X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

LOOK! Paulo Avelino muling nakapiling ang anak na si Aki sa New York

5 min read
LOOK! Paulo Avelino muling nakapiling ang anak na si Aki sa New York

Paulo Avelino hindi inaksaya ang oras para muling makita ang kaniyang anak na si Aki.

Tinupad ni Paulo Avelino ang kanyang pangako sa anak na si Aki nang puntahan niya ito sa America.

Mababasa sa artikulong ito ang mga sumusunod:

  • Paulo Avelino dinalaw si Aki sa America
  • LJ Reyes at mga anak, simple ang pamumuhay sa New York

Paulo Avelino dinalaw si Aki sa America

Sa kabila ng paghihiwalay nila ni LJ Reyes, hindi pa rin nakakalimutan ni Paulo Avelino ang maging responsableng ama para sa kanilang anak na si Aki.

Sa Instagram story ni Paulo Avelino, makikitang nagtungo ito sa New York. Ito’y para muling masilayan ang kanilang anak ni LJ Reyes na 11 years old na.

Makikita sa social media account ng Kapamilya actor na kanyang sinundo ang anak sa labas ng isang gusali. May dalang jacket at backpack si Aki.

Kaagad namang tinawag ni Aki ang kanyang ama ng makita niya ito. Kaya naman lumapit agad si Paulo.

Sambit naman ni Paulo noong makita niya ang kanyang anak, “Hi! You’re still wearing your jacket.”

paulo avelino aki

Larawan mula sa Instagram account ni Paulo Avelino

Sa iba pang video ni Paulo, maririnig na kinakausap niya si Aki tungkol sa kulay ng buhok nito. Kanila ring nilibot ang New York habang nagbo-bonding bilang mag-ama.

Matatandaan na sa nakalipas na panayam ni celebrity talk show host Boy Abunda kay LJ Reyes noong 2021, binahagi niya na kinukumusta ni Paulo ang kanilang anak.

Ayon pa kay LJ, nagsabi si Paulo na handang tumulong si Paulo para sa kanilang anak sa kahit anong pagkakataon.

“Parang nagsabi lang siya sa ‘kin na I know you are going through a very difficult time. Siyempre ang iniisip niya daw ay si Aki. If anything daw that I need when it comes to Aki I can always tell him.”

Lahad pa ng ina ni Aki, kahit hindi sila madalas mag-usap ni Paulo ay lagi naman itong nandiyaan para sa kanilang anak.

Noong 11th birthday ni Aki, naging sweet at mensahe ni Paulo para sa kanyang anak. Ayon sa aktor, wala siyang ibang hinihiling kundi makasama ang kanyang anak sa paglaki nito.

“I want nothing but spend more time with you and be with you growing up. I love you forever.”

paulo avelino aki

Larawan mula sa Instagram account ni LJ Reyes

Sa nagdaang press conference para sa concert tour ni Paulo, nilahad niya na kinausap niya noon si LJ para madalaw ang kanilang anak. Ayon pa kay Paulo, nag-aaral na sa New York ang kanyang anak.

“Excited na excited na rin akong makausap ang anak ko kasi nagi-school na rin doon and everything.”

At kahit sila’y magkalayo ay madalas pa rin silang magkausap sa pamamagitan ng cellphone.

Kwento pa ng aktor, dahil raw pareho silang mahilig sa games ay iyon na ang nagiging bonding nilang mag-ama. Kaya naman hindi pa rin napuputol ang kanilang komunikasyon kahit siya ay nasa Pilipinas.

Bukod sa pagdalaw sa kanyang anak, nasa America si Paulo dahil sa ilang concert kung saan siya magpe-perform sa iba’t ibang parte ng California.

BASAHIN:

LJ Reyes to her children, Aki and Summer: Kaya ko dahil kayo ang lakas ko

Bela Padilla shares her thought on having her own kids: Maybe I’m not mature enough for it

Lara Quigaman shares asawa tips: “Look back and remember how you were before, what you love about each other.”

paulo avelino aki

Larawan mula sa Instagram account ni LJ Reyes

LJ Reyes at mga anak, simple ang pamumuhay sa New York

Ilang buwan na rin ang nakalipas mula nang tumira sa New York si LJ Reyes kasama ang kanyang mga anak. Busy ngayon si LJ sa pagiging nanay para kina Aki at Summer.

Partner Stories
Simple and Safe Care for the Whole Family: Meet Moringa-O2’s All-in-One Herbal Oil for Skin and Hair
Simple and Safe Care for the Whole Family: Meet Moringa-O2’s All-in-One Herbal Oil for Skin and Hair
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
Acts of Love Poured into Every Glass
Acts of Love Poured into Every Glass

Noong makipagkita si LJ kay Boy Abunda sa America, sinabi niya na may mga araw na nahihirapan siya sa foreign land.

Matatandaan na nanirahan si LJ kasama ang kanyang mga tsikting sa New York matapos ang hiwalayan kay Paolo Contis noong nakaraang taon.

Ito’y matapos masangkot sa isang issue si Paolo kasama pa ang isang local celebrity. May ilang mga larawan at video na kumalat na may kasama si Paolo na ibang babae sa iba’t ibang lugar.

Ayon naman kay LJ, hindi siya apektado sa naturang issue tungkol sa third party dahil mas mahalaga sa kanya na masuportahan ang mga anak.

Habang naka-break sa showbiz ay vlogging naman ngayon ang pinagkakaabalahan ni LJ. Sa isang YouTube video ng aktres, nagpasalamat siya sa kanyang mga fan na patuloy ang suporta sa kanya.

“Sana ay maramdaman niyo ang taos puso naming pasasalamat sa munting handog namin na pagbabahagi ng aming simpleng buhay!”

Makikita sa video ang pagiging hands on mother ni LJ sa kanyang dalawang anak. Kasama siya sa play time ng mga ito sa parke pati sa kanilang pag-aaral.

Sambit pa ni LJ, sa ngayon ay ang kanyang mga anak ang nagiging source of strength niya. Aniya, nakayanan niya ang lahat ng pagsubok na dumating sa kanyang buhay dahil kina Aki at Summer.

Instagram

YouTube

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Ray Mark Patriarca

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • LOOK! Paulo Avelino muling nakapiling ang anak na si Aki sa New York
Share:
  • Behind the 'What Hafen Vella' Meme is a Dad with a Dream

    Behind the 'What Hafen Vella' Meme is a Dad with a Dream

  • Simple and Safe Care for the Whole Family: Meet Moringa-O2’s All-in-One Herbal Oil for Skin and Hair
    Partner Stories

    Simple and Safe Care for the Whole Family: Meet Moringa-O2’s All-in-One Herbal Oil for Skin and Hair

  • This Broadcast Journalist Wakes Up at 3AM and Still Makes It to Family Game Night

    This Broadcast Journalist Wakes Up at 3AM and Still Makes It to Family Game Night

  • Behind the 'What Hafen Vella' Meme is a Dad with a Dream

    Behind the 'What Hafen Vella' Meme is a Dad with a Dream

  • Simple and Safe Care for the Whole Family: Meet Moringa-O2’s All-in-One Herbal Oil for Skin and Hair
    Partner Stories

    Simple and Safe Care for the Whole Family: Meet Moringa-O2’s All-in-One Herbal Oil for Skin and Hair

  • This Broadcast Journalist Wakes Up at 3AM and Still Makes It to Family Game Night

    This Broadcast Journalist Wakes Up at 3AM and Still Makes It to Family Game Night

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko