X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Trina Candaza sa pakikipag-ayos kay Carlo Aquino: “Mahirap na po magkabalikan lalo na kung 'yong mga taong nakapaligid, support sa pagiging single ng tao"

5 min read

Napa-react si Trina Candaza sa isang netizen na umaasang magkabalikan pa sila at maayos ang relasyon nila ni Carlo Aquino. Ito’y matapos makumpirma ang kanilang paghihiwalayan noong nakaraang linggo.

Mababasa sa artikulong ito ang mga sumusunod:

  • Trina Candaza sumagot sa humihiling na maayos ang relasyon kay Carlo Aquino
  • Trina hindi naging madali ang pregnancy journey
  • Carlo at Trina busy sa kanilang mga career

Trina Candaza sumagot sa humihiling na maayos ang relasyon kay Carlo Aquino

Kung si Trina Candaza ang tatanungin, may ilang balakid sa posibleng pagkakabalikan nila ni Carlo Aquino.

Sa Instagram, isang netizen ang humiling na sana ay malampasan nina Trina Candaza at Carlo Aquino ang pagsubok sa kanilang relasyon. Ayon pa sa nag-comment, alam daw nito na mahal pa ng dating couple ang isa’t isa.

“Sana magkaayos na kayo ni kuya carlo alam ko mahal niyo pa isat isa pag subok lang yan malalagpasan niyo rin para kay baby kalimutan ng past at magsimula uli. God bless.”

Sinagot naman ito ni Trina Candaza at pinaliwanag kung bakit malabo nang muli silang magkabalikan at maayos ang kanilang relasyon ni Carlo. Ayon kay Trina, may mga tao raw na suportado ang pagiging single ng isang tao.

Ito’y sa kabila ng pagkakaroon nila ni Carlo ng anak na si Enola Mithi.

“Mahirap na po magkabalikan lalo na kung yung mga taong nakapaligid, support sa pagiging single ng tao na para bang walang batang nawalan ng buong pamilya.”

Matatandaan na sa panayam ng ‘TV Patrol’ kay Carlo Aquino, inamin niyang sila ay hiwalay na ni Trina Candaza makalipas ang tatlong taon na pagsasama.

trina candaza relasyon

Larawan mula sa Instagram account ni Trina Candaza

Hindi na idinetalye ni Carlo kung ano ang dahilan ng break-up nila ni Trina. Ngunit aniya, nagkakausap pa rin sila para sa kanilang anak na si Mithi.

Wika ng aktor, minsan ay pinupuntahan niya ang kanyang anak para maalagaan ito. Bukas din si Trina sa paghiram ni Carlo kay Mithi, at tuwing nasa poder ni Carlo ang kanilang baby ay busy si Trina sa mga gawaing bahay.

Noong pumutok ang balita tungkol sa hiwalayan ng dating couple, isang headline ng artikulo ang sinita ni Trina. Ito’y dahil posibleng ma-misinterpret ng publiko ang ilang detalye sa paghihiwalay nila ni Carlo.

Isang article ang may na headline ‘Carlo Aquino nakipaghiwalay na kay Trina Candaza’. Nakiusap naman si Trina sa pahayagan na ayusin ang headline dahil posibleng isipin ng mga netizen na si Carlo ang nakipaghiwalay sa kaniya.

“Parang wala naman po kasi sinabi si Carlo na siya ang nakipaghiwalay, sa pagkaka-alala ko po parang baligtad.”

BASAHIN:

Trina Candaza calls out ABS-CBN saying Carlo Aquino broke up with her: “Sa pagkaka-alala ko po parang baligtad.”

LOOK! Paulo Avelino muling nakapiling ang anak na si Aki sa New York

Jessy Mendiola may hiling sa kanyang Lebanese father: “Please just come home with me”

trina candaza relasyon

Larawan mula sa Instagram account ni Trina Candaza

Trina hindi naging madali ang pregnancy journey

Hindi naging madali ang pinagdaanan ni Trina Candaza bago pa isilang ang kanyang anak na si Mithi.

Sa nakalipas na panayam ng theAsianparent team kay Trina, kinuwento niya ang ilang naramdaman niya noong pinagbubuntis niya pa ang kanyang unang baby.

Ayon kay Trina, noong nasa sinapupunan niya pa si Mithi ay madalas siyang makaranas ng antok. Sensitive din siya pagdating sa amoy ng ilang bahay.

Sa amoy raw ng bawang ay nasusuka na siya noong kanyang pinagbubuntis si Mithi.

“Tapos tuwing papasok ako ng work kahit nasa kotse lang ako nagsusuka talaga ako. Doon ako nahirapan kasi nasa work nasusuka ako. Sobrang lakas ng pang-amoy ko.”

Sa panahon ng kanyang due date ay nakaranas din ng matinding sakit si Trina. Kuwento niya, ilang araw na overdue ang kanyang panganganak kaya kinailangan siyang isailalim sa caesarian section.

“Sobrang bilis ng pangyayari. Sa CS pala mayroon pa lang feeling na kapag tinanggal na ‘yong baby sa tummy mo parang may dadagan na elephant sa chest mo. Na-feel ko na may tinanggal sa katawan ko tapos biglang bumigat.”

Kaya naman matapos ang kanyang pregnancy ay bumilib siya sa mga ina na dumaan sa parehong journey niya.

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
trina candaza relasyon

Larawan mula sa Instagram account ni Trina Candaza

Carlo Aquino at Trina Candaza busy sa kanilang mga career

Sa ngayon ay busy si Carlo Aquino sa kanyang pagbabalik sa sa aktingan. Katambal niya si Maris Racal para sa ABS-CBN series na How To Move On In 30 Days na napapanood sa YouTube.

Dumalo si Carlo Aquino sa media conference ng kanyang series at doon niya binahagi kung paano ba ang proseso ng pagmo-move on.

Ayon kay Carlo, kailangan daw ay ikuwento sa mga kaibigan ang nangyari sa failed relationship para mawala ang sakit. Nakakatulong rin daw ang nature tulad ng pagpunta sa bundok at dagat para maka-move on.

Samantala, si Trina naman ay vlogging ang pinagkakaabalahan at ilan pang commitment tulad ng mga endorsement at pagdalo sa mga events.

Mayroon nang lampas 78,000 subscribers si Trina sa YouTube. At doon mapapanood ang kaniyang mga update tungkol sa kanilang buhay ni Mithi.

Sa vlog ni Trina noong April 4, binahagi niya ang pagbabakasyon nila ni Mithi sa Batangas para ma-experience ang freediving.

Maraming fans naman ni Trina ang humihiling na sana ay patuloy na maging malakas at matatag si Trina para sa kanyang baby na 1 year and 6 months na.

 

Instagram

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Ray Mark Patriarca

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Trina Candaza sa pakikipag-ayos kay Carlo Aquino: “Mahirap na po magkabalikan lalo na kung 'yong mga taong nakapaligid, support sa pagiging single ng tao"
Share:
  • Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

    Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

  • Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

    Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

  • Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

    Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

  • Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

    Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

  • Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

    Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

  • Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

    Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.