa nakakatuwang larawan nila ni Donita na agad namang kinomentan ng aktres. Sa kaniyang comment ay sinabi niya kung paano siya napapatawa ni Felson na ngayon niya lang naranasan sa buong buhay niya.

“I still can’t get over all the laughs like these that we had from the shoot. I think you also need to explore standup comedy Mahal. And I don’t think I have laughed so much in my life.”

Ito ang sabi ni Donita.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Felson at Donita thankful na makilala ang isa’t isa

Image from Donita Rose’s Instagram account

Sa isa pang Instagram post ay ibinahagi ni Felson kung gaano siya ka-thankful na makilala at dumating sa buhay niya si Donita.

Doon nga ay ipinakita niya ang larawan ng kanilang naging first date at kung paano nito nabago ang buhay niya. Sabi pa ni Felson, si Donita ang katuparan ng mga dasal niya sa Diyos.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“I feel like I have found someone who speaks my language, hears the real music of my heart, and laugh at my corny jokes. To the people who commented, “ feeling pogi” I do. Hahaha. Guys, it’s @dashofdonita who would not be? But kidding aside, I am humbled every day to know God has heard my prayers. God bless everyone.”

Ito ang sabi pa ni Felson Palad na engaged na at malapit ng maikasal kay Donita Rose.