Napag-usapan nina Drew Arellano at Iya Villania ang halaga ng paghingi ng tulong sa iyong partner at pagde-date kahit na mag-asawa na.
Iya Villania pinaalala halaga ng reconnection sa partner
Isang makabuluhang usapan ang ibinahagi ng mag-asawang Drew Arellano at Iya Villania sa kanilang mga followers. Sa podcast ng celebrity couple na “Life With Arellanos” nagdiskusyon ang dalawa tungkol sa kung paanong dapat ang mag-asawa ay nagtutulungan sa mga task.
Larawan mula sa Instagram ni Iya Villania
Minsan daw ay nagkakaroon din sila ng di pagkakasundo dahil sa clashing ideas.
“It stems in my difficulty in asking for help and also in receiving help even if it’s being offered,” saad ni Iya.
Para naman kay Drew, dapat daw na magtulungan ang mag-asawa dahil partner ang mga ito.
“Di ba mag-asawa tayo. Di ba one team tayo? Kumbaga we are after the same goal. And that goal is fulfilling that task so that we can have time for another task.”
Larawan mula sa Instagram ni Iya Villania
Minsan daw nahihirapan si Iya Villania na humingi ng tulong kay Drew Arellano. Lalo na pagdating sa pagshu-shooting ng mga video nito. Ito raw ay dahil sa magkaibang creative ideas nila. Dito na rin naibahagi ni Iya Villania na may mga pagkakataong hindi sila nagkakasundo dahil nagiging magkaiba ang wavelength nila dahil sa kakulangan sa panahon para ma-reconnect sa isa’t isa.
“Doon kami nagka-ka-clash. And also it doesn’t help kapag halimbawa hindi kami nakapag-date and medyo wala kami on the same wavelength, the intensity is brought up a little more because of instances like that,” saad ni Iya.
Larawan mula sa Instagram ni Iya Villania
Kaya paalala ni Iya sa mga couple, importante na maglaan ng panahon para i-date ang iyong asawa. Kahit na kasal na ay mahalaga pa rin na mag-date. Ito ay para magkaroon ng tiyansa na ireconnect ang iyong sarili sa iyong partner.
“Which is why it is really important to have moments of reconnecting with each other,” ani Iya.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!