Doug at Chesca Kramer naniniwalang mas mabuting marinig ng mga anak ang tungkol sa sex mula sa kanila.
Mababasa sa artikulong ito:
- Kung bakit maagang binuksan nila Chesca at Doug Kramer ang topic ng sex sa kanilang mga anak.
- Paano nakokontrol ng mag-asawang sina Doug at Chesca Kramer ang paggamit ng social media ng mga anak.
Paano nakokontrol ng mag-asawang sina Doug at Chesca Kramer ang paggamit ng social media ng mga anak nila
Image from Team Kramer’s Facebook account
Sa launching ng Instagram Parents Guide ay ibinahagi ng mag-asawang sina Doug at Chesca Kramer kung paano nila nakokontrol ang paggamit ng social media ng kanilang mga anak na sina Kendra, Scarlet at Gavin.
Ayon kay Doug, ginagawa nila ito sa pamamagitan ng pagiging mabuting halimbawa sa kanilang mga anak. Sila mismo ay iniiwasan nila ang laging paggamit ng mga gadgets at social media.
Habang sinisiguro na maraming activities na maaring gawin ang mga anak na magbibigay ng additional knowledge at development sa kanila.
“If you’re an intentional parent, you also have to be a good example.
“We know they’re busy throughout the day and every dinner time. We make sure there’s no social media and gadget usage and this allows for more connection.”
Ito ang nasabi ni Doug sa launching ng Instagram Parents Guide nitong February 8.
Maliban dito, ipinapaliwanag din umano nila Doug sa mga anak ang mga risk ng paggamit ng social media.
Sa oras naman umano na gumamit ng social media ang mga ito ay sinisiguro nilang alam nila ang mga sinesearch ng anak. Ganoon na rin ang iba pang mga websites na binibisita nila.
Sinisiguro rin nila na makinig sa mga katanungan ng mga ito o bagay na gumugulo sa kanilang isip. Sa ganitong paraan, nagiging mas malapit ang loob nila sa isa’t isa. Nararamdaman din ng kanilang mga anak ang kanilang pagprotekta na may mabuting dahilan.
“We really need to be involved with your children, to know what they’re searching, know what they’re looking at”, sabi ni Doug.
“We should make sure na they are protected. They know that they’re being loved and know that we are here for them, listening to the things that they worry about or things that they like.
At the end of the day, I want my children to enjoy but also I want them to know that we are still parents and we know what is best.”
Ito ang dagdag naman ni Chesca.
BASAHIN:
Chesca Kramer on secret to a long-lasting marriage: “There is no such thing as luck”
Doug and Cheska Kramer celebrate 13 years of marriage: “I’d marry you over and over again!”
Kung bakit maagang binuksan nila Chesca at Doug Kramer ang topic ng sex sa kanilang mga anak
Image from Team Kramer’s Facebook account
Dagdag namang pahayag ni Doug, napakahalaga na panatilihing open ang communication sa iyong anak. Lalong-lalo na sa oras na siya ay gumamit na ng social media.
Sapagkat ma-eexpose siya sa maraming bagay dito tulad na lang ng usaping sex na kuwento ni Doug ay maaga nilang diniscuss sa mga anak as early as 6 years old.
“For Cheska and I, we’d rather share a lot of intimate things with them personally, rather them finding out on social media.
For example, we were talking about anything that has to do with sex, anything that has to do with that. As early as six years old we’ve actually spoken to our children about that.”
Ito ang pagbabahagi pa ni Doug.
Dagdag na paliwanag naman ni Chesca, napakahalaga na sa ating mga magulang magsimula ang nalalaman ng ating mga anak tungkol sa sex.
Ito ay para masiguro nating tama ang mga malalaman nila tungkol rito. At para mas mapaliwanag natin ng walang malisya ang napaka-sensitive na paksang ito.
“These are topics that most parents are not comfortable talking about but we feel that there are a lot of issues that are going around and we would like our children to hear it from us, especially since there’s a lot of malice to it.”
Image from Team Kramer’s Facebook account
Sabi pa ni Chesca, sa ganitong paraan ay naipapakita natin sa ating mga anak na maaari silang makipag-usap sa atin ng anumang bagay na gumugulo sa kanilang isipan.
Handa tayong sagutin ang mga tanong nila ng walang pag-aalinlangan. Kaya naman imbis na maghanap ng kasagutan sa iba ay nasisiguro nating nagagabayan natin sila patungo sa tamang landas at kaalaman.
“With that, we take responsibility in being the first (to tell them), knowing that these are our children. We know better how to raise them, we know better how to guide them.
You know, it’s very important for parents to really talk about these issues and there are issues going around. We make our children feel that they can talk to us about anything and everything.”
Ito ang sabi pa ni Chesca.