TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Drew Arellano explains why he posts his kids on social media: “It’s about encapsulating happy memories.”

4 min read
Drew Arellano explains why he posts his kids on social media: “It’s about encapsulating happy memories.”

Iya ibinahagi rin kung paano nagsimula ang love story nila ni Drew.

Iya Villania at Drew Arellano ibinahagi ang dahilan kung bakit nagpo-post ng mga pictures at videos ng mga anak nila online.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Iya Villania and Drew Arellano sa pagpo-post ng tungkol sa kanilang pamilya online
  • Love story nina Iya Villania and Drew Arellano

Iya Villania and Drew Arellano sa pagpo-post ng tungkol sa kanilang pamilya online

iya villania and drew arellano with kids

Larawan mula sa Instagram account ni Iya Villania

Ang buhay ng pamilya nina Iya Villania at Drew Arellano ay isa sa mga inaabangan ng mga maraming Pilipino. Dahil sina Iya at Drew, sa bawat kanilang online post ay may hatid na aral at impormasyon sa kanilang mga fans at followers. Pero syempre hindi naman lahat ng tao ay pare-pareho ang magiging reaksyon.

Lagi paring mayroong masasabing negative na opinion o komento. Pero para kay Drew, ang mga comments na nababasa niya ay hindi kayang tumbasan ang happy moments at milestones ng mga anak na nakukuhanan niya. Ito daw ang pangunahing dahilan kung bakit niya ito ginagawa.

“The reason I invested in a really good camera when Primo was born was to pretty much document milestones and moments together.”

“It’s about encapsulating happy memories, that’s my purpose.”

Ito ang pagpapaliwanag pa ni Drew sa podcast episode nila ni Iya na pinamagatang “To Post or Not to Post” na tampok sa kanilang YouTube channel.

Pagpapatuloy pa ni Drew, hindi niya basta ipino-post ang mga larawan, videos at moments ng anak para lang maipakita sa mga fans at followers nila. Ginagawa niya pa rin ito sapagkat alam niya na mas maitatago ng pangmatagalan ang happy memories ng family nila online.

“The reason why I post what I post is because I feel that IG or up in the cloud or whatever is there forever. At least I don’t need to look for any hard drive.”

Ito ang sabi pa ni Drew. Ibinahagi niya rin ang isang secret motivation niya kung bakit niya ito ginagawa. Dahil si Drew noong bata pa siya ay wala daw masyadong pictures. Kaya naman sa ngayon sinisigurado niya na marami siyang mado-document na milestones ng kaniyang mga anak.

Sabi pa ni Drew, taliwas sa komento ng iba sa kaniyang mga post tungkol sa mga anak ay laging ang kapakanan ng mga ito ang iniisip niya.

“Parents are responsible enough to decide whatever it is,” sabi pa ni Drew. Ito ay sinang-ayunan ni Iya na sinabing ang mga magulang ay hindi naman gagawa ng kahit anong traumatic o makakasama sa anak nila.

“What you post of your children reflects the kind of parenting you give. And reflects what the kind of parent you are.”

Ito ang sabi pa ni Iya.

Sa part naman ni Iya na naging trending ang mga workout na ginagawa niya habang buntis at matapos manganak inamin niyang naapektuhan siya sa mga bad comments na nababasa niya. Pero ang main objective niya daw talaga ay ang mag-inform sa mga kapwa niya babae sa kung paano mas gagawing healthy pa ang kanilang katawan.

iya villania workout

“The intention is not to be praised for it. But to show them that guys that you shouldn’t be afraid to do it because it’s actually healthy for you and the baby.”

Ito ang sabi pa ni Iya.

Pagsuporta naman ni Drew sa misis niya, bagamat minsan ay nagwoworry siya para kay Iya ay tiwala naman siya dito. Dahil alam niyang, alam ng misis ang limits ng katawan niya.

Love story nina Iya and Drew

iya villania drew arellano anniversary

Image from Drew Arellano’s Instagram account

Samantala, sa naunang episode ng kanilang podcast ay ibinahagi ni Iya kung paano nagsimula ang love story nila ni Drew. Kuwento niya noong una ay inirereto siya ni Drew sa kapwa actor na si Sid Lucero. Pero si Iya hindi ito ang type at sa pagdaan ng panahon ang nagugustuhan niya pala ay si Drew. Ang 6 years age gap nila daw ang tingin ni Iya isa sa mga factors na nagustuhan niya ito. Ito ang paliwanag ni Iya kung bakit.

“Siguro it was age difference which was probably the reason why I started to like you. You were mature and past the landian stage.”

Ito ang kuwento pa ni Iya.

Sabi pa nga niya noong una ay itinuturing pa siya ni Drew na parang little sister nito. Pero sa pagdaan ng panahon ay nararamdaman niyang gusto narin siya ni Drew.

Umamin din si Iya na siya ang unang humalik kay Drew. Siya rin daw ang nagtanong sa kung ano talaga ang real score sa pagitan nila. Ito daw ang naging sagot ni Drew.

“He was like, ‘I’m glad you asked because I think I’m ready.’ Sino ang babae sa aming dalawa, sino?”

Ito ang natatawa pang kuwento ni Iya tungkol sa love story nila ni Drew Arellano.

YouTube

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Drew Arellano explains why he posts his kids on social media: “It’s about encapsulating happy memories.”
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2026. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko