Doug Kramer sa anak na si Gavin: “I thank the Lord every day for blessing me with a wonderful son like you”

Doug iniisa-isa ang mga natatanging ugali ng anak na talagang na-aappreciate ng buong pamilya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Doug Kramer may sweet na mensahe sa anak na si Gavin na nagdiwang ng 11th birthday nito kamakailan lang.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Mga natatanging characteristics ni Gavin na love ng kaniyang buong pamilya
  • Doug Kramer birthday message to son Gavin.

Mga natatanging characteristics ni Gavin na love ng kaniyang buong pamilya

Larawan mula sa Facebook account ng Team Kramer

Nitong nakaraang araw ay nagdiwang ng kaniyang 11th birthday ang only son nila Doug at Chesca Kramer na si Gavin. Si Doug may sweet na birthday message sa kaniyang anak. Hinighlight nito ang mga magandang pag-uugali ng anak. Ilan nga sa magandang pag-uugali nito ay ang pagiging masunurin, sweet at sincere ni Gavin. Ito ay tunay na isang blessing daw para kay Doug.

“I thank the Lord every day for blessing me with a wonderful son like you. Your sweet nature, sense of humor, and playful spirit bring so much joy to our family. Your obedience and thoughtfulness never fail to touch my heart, and I cherish our deep and meaningful conversations. The sincerity and truth in your words often surprise me, and I am grateful for the bond we have.”

Ito ang bungad ni Doug.

Ikinuwento rin nito na bilang only boy sa kanilang tatlong magkakapatid, very affectionate daw si Gavin sa mga girls sa kanilang pamilya. Sa katunayan ay may kaniya-kaniya daw itong tawag o terms of endearment sa kaniyang mga kapatid na sina Scarlett at Kendra. Ganoon rin sa kaniyang inang si Chesca.

Larawan mula sa Facebook account ng Team Kramer

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Doug Kramer birthday message to son Gavin

Maliban pa dito ay very honest daw si Gavin. Na-appreciate din daw ni Doug ang mga moments na paghingi ng permission ni Gavin kahit sa maliliit na bagay na gusto nitong gawin. Dahil nga sa mga natatanging characteristics na ito ng kaniyang anak habang lumalaki, si Gavin love na love ng kanilang buong pamilya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Remember, Mommy, Papa, and Ate's will always be here to support you, speak words of life, and shower you with blessings.

There are countless reasons why you are dearly loved, and I look forward to sharing them with you in private moments of affection, encouragement, and gentle guidance. Always remember, Gavin, that you are cherished beyond measure. We love you!!!❤️?♥️

Ito ang birthday message pa ni Doug Kramer sa kaniyang only son na si Gavin.

Larawan mula sa Facebook account ng Team Kramer

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement