Donita Rose umaming nakatanggap ng bashing at negative comments noong kanyang ipakilala ang bagong boyfriend na si Felson Palad. May sagot si Donita sa mga basher.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Donita Rose nag-react sa mga negative comments sa relasyon nila ni Felson Palad
- Relasyon nina Donita at Felson
Donita Rose nag-react sa mga negative comments sa relasyon nila ni Felson Palad
Image screenshot from Donita Rose’s Instagram account
Nitong nakaraang Linggo ay ginulat at pinakilig ng aktres at kilalang dating MTV VJ na si Donita Rose ang Instagram world nang sabihin niyang may bagong lalaki siyang ka-date. Ito ay pinangalanan ni Donita ilang araw matapos niyang i-share ang bagong happening na ito sa kaniyang buhay.
Ang boyfriend ni Donita ay si Felson Palad na ayon sa aktres ay isang musician at singer. At sila daw ay nagkakilala sa pamamagitan ng pareho nilang pagmamahal sa salita ng Diyos.
Sa mga larawang ibinahagi ni Donita sa Instagram ay makikitang very happy at in love ito ngayon. Marami nga sa kaniyang celebrity friends ang natuwa. Ito ay dahil matapos ang ilang taon ng maghiwalay sila ng dating mister na si Eric Villarama ay ngayon lang muling pumasok sa isang relasyon si Donita.
Si Eric at Donita ay naghiwalay noong 2016 matapos ang halos 13 taong pagsasama. Sila ay nagkaroon ng isang anak na lalaki na nagngangalang si JP, na 18-anyos na ngayon.
Pero tila hindi lahat ay masaya para sa aktres at boyfriend niya. Dahil base sa isang post ni Donita ay umamin siyang nakatanggap ng negative comments at pangba-bash matapos ipakilala sa publiko ang kaniyang boyfriend.
Sa kabila ng bashing, mas lamang naman ang natutuwa na masaya si Donita sa ngayon. Ang mga ito naman ay pinasalamatan niya.
“Although I’m currently a little overwhelmed with work deadlines & can’t answer all comments for now, I just want to thank everyone for their overwhelmingly touching messages.”
Hindi niya rin pinalampas ang mga nangba-bash sa kanilang relasyon ni Felson. Ayon kay Donita, masakit ang mga nababasa niyang negative comments pero imbis na magalit ay prayers ang sagot sa kanila ni Donita at boyfriend niya.
“There have also been a ton of negative comments from netizens regarding articles written about us and our social media posts, some making memes and trolling on us.”
“Yes, they have been painful for me, I’ll admit, but just know that @felsonpalad and I prayed blessings for them.”
Dagdag pa ni Donita, proud siya sa boyfriend at sa pamilya nito. Lalo na kung paano ng mga ito naha-handle ang mga bashing sa kanila. At imbes nga daw na maapektuhan sa mga ka-negahan ay tinatanggap ito ni Felson sa positibong paraan.
“Mind you, he has been unfazed & extremely amused to say the least about the negativity & we are excited now, more than ever to proclaim God’s faithfulness & goodness in our lives.”
Image screenshot from Donita Rose’s Instagram account
BASAHIN:
LOOK: Donita Rose ipinakilala na ang lalaking nagpatibok sa kaniyang puso!
Trina Candaza sa pakikipag-ayos kay Carlo Aquino: “Mahirap na po magkabalikan lalo na kung ‘yong mga taong nakapaligid, support sa pagiging single ng tao”
Judy Ann sa 43rd birthday ni Ryan Agoncillo: “You are and will always continue to be God’s biggest blessing”
Relasyon nina Donita at Felson
View this post on Instagram
Matapos ang post na ito ni Donita ay nag-share ang aktres na isang tagpo na kung saan nagpapakita ng saya at excitement na mayroon ang bago niyang relasyon. Ito ay nang kumain sila sa labas ni Felson at ng magpunta sila sa isang bar na kung saan si Donita ay napakiusapang kumanta.
Si Donita na aminadong hindi magaling na singer ay nahiya ngunit kumanta para mapagbigyan ang request ng mga nakikinig sa kaniya. Ito ang pagbibirong kuwento ni Donita.
“Nandito Ako in front of my newfound professional singing boyfriend??? I was sure he was gonna break up with me after that! I wanted to run and hide and was sweating bullets on that stage while everyone was laughing.”
Pero mabuti na lang daw at very supportive ang kaniyang boyfriend na tunay nga namang nagpapasaya at nagpapakilig kay Donita.
“Thankfully, no one threw tomatoes at me and my boyfriend (eiiiiiiii!!!) is still around. Way too many stories to share in one post but I’m definitely on Cloud 9. Shout out to Cupid for the overdose. Tama na, ha? Quota na.”
Samantala, si Felson naman ay may post rin sa kaniyang Instagram tungkol sa relasyon nila ni Donita.
Base sa post ni Felson na nakatag si Donita, ito ay isang unexpected blessing para sa kaniya at minsan ay hindi niya naisip na darating sa kaniyang buhay. Ito ang buong post ni Felson tungkol kay Donita.
“You are my unexpected blessing. I didn’t think you would ever come into my life, but here you are, the Apple of my eye. God has already prepared the good works and adventure for us together. I am excited.”
Image screenshot from Donita Rose’s Instagram account
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!