Drew Arellano sinabing ang pag-uwi sa kanilang bahay para makasama ang mga anak ay kasing exciting din ng mga byahe niya

Sabi pa ni Drew, ilang oras palang siyang nalalayo sa mga anak ay agad niyang namimiss ang mga ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon kay Drew Arellano, hindi parin siya sanay na malayo sa mga anak sa tuwing bumabyahe siya. Kaya naman, tulad ng kaniyang mga travel ang pag-uwi sa mga anak ay exciting rin para sa kaniya.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

Drew Arellano sa pagbabyahe at pagiging isang ama

Larawan mula sa Instagram account ni Iya Villania

Kilala si Drew bilang travel show host ng programang Byahe ni Drew sa GMA. Marami ang laging napapa-sana all sa mga lugar na napupuntahan ni Drew. Pero maliban sa pagiging mahusay niyang host ng nasabing travel show, si Drew ay isa ring ama ng apat nilang anak ng misis na si Iya Villania.

Sa 10th anniversary ng programang “Byahe ni Drew” sa telebisyon, si Drew ibinahagi sa isang panayam na hindi parin siya sa sanay na malayo sa mga anak. Sa katunayan nga daw ay agad niyang namimiss ang mga ito ilang oras matapos niya umalis para mag-trabaho at magbyahe. Kaya naman para kay Drew, ang pagbabyahe ay kasing exciting rin ng pag-uwi niya sa kanilang bahay at makasama ulit ang mga anak.

“We usually tape the show on Wednesdays and Thursdays. And it’s hard being away from my kids and family. Just a few hours after I leave, I check my phone and look at their photos and videos. That means that I’m already missing them. So it’s also great to come home to them after work.”

Ito ang pahayag ni Drew sa panayam.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Drew Arellano

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pamilya ni Drew at Iya Villania-Arellano

Sa ngayon sina Drew at Iya ay may apat na anak na sina Primo, 6yo, Leon, 4yo, Alana, 2yo at Astro, 1yo. Marami ang mga tumutukso sa mag-asawa sa pagkakaroon ng pang-limang anak. Pero base sa isa latest na panayam kay Drew, ay pabiro niyang sinabi na hinihintay nalang ng misis na si Iya Villania na magpa-vasectomy siya.

Larawan mula sa Instagram account ni Drew Arellano

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement