Nag-celebrate ang daughter ni Doug Kramer na si Kendra ng kaniyang 13th birthday. Ipinasilip sa pamamagitan ng video sa kanilang youtube channel ang bahagi ng selebrasyon na ito ni Kendra.
Mababasa sa artikulo na ito ang mga sumusunod:
- Natanggap na regalo ni Kendra mula sa kaniyang daddy
- Message ng Team Kramer kay Kendra
Regalo ni Doug Kramer para sa kaniyang daughter na si Kendra
Makikita sa YouTube channel ng Team Kramer ang bigayan ng regalo sa kaarawan ng daughter nina Doug Kramer at Cheska Garcia na si Kendra.
Isa sa naging regalo ni Doug para sa kaniyang daughter ay isang promise ring. Wika ng dating PBA player, ang singsing ay palatandaan na minsan ay kailangan nitong magdesisyon para sa kaniyang sarili.
“Okay, so this is a reminder, Kenny because you’re now a teenager. You know that for mommy and daddy we can only tell you so much advice and guidance. There will be some times that you’ll need to say yes on your own, say no on your own.”
Pinaalalahanan din ni Doug ang anak na huwag kalimutan kung paano nila siya tratuhin. Nagpayo rin ang atleta kay Kendra pagdating sa pag-ibig.
“So, don’t forget how Papa and Mama treat you, the love we show you. Your fingers are big na. And don’t give away your love so easily, sweetheart, okay?”
Bago pa man ibigay ni Doug ang kaniyang regalo, sinabi niyang hindi siya nakapaghanda ng speech para rito. At doon sinabi ni Doug na ang kaniyang ibibigay ay isang mamahaling regalo para kay Kendra.
“I haven’t prepared the speech for this, but I think the most important thing is what mommy and I and your siblings have shown you is how quality and quantity of time is so important. So as a symbol of time, this is a little reminder how precious you are and how precious time is, okay?”
Nang makita’y hindi napigilan ni Kendra ang mamangha, patuloy rin siyang nagpasalamat sa kaniyang mga magulang.
Muli pang biniro ng kaniyang ona si Kendra, wika ay pumayag ito sa regalo dahil susuotin niya rin ang relo ng anak. Bago rin matapos ang video, kinantahan ng mga bisita si Kendra ng Happy Birthday.
Message ng Team Kramer kay Kendra
Sa isa ring video na makikita sa YouTube channel ng Team Kramer, makikita ang iba’t ibang litrato kung saan nagsi-celebrate si Kendra ng kaniyang kaarawan. Bukod sa mga ito, naroon din ang kaniyang mga video mula pagkabata hanggang sa tuluyang lumaki.
“Our dearest Kendra, you’re officially a teenager now. Seemed like just yesterday you were that chubby baby who’s personality was larger than life, very loud, unbashful, full of spunk and so playful. The apple of everyone’s eye! You loved to sing and dance and it’s nice to see that those things haven’t changed!”
Mensahe ng mga magulang ni Kendra para sa kaniya.
Bukod pa rito, nagbalik tanaw din ang Kramer family noong bata pa lamang si Kendra. Dati raw ay humahabol at umiiyak pa si Kendra tuwing may training si Doug. Sinusuot din daw dati ni Kendra ang mga heels, lipstick at cheek tint para maging kamukha ni Cheska.
Mababasa pa na ang karisma nito ay hindi matutulad kahit kanino. “Though you’re more reserved these days, it’s nice to see that your witty punchlines and charisma remains. You make everyone laugh with your cleverness and easy going personality. Your charm is like no other baby.”
Ayon pa sa Team Kramer, marami ring maibibigay na payo at gabay ang kaniyang Mommy at Daddy sa kaniya. Itinuturing ding isang blessing para sa mga kaniyang mga kapatid na sina Scarlett at Gavin, maging sa kaniyang mga magulang.
“And now here we are. 13! Mommy and Daddy have so much advice and guidance to give you. But even at this young age, you have already formed your convictions, your non negotiables, your priorities, ang your love for Christ and family.”
“You’re such a blessing to Scarlett and Gavin. God made you into the best big sister for them. Annoying them, ordering them around, but showing so much love to them it overpowers the first 2. You’re such a blessing to Mommy and I.”
Saad pa sa caption, excited na sila para sa hinaharap na naghihintay kay Kendra at ang kaniyang mommy at daddy ang kaniyang biggest fans.
Sa pagtatapos ng mensahe, mababasang hindi kailangan maging perpekto ni Kendra sa bawat oras, binibigyang mensahe na magbigay ito ng espasyo para umunlad at matuto.
“Take your time sweetheart. Enjoy your teenage years! You don’t need to be perfect all the time, give room to grow, learn, loosen up and relax.”
Happy Birthday, Kendra!