Doug and Chesca Kramer nagplaplanong muli na magtayo ng isa pang dream home!
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Doug and Chesca Kramer magtatayo ng isa pang dream home.
- Isa pang family project nina Doug at Chesca.
Doug at Chesca Kramer magtatayo ng isa pang dream home
May bagong proyektong gagawin ang mag-asawa na sina Doug at Chesca Kramer. Kahapon sa Instagram post ni Doug Kramer ay ibinida nila ang lupang nabili nila ni Chesca na pagtatayuan ng kanilang bagong dream home.
“Building another dream home! A build and sell passion project for me and my forever partner.”
Ito ang bungad ni Doug sa kaniyang IG post.
Kung noong una ang dream home na kanilang ginawa ay para sa kanilang pamilya, ang gagawin naman nilang dream home sa ngayon ay para sa ibang pamilya. Sila ang magdidisensyo at magpapagawa nito saka ibebenta para sa katuparan naman ng pinapangarap na bahay ng iba.
Ayon kay Doug, naisip nila itong gawin sapagkat marami silang natatanggap na comments at messages na nagsasabing dream home para sa kanila ang bahay na ipinatayo nila ni Chesca. Kaya naman sa ngayon ay gagawa pa sila ng isa pa nito na may touch at love ng kanilang pamilya pero iba ang titira.
“Ever since our home tour video, so much have said that our home is a dream home for many. So today, we took the first step into building a dream home that our family would love, but with the intention of building it for another family (investor) in the near future.”
Ito ang sabi pa ni Doug. Dagdag pa niya very excited na silang simulan ang project na ito at nagpasalamat sa Diyos ng bagong blessing na ito para sa kanilang pamilya.
“We’re so excited to put our vision and heart to this project. Thank you Lord,” sabi pa ni Doug.
Ang mga celebrity friends nina Doug at Chesca excited narin sa bagong project na ito ng mag-asawa. Binati rin nila ang mga ito sa bagong blessing na ito sa kanilang pamilya.
thatguyslater: Good luck brother! Im sure it would be awesome!
jeckmaierhofer: This is it❤️😍Always proud of you guys🙌🙏🏼
Taong 2019 noong lumipat sina Doug at Chesca kasama ang kanilang mga anak na sina Kendra, Scarlett at Gavin sa kanilang bagong bahay sa Antipolo City. Ito ay three-story mountain top house na may overlooking view ng Metro Manila.
Sa kanilang bahay ay may sariling play place ang kanilang mga anak. Mayroon rin silang vegetable grocery na kung saan may mga tanim silang gulay at mga herbs.
Self-sustaining din daw ang bahay ng Team Kramer. Dahil mayroon din itong sariling water system at generator na nagsu-supply naman ng kuryente sa buong bahay.
“More than just a very nice house, its functional also,” pagmamalaki ni Doug Kramer sa kanilang bahay.
“It’s conducive for learning and for play. We love staying home, spending time as a family, so we wanted it not just be our dream house, but the dream house also of the children.”
Ito ang dagdag naman ni Chesca.
Isa pang family project ng mag-asawang Kramer
Samantala, maliban sa new project dream home nila, may isa pang project na sinimulan nitong Marso ang mag-asawang sina Doug at Chesca. Ito ay ang kagustuhan nilang magkaroon ng pang-apat na anak. Para ito ay maging possible, kailangan nilang sumailalim sa IVF dahil si Chesca ay ligated na.
Kuwento ni Doug, nakaka-3 times na silang nag-fail. At alam niya kung gaano ito kahirap para kay Chesca pero nagpapatuloy parin itong sumubok ng isa pa.
“We’ve gone through three failed IVFs already post Gavin. She’s been ligated for medical reasons before but we went through three failed IVFs and right now we’re on our fourth and our last.”
“For me I appreciate my wife so much because it’s hard to have that kind of failure and thinking that it’s your fault.
But she still to continues to try the second, the third and then the fourth. All our household, our kids, they are all praying intently.”
Ito ang kuwento pa ni Doug sa kanilang IVF journey.
Sa tulong ng IVF ay kukuha ng eggs ni Chesca at ipe-fertilize ito sa sperm ni Doug sa tulong ng makabagong teknolohiya. Kapag na-fertilized na ang egg at isa ng ganap na embryo ay saka lang ito ilalagay sa sinapupunan ni Chesca. Kung ito ay successful na kakapit o ma-implant, magde-develop ito sa fourth baby na inaasam-asam nila.