TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

Trina Candaza calls out ABS-CBN saying Carlo Aquino broke up with her: “Sa pagkaka-alala ko po parang baligtad.”

5 min read
Trina Candaza calls out ABS-CBN saying Carlo Aquino broke up with her: “Sa pagkaka-alala ko po parang baligtad.”

Napa-react si Trina Candaza sa headline ng isang article dahil posibleng ma-misinterpret ng publiko ang detalye tungkol sa hiwalayan nila ni Carlo Aquino.

Napansin ni Trina Candaza ang article ng ABS-CBN patungkol sa pagkumpirma ni Carlo Aquino tungkol sa kanilang break-up.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Trina Candaza may pakiusap tungkol sa headline
  • Pag-amin ni Carlo Aquino sa hiwalayan kay Trina
  • Bakasyon nina Trina at Mithi sa Batangas

Trina Candaza may pakiusap tungkol sa headline

Nitong Lunes ay pumutok ang balitang kumpirmado na ang paghihiwalay nina Trina Candaza at Carlo Aquino. Ito’y matapos ang ilang buwang espekulasyon tungkol sa estado ng relasyon ng couple.

Sa isang artikulo ng ABS-CBN News, binalita ang break-up nina Trina at Carlo na may titulong ‘Carlo Aquino nakipaghiwalay na kay Trina Candaza’.

Binahagi rin sa Facebook ang naturang artikulo, dahilan para mag-react si Trina Candaza. Pakiusap ng ex-girlfriend ni Carlo Aquino, sana ay ayusin ng media company ang kanilang headline.

“Paki ayos po ng headline.”

Trina Candaza calls out ABS-CBN saying Carlo Aquino broke up with her: Sa pagkaka-alala ko po parang baligtad.

Dagdag pa ni Trina Candaza, nagtunog kasing si Carlo Aquino ang nakipaghiwalay sa kanya. Paglilinaw ni Trina, walang nabanggit si Carlo tungkol sa kung sino ang nakipaghiwalay sa kanila.

“Parang wala naman po kasi sinabi si Carlo na siya ang nakipaghiwalay, sa pagkaka-alala ko po parang baligtad.”

Maraming netizen naman ang nakaintindi sa request ni Trina na baguhin ang headline ng article. Binura naman ng ABS-CBN ang kanilang istorya at pinalitan na ito ng bagong headline.

Trina Candaza Carlo

Larawan mula sa Instagram account ni Trina Candaza

Pag-amin ni Carlo Aquino sa hiwalayan kay Trina

Matatandaan na sa isang press conference naitanong kay Carlo Aquino kung in a relationship pa ba sila ni Trina Candaza. Doon nabanggit ng aktor na hindi na sila together ni Trina.

Ayon kay Carlo, may komunikasyon pa sila ni Trina para sa kanilang anak na si Mithi. Aniya, minsan ay nakakapiling niya ang kanyang anak.

“Nag-uusap kami, and every once in a while, nahihiram ko si Mithi. But siyempre, dahil nga pandemic pa din, ‘yong safety muna niya [iniisip ko].”

Sa unang buwan ng 2022 ay nagsimula ang rumor tungkol sa hiwalayan nina Trina Candaza at Carlo Aquino. Bumukod sa isang condominium unit si Trina at isinama niya ang kanilang anak na si Mithi.

Napansin din ng mga netizen ang pag-unfollow nina Trina at Carlo sa social media account ng isa’t isa.

Nag-ugat din ang usapan sa hiwalayan ng ex-couple nang may i-post sa Facebook si Trina tungkol sa isang partner na may pinupuntahan daw na ibang babae sa oras na wala na sila.

Bagamat walang pinangalanan si Trina sa naturang post, marami ang iniugnay ito kay Carlo lalo’t boyfriend ito noon ng modelo.

trina candaza carlo

Larawan mula sa Instagram account ni Trina Candaza

BASAHIN:

Carlo Aquino kumanta na sa hiwalayan kay Trina Candaza: “Nag-separate na kami this year lang”

Danica Sotto to kids na naghiwalay ang parents: Marriage lang nila ang nag-end pero ikaw hindi ‘You are not broken’

Trina Candaza on being a mom: “Sa mga life decisions ko, hindi na laging para sa akin lang, kasama na rin si Mithi”

Bakasyon nina Trina at Mithi sa Batangas

Sa parehong araw ay nag-upload din si Trina ng kanyang latest vlog sa YouTube. Nagtungo si Trina kasama si Mithi sa Batangas para masubukan ang freediving.

Sa La Juana Diving Resort nagbakasyon si Trina kasama ang kanyang baby kung saan in-enjoy niya ang ganda ng tanawin.

Bago sumalang sa freediving sa karagatan ay nagsanay muna si Trina sa six-feet pool. Sa paglusong naman ni Trina sa ilalim ng dagat ay makikita ang magagandang coral at maraming isda.

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2

Pagsapit ng gabi ay nagpahinga na si Trina sa Sunset Lounge malapit sa dalampasigan. Kanya namang inalagaan si Mithi nang makabalik na sa kanilang kwarto.

Sumubok ulit mag-freedive si Trina sa dagat. Nakita rin ang mga magagandang larawan na kuha kay Trina habang siya’y nagtatampisaw.

“Nakakapagod siya, grabe. Pero mas maganda siya siguro kung may bangka kami dun kasi para ano, pwede kaming magpahinga tapos sisid na uli.”

“Hindi ko rin in-expect na kaya ko pala. Kasi sobrang takot ako ngayon sa alon.”

Sa nasabing vlog ni Trina, isang netizen ang nag-comment na, “Stay strong and happy.”

Napansin naman ito ni Trina at nag-reply sa komento ng kanyang follower.

“I’m trying, hopefully one day maging masaya na talaga.”

trina candaza carlo

Larawan mula sa Instagram account ni Trina Candaza

Mapapansin sa mga social media account ni Trina na sa ngayon ay busy siya sa vlogging at ilang mga endorsement.

Sa mga vlog ni Trina ay makikita kung gaano siya ka-hands on pagdating kay Mithi. Kahit may migraine ay sinisigurado niya na may oras siya para sa play time at pagligo ng kanyang anak.

Tuwing wala siyang trabaho ay sinasama rin niya ang kanyang anak sa mall, pati sa grocery shopping.

Nang makapanayam ng theAsianparent Philippines si Trina, sinabi nito na sa ngayon ay lagi na niyang iniisip si Mithi pagdating sa kanyang mga desisyon sa buhay.

“Sa mga life decisions ko, hindi na laging para sa akin lang, kailangan lagi ko siyang isipin sa bawat actions ko, sa sasabihin ko.”

Facebook, YouTube

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Ray Mark Patriarca

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Trina Candaza calls out ABS-CBN saying Carlo Aquino broke up with her: “Sa pagkaka-alala ko po parang baligtad.”
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko