Drew Arellano to Iya Villania: “You’re the best mother to all the kids, and, I will do my vasectomy soon.”

Pero si Iya hindi inaalis ang posibilidad ng pagkakaroon ng baby #5.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Drew Arellano willing na magpa vasectomy soon para sa misis niyang si Iya Villania. Basahin dito ang kanilang kuwento.

Mababasa dito ang sumusunod:

Drew Arellano magpapa vasectomy soon para sa misis na si Iya Villania

Larawan mula sa Facebook account ni Iya Villania

Sa isang panayam ay ibinahagi ng mag-asawang sina Drew Arellano at Iya Villania ang plano nila sa pagkakaroon ng baby number 5. Si Drew natanong kung seryoso ba talaga siya sa naging birthday message niya kay Iya nitong 37th birthday celebration ng TV host. Si Drew ito ang sinabi noon.

“You’re the best mother to all the kids, and, I will do my vasectomy soon.”

Sa latest na panayam ay sinabi ni Drew na seryoso siya sa plano niyang ito. Pero si Iya sinabing ayaw niyang magsalita ng tapos na hindi na magkaroon ng baby number 5. Lalo na’t sa ngayon ay hindi parin naman nagpapa-vasectomy si Drew.

“Let’s see. Until he gets it done, we never know, right?”

Ito ang sabi pa ni Iya.

Larawan mula sa Facebook account ni Drew Arellano

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagsasama ni Drew Arellano at Iya Villania

Sa parehong panayam ay ibinahagi rin ni Iya at Drew na mukha mang cool lang lagi ang relasyon nila sa social media ay nag-aaway din sila. Pero hindi tulad ng ibang Pilipinong mag-aasawa hindi sila nagsisigawan sa isa’t-isa. Sa oras na may hindi sila pagkakaintindihan ay binibigyan muna nila ng space ang isa’t-isa saka sila mag-uusap kapag kapwa ng malamig ang mga ulo nila.

“We have tactics. When we work out, that’s the time we talk about what happened because after work out that’s the time endorphins are kicking in, good mood, and then we’re both in a better place.”

Ito ang pagkukuwento ni Drew na ipinuntong ang pagwowork-out ay may malaking papel sa pagsasama nila. Maliban sa bonding nila ito, ito rin ang paraan nila para ilabas ang init ng kanilang ulo at pakalmahin ang kanilang mga sarili. Pagbibiro pa ni Drew, sa tuwing after away daw nila nagkakaroon ng new baby.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement