Doug Kramer sa pag-gabay sa teenager niyang anak na si Kendra: “It's just spending more time, quality time with them and talking with her.”

Ilang taon nalang, mag-aaral na sa kolehiyo si Kendra. Narito rin ang pahayag ni Doug tungkol sa kursong kukunin ng anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Doug Kramer ibinahagi kung paano niya ginagabayan ang teenager niyang anak na si Kendra.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Doug Kramer sa pag-gabay sa teenager niyang anak na si Kendra.
  • Pagsuporta ni Doug sa mga hilig ng anak.

Doug Kramer sa pag-gabay sa teenager niyang anak na si Kendra

Larawan mula sa Facebook account ng Team Kramer

Nitong Hunyo ay nagdiwang ang panganay nina Chesca Garcia at Doug Kramer na si Kendra ng kaniyang 15th birthday. Habang ang pangalawa nilang anak na si Scarlett ay magiging ganap naring teenager nitong Nobyembre sa kaniyang 13th birthday at ang bunso nilang si Gavin ay 11 years old na.

Si Doug naging simple ang sagot ng matanong kung paano niya ginagabayan ang mga lumalaki ng anak. Lalo na ang mga baby girls niya noon na teenager na. Bagamat naging emosyonal siya sa mabilis na pagdaan ng panahon at ngayon sila ay malalaki na.

“So us parents, we’re just there to guide them, make the best decisions. At the same time, we allow them to be children pa rin. I think that’s why time flies so fast when you’re enjoying every moment. It’s just spending more time, quality time with them and talking with her. And it goes for all our children.”

Ito umano ang parenting style nina Doug at misis niyang si Chesca sa kanilang mga anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Facebook account ng Team Kramer

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pag-suporta ni Doug sa mga hilig ng anak

Ilang taon nalang din at magkokolehiyo na ang panganay ni Doug na si Kendra. Nang matanong nga kung ano ang gusto ni Doug na kuning kurso ng anak ay ito naman ang nasabi niya.

“For me, I want to make sure that she goes into a course that she loves. Mahirap yung mag-recommend na lang ako pero ayaw niya. She will not enjoy her college experience. So it’s important that she discovers what she wants and that’s what she will pursue.”

Ito ang sabi pa ni Doug.

Larawan mula sa Facebook account ng Team Kramer

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

PEP.PH