Donny Pangilinan at mga kapatid niyang vloggers na sina Ella at Hannah masaya sa kanilang joint graduation ceremony.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Ella, Hannah at Donny Pangilinan graduation sa college.
- Reaksyon ng mga magulang nina Ella, Hannah at Donny na sina Maricel Laxa at Anthony Pangilinan.
Ella, Hannah at Donny Pangilinan joint graduation in college
Napakasayang magtapos sa kolehiyo kasabay ang iyong mga kaibigan. Pero tila mas masaya kung kasabay mong magtatapos ang mga kapatid mo. Sa mga larawan ngang ibinahagi ng aktor na si Donny Pangilinan sa kaniyang Instagram account ay makikitang ito ay totoo. Dahil si Donny kasabay ang mga kapatid niyang si Ella at Hannah ay naka-graduate na sa kanilang college degree.
Base sa post ni Donny, sila ng kaniyang mga kapatid ay nagtapos ng degree sa College for Global Deployment sa Washington State, USA. Sila ay nagsimulang mag-aral dito ng mga kapatid noong magsimula ang pandemic ng nakalipas ng dalawang taon. At nitong October 10 ay naisagawa nila ang kanilang graduation rites. Nasaksihan ito ng kanilang professor mula sa US na nagbabakasyon ngayon sa Pilipinas.
“For those who don’t know, when the pandemic hit over 2 years ago, Ella, Hannah, and myself completed our degrees together (with mine specifying in Leadership). And today, despite the busy schedules, many sleepless nights (and fights), we were able to have a joint graduation ceremony thanks to the visit of our professor, who is here in Manila for a couple of days.”
Ito ang caption ng post ni Donny sa mga larawan na kung saan makikitang nakasuot sila ng black toga ng mga kapatid niyang sina Ella at Hannah.
Si Donny hindi naman nakalimutang pasalamatan ang professor niyang lumipad pa sa bansa para ito ay maging posible. Pinasalamatan niya rin ang kaniyang mga magulang na sina Maricel Laxa at Anthony Pangilinan sa ginawang pagpapaalala nito sa paggawa ng modules nila at paper works para sa kanilang mga leksyon.
“I would like to thank Dr. Cyndi Romine and everyone of College for Global Deployment in Washington State for this opportunity, and for your patience and guidance. Thanks to mom and dad as well who kept telling me every day to do my modules and papers. Love you both!”
Ito ang sabi pa ni Donny sa kaniyang post.
Reaksyon ng mga magulang nina Ella, Hannah at Donny na sina Maricel Laxa at Anthony Pangilinan
Ang isa sa mga unang bumati nga kay Donny at mga kapatid niya ay walang iba kung hindi syempre ang ina niyang si Maricel Laxa.
“This IS a taste of heaven for me Son . Thank you!”
Ito ang komento ni Maricel sa post ng anak niyang si Donny.
Sa Instagram ay ibinahagi rin ni Maricel ang kaniyang nararamdaman sa naging pagtatapos ng mga anak.
Paglilinaw niya, hiwa-hiwalay na natapos ni Ella, Hannah at Donny ang kanilang college degrees. Pero kahapon lang sila opisyal na grumaduate matapos ang isang simple joint graduation ceremony sa presensya ng kanilang Washington State-based School na si Dr. Cyndi Romine.
Si Maricel, ibinida ang mga pictures ng anak na nakasuot ng toga habang sila ng mister na si Anthony Pangilinan ay nasa tabi ng mga ito at ipinagdidiwang ang kanilang pagtatapos.
“While they finished their courses separately, we were able to schedule the official conferment of bachelors degrees this weekend. So yes, nakapagpatapos din kami sa wakasss!”
Ito ang bahagi ng post ni Maricel sa kaniyang Instagram account.
Nagbigay rin siya ng shout-out sa mga taong nagsabing inspirasyon nila ang mga anak niya pagdating sa pag-aaral. Sa ngayon daw sila ang naging inspirasyon ng mga ito para maka-graduate sa college degree nila.
“Shout out din sa lahat ng mga nagsabing naging inspirasyon yung mga anak namin sa kanilang pag-aaral. Ngayon we can say, kayo rin ang naging inspirasyon nila para mag graduate! To Him be the glory always!”
Ito ang sabi pa ni Maricel.
Ang kapatid ni Donny na si Ella Pangilinan ay nagbahagi rin ng nararamdaman niya matapos maka-graduate ng kolehiyo. Si Ella masaya rin na sa wakas ay natapos niya na ang kurso sa kabila ng lahat.
“Took a few shifts, other shorter courses, passion pursuits and jobs in between but happy to have officially celebrated finishing alongside these two.”
Ito ang caption ng IG story ni Ella na tampok ang graduation picture nilang tatlo nina Donny at Hannah.
Masaya rin ang mga celebrity friends nina Donny at mga kapatid niya sa milestone na ito sa kanilang buhay. Narito ang ilan sa mga pagbati nila.
iamsuperbianca How awesome is that!!! Yaay @donny @hannahpangilinan @ellapangilinanx!!! Congratulations!
garyvalenciano Congratulations to all of you @donny. What an amazing feat!!!!!!
iloveruffag Congratulations!! Amazinggggg!!
belle_mariano Congratulations !!! I’m so proud of you!