X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Kailan magsisimulang makabuo ng memories si baby? Heto ang sagot ng mga experts

4 min read
Kailan magsisimulang makabuo ng memories si baby? Heto ang sagot ng mga experts

Kung dadalhin ba sa amusement park ang inyong baby, maalala niya kaya ito? Masasagot 'yan sa artikulong ito.

Karamihan sa mga tao ay hindi na naaalala pa ang mga kaganapan noong sila ay bata pa lamang. Ang tanong ng maraming parents, kailan nga ba magsisimulang magkaroon ng memories si baby? May sagot ang mga experts diyan!

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Ano ang memory at paano ito gumagana?
  • Kailan magsisimulang magkaroon ng memory si baby?

Ano ang memory at paano ito gumagana?

baby memories with parents

Nabubuhay ang tao sa araw-araw na mayroong iniisip o ginagawa dahil sa mga tinatandaang mga bagay. Nagbabalik-tanaw sa mga alaala dahil gamit ang pagre-recall sa mga nagdaang pangyayari sa kani-kanilang buhay. Malaki ang parteng ginagampanan ng memorya sa tao.

"Memory refers to the processes that are used to acquire, store, retain, and later retrieve information."

Mayroong tatlong major na process na involve sa memory. Ito ang encoding, storage, at retrieval.

  • Encoding - Tumutukoy ito sa proseso kung saan unang natutunan ang impormasyon. Dito nalalaman ang bagay at inuunawa. Ito ang short-term memory na proseso sa utak.
  • Storage - Ito naman ay ang responsable sa sa kung gaano karami at katagal na ireretain ng utak ang isang memorya.
  • Retrieval - Ito ay proseso na nangyayari kung saan ina-access na ang memorya.

Para makabuo ng mga memorya, kailangang nasa usable form ang information na nakukuhakaya nag-eencode ang isipan para dito. Kung na-encode na ng isip ng tao, dapat na ito ay ma-store para magamit kung kailanman ito kailangang balikan.

Ito ang kakayahan ng human memory. Kaya nitong mag-preserve at recover ng mga impormasyon. Sa kabuuang buhay ng tao, kailan nga ba nagsisimula na makatanda ang isang indibiduwal ng mga bagay-bagay?

baby memories outdoors

BASAHIN:

10 dahilan kung bakit umiiyak si baby at kung paano siya mapapatahan

Katalinuhan nina mommy at daddy, pwede bang mamana ni baby? Heto ang sagot ng mga experts

When should I worry about my baby not walking?

Kailan magsisimulang magkaroon ng memories si baby?

Ano ang pinakaunang alaala na natatandaan mo mula nang ikaw ay isilang? Naalala mo bang ikaw ay nilalaro ng iyong mga magulang? O kaya ang kasiyahan ng iyong binyag?

Marahil ay magsisimula mong matandaan ang memorya sa panahong bata ka na at hindi noong sanggol pa lamang. Kung minsan, ang ilan pang kaganapan noong bata ay medyo malabo kung babalikan muli. Bakit nga ba nangyayari ito?

Halos karamihan sa mga tao ay walang kakayahang maalala ang mga kaganapan sa buhay sa edad na 3 taon pababa. Sa mga psychologist ay tinatawag ila itong infatile amnesia. Ayon sa eksperto ang kahulugan daw nito ay ang mabilisang paglimot sa mga nangyari noong sila'y sanggol pa lamang.

"Infantile amnesia, the inability of adults to recollect early episodic memories, is associated with the rapid forgetting that occurs in childhood.

It has been suggested that infantile amnesia is due to the underdevelopment of the infant brain, which would preclude memory consolidation, or to deficits in memory retrieval."

baby memories travel

Underdeveloped pa ang memory ng baby sa ganitong edad pero hindi nangangahulugang hindi na nila kayang bumuo ng memorya. Kaya nilang makaalala ng mukha sa parte ng kanilang pamilya. Makikita ang ebidensya ito dahil ngumimgiti o kaya naman ay tumatawa sila sa tuwing nakikita ang mga pamilyar na mukha sa kanilang paningin.

Ayon sa researcher na si Carolyn Rovee-Collier na mula sa Rutgers University, ang mga pinakabatang infants daw ay nakakaalala lamang ng memorya nang ilang araw.

Habang tumatanda raw sila ay mas humahaba ang panahon na kaya nilang tandaan ang mga alaalang ito.

Sa paglipas ng panahon, matutunan na ng tao na makaalala o magrecall ng mga kaganapan. Ito ang tinatawag na autobiographical memory.

"Autobiographical memories often involve a sense of time passing, which isn’t something infants can think about until much later in life. Autobiographical memories also require a sense of self, or the ability to reflect on yourself and your own behavior as it relates to others."

Ito ang pahayag ng mga eksperto pagdating sa autobiographical memory.

Ang part ng brain na nagii-store ng memorya na tinatawag na hippocampus ay hindi pa fully-developed sa infancy period. Nagsisimulang magdevelop ito pagsapit nang ika-18 na buwan ng bata.

Ang mga inaakalang memorya raw na naaalala ng tao ay dahil lamang sa mga kuwento-kuwento na kanilang naririnig. Wala pa kasing kakayahan ang mga infant na mag-store ng complex na impormasyon tulad na lamang ng pag-intindi sa mga wika o lengguwahe.

Samakatuwid, kayang bumuo ng mga baby ng memories. Kaiba nga lang sa mga memorya na kayang ikwento o ibahagi ng matatanda.

Unti-unti itong madi-develop habang sila ay tumatanda kasabay ng kanilang paglaki. Malaki rin ang maitutulong ng mga magulang upang mahasa ang memorya ng kanilang anak.

Psychology Today, Very Well Mind
Partner Stories
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
Give Yourself the Care You Deserve!
Give Yourself the Care You Deserve!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Ange Villanueva

Maging Contributor

Inedit ni:

Ray Mark Patriarca

  • Home
  • /
  • Tungkol sa Anak
  • /
  • Kailan magsisimulang makabuo ng memories si baby? Heto ang sagot ng mga experts
Share:
  • #AskDok: Pike ang paa ng bata, dapat ba itong ikabahala?

    #AskDok: Pike ang paa ng bata, dapat ba itong ikabahala?

  • 10 signs na hindi na normal ang kalikutan ng bata

    10 signs na hindi na normal ang kalikutan ng bata

  • Parents' Guide: 5 epektibong paraan para mapa-burp si baby

    Parents' Guide: 5 epektibong paraan para mapa-burp si baby

  • #AskDok: Pike ang paa ng bata, dapat ba itong ikabahala?

    #AskDok: Pike ang paa ng bata, dapat ba itong ikabahala?

  • 10 signs na hindi na normal ang kalikutan ng bata

    10 signs na hindi na normal ang kalikutan ng bata

  • Parents' Guide: 5 epektibong paraan para mapa-burp si baby

    Parents' Guide: 5 epektibong paraan para mapa-burp si baby

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.