Ibinahagi ni Iya Villania ang kaniyang workout routine habang siya ay nagdadalang-tao.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Iya Villania workout routine while pregnant
- Safe ba ang pagwo-workout para sa buntis?
Iya Villania workout routine while pregnant
Image from Iya Villania’s Instagram account
Muli na namang napa-wow ang mga netizens sa TV host at pregnant mom na si Iya Villania. Dahil kahit siya ay buntis na ay ay patuloy pa rin siya sa pagwo-workout.
Ito ang ibinahagi ni Iya sa kaniyang latest Instagram post na kung saan makikita si Iya na nagi-exercise habang ibinibida ang kaniyang baby bump.
Ibinahagi rin ni Iya ang workout routine niya sa kaniyang mga fans at followers. At ang bati niya sa mga ito ay “Happy hormones, happy day everyone!”
Kalakip nito ay ang mga exercise na ginagawa ni Iya na medyo nabago lang daw ng kaunti ngayong buntis siya at patuloy na lumalaki pa ang tiyan.
“Changed up the original movements because (pregnant emoji)”
Ito ang sabi pa ni Iya sa caption ng kaniyang post.
View this post on Instagram
Ang mga exercise na kabilang sa workout routine ni Iya ngayong siya ay buntis ay weight lifting, walking, squat, shoulder press at DB snatch.
Ito ang workout routine ni Iya base sa kaniyang latest IG post.
“Today’s workout:
- Alt. Shoulder press (45secs)
- 15sec rest
- Weighted walking lunge (45secs)
- 15sec rest
- Row (45secs)
- 3 ROUNDS
- Squat and DB Snatch (45secs)
- 15sec rest
- Push Press (45secs)
- 15sec rest
- Side raises (45secs)
- 15sec rest
- 3 ROUNDS
- Jabs and squat (45secs)
- 15sec rest
- Side step squat (45secs)
- 15sec rest
- Ski erg (45secs)
- 15sec rest
- 3 ROUNDS”
Dahil walang pag-aalinlangang ibinida ni Iya ang kaniyang baby bump habang nag-iehersisyo ay marami ang na-amaze sa strength niya. Napasabi ng “unbelievable” ang iba at “ganito dapat” ang ilang mommies na talaga nga namang humanga sa dedication ni Iya sa pagi-exercise kahit siya ay buntis na.
Ang aktres na si Dimples Romana ay hindi rin napigilang mag-react sa pregnant workout routine and video na ipinost ni Iya.
Ito ang ilan rin sa komento ng mga netizens sa nakaka-amaze nga namang pregnant workout routine ni Iya.
“You always amaze me mommy @iyavillania ❤️❤️❤️❤️❤️”
“Grabe naman to.kahit di ako buntis hirap na ako.”
“Ilan weeks na po pregnant si iya?? [Bakit] ang lakas niya.”
Si Iya ngayon ay mag-7 months pregnant na. Nakatakda niyang isilang ang another baby boy at pang-apat na anak nila ni Drew Arellano ngayong darating na Hunyo.
Image from Iya Villania’s Instagram account
BASAHIN:
Iya Villania sa pagiging mom of 3: “It’s so addictive that you just want to have more babies.”
Iya Villania to Drew Arellano on 18th anniversary: “What a life I have with you, Love”
McCoy de Leon: “Hanggang ngayon, I’m still trying to win to the highest level ‘yong heart ni Elisse”
Safe ba ang pag-woworkout para sa buntis?
Ayon sa American College of Obstetrician & Gynecologist o ACOG, kung healthy at normal ang pagdadalang-tao ng isang babae ay ligtas na magpatuloy siya sa pagi-exercise o paggawa ng regular physical activity.
Ito ay wala namang magiging epekto sa kaniyang pagdadalang-tao o magpapataas ng tsansa niyang makunan o magkaroon ng early delivery.
Pero paalala pa rin ng mga eksperto, mahalaga na bago gumawa ng kahit anong exercise ay i-konsulta muna ito sa iyong doktor. Ito ay para malaman kung talagang safe ba ang mga gagawing exercise routine sa pagdadalang-tao mo.
Samantala, ayon naman kay Dr. Ramon Reyles, isang OB-Gynecologist ng Makati Medical Center ay dapat maging maingat ang mga buntis sa mga exercise o physical activities na kanilang ginagawa. Hangga’t maari ay dapat daw iwasan ng buntis ang mga exercise o activity na kailangan nilang mamuwersa. Hindi rin dapat sila masyadong mapapagod at hihingalin.
“Any activity o exercise that makes you breathless that is bad. Anything, any exertion that makes you fatigue o something is aching stop na ‘yon. Ayun ‘yong masasama.”
Ito ang pahayag ni Dr. Reyles sa isang panayam sa kaniya ng theAsianparent.
Payo naman ni Dr. Katrina Tan isa ring OB-Gynecologist mula sa Makati Medical Center, may mga ehersisyo na maaring makatulong para mapadali ang panganganak ng buntis.
Pero hindi ito sa paraang ini-induce ang pagle-labor, sa halip ay tumutulong ito para ihanda ang katawan ng buntis sa panganganak. Ito ay sa pamamagitan ng breathing exercises.
“There are classes now that promotes proper breathing exercises that can help pregnant women to bear down or how to contract their muscles down there. Parang this helps you familiarize the muscles that you will use during delivery. I think that one might be useful.”
“Because kumpara sa babaeng buntis na never na-inform, I mean if you have prepared initially o nakarinig ka ng mga classes tulad niyan that teaches you how to bear down, how to hold your breath, how to anticipate all of these changes in your body I think that mommy will be better prepared.”
Ito ang pahayag pa ni Dr. Tan ng minsang makapanayam siya ng theAsianparent.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!