Iya Villania on pregnancy and giving birth “It’s so addictive.”
Mababasa sa artikulong ito:
- Bakit sinabi ni Iya Villania na addictive pregnancy at panganganak para sa kaniya.
- Paano naghahanda si Iya para sa kaniyang 4th
Iya Villania says pregnancy and giving birth addictive
Nitong Enero ay ibinalita ng TV-host na si Iya Villania na siya ay buntis sa pang-apat nilang anak ni Drew Arellano. Ito nga ay baby boy ulit! Ang balitang ito ay surpresang ipinaalam ni Iya kay Drew sa tulong ng panganay nilang si Primo, 5-anyos.
Sa vlog na kung saan ipinakita kung paano sinabi ni Iya kay Drew na siya ay buntis sa pang-apat na anak ay makikitang very happy sila sa magandang balita. Ang sigaw nila “Ginusto natin ‘to!”
Kuwento ni Iya sa naging PR launch event ng Baby Flo ay sinabi niyang hindi naman talaga nagulat si Drew ng malaman nitong nagdadalang-tao siya. Bagama’t pag-amin niya akala talaga nila ay bunso na si Alana.
“Si Drew naman, hindi na rin siya nagulat. Kasi parang ginusto rin namin ito. Akala kasi namin hanggang three lang kami lalo na the third turned out to be a girl.”
Ito ang sabi ni Iya. Dahil dagdag pa niya, tandang-tanda niya noong pinangangak si Alana sinabi niyang hindi na siya uulit pa dahil hindi ito madali.
“I clearly remember nung iniri ko si Alana, yung iyak ko. Yes, iniri ko siya but it was also yes hindi na ito mauulit pa. Finally, puwede ko ng tapusin itong panganganak na ito dahil hindi siya madali.”
Ito ang pagkukuwento pa ni Iya.
Mga realizations ni Iya matapos magkaroon ng 3 anak
Pero ngayon umano na nakikita niyang lumalaki ang mga anak niyang sina Primo, Leon at Alana parang nag-enjoy siya at gusto pang madagdagan pa ang anak nila ni Drew. Ito ay kahit aminado siyang mahirap mag-alaga at outnumbered na sila ni Drew pagdating sa bilang ng mga anak nila.
“But as we were watching them grow, lalo na with Alana’s age now nakikita namin na she’s interacting with her brothers tapos ‘yong personality niya lumalabas. Naging trap eh. I’m telling you, you get to three kids and it’s a trap. You will want to have more.”
Iba raw talaga kasi ang energy at happiness na ibinibigay ng mga anak niya. Dahil nga raw dito ay tila naging addict sa panganganak si Iya.
“Ganun siya. Wala eh, the energy, the love, the joy that they bring, it’s so addictive that you just want to have more babies.”
Ito ang natatawang sabi pa ni Iya.
Sa ngayon, sa pang-apat niyang anak inamin ni Iya hindi tulad noong una ay mas relax na siya. Na-realize umano niya na over-prepared siya noon sa panganay na si Primo at may mga bagay sa ngayon ang nakita niyang hindi naman talaga kailangan.
“Yong totoo lang, ‘yong sa first baby you over-prepare. And then as you have the succeeding babies you realize na, ‘Ay hindi ko pala ito kailangan.’”
Kaya naman sa ngayon, pag-amin ni Iya sa pagdating ng kaniyang 4th baby ay wala siyang masyadong preparation. Maliban na lamang sa kailangan niyang halunkatin ang mga baby boy stuff nina Primo at Leon para sa paparating na baby boy niya.
“Actually, there’s no preparation. If anything, I’m just getting rid of what I don’t need. Kasi by now alam na alam ko kung ano yung kailangan ko lang and kailangan ko lang halungkatin ulit ‘yong mga baby boy clothes.”
Ito ang sabi pa ni Iya.
BASAHIN:
Winwyn Marquez on her 3rd trimester: “I love feeling her…she’s playing inside my belly.”
LOOK: Iya Villania buntis sa pang-apat na anak—isang BABY BOY!
Angeline Quinto inaming mahigpit sa partner niya: “Ganyan ako katakot kasi may nangyari before.”
Iya at Drew mas naging close sa mga anak nitong pandemic
Kuwento pa ni Iya, may naging positibong epekto naman ang nararanasang nating pandemic sa kanilang pamilya. Dahil mas nagkaroon sila ng oras na makasama ang mga anak nila na talaga namang na-enjoy nilang mag-asawa. Syempre ganoon rin naman ng kanilang mga anak na natutuwa silang makitang masaya.
“They just want to hang out with us even if we’re not doing anything. They just want to be with us. Because we’re very malambing, we like to cuddle and we like to make harutan. So if anything, I think that’s something the kids got to enjoy more because of the pandemic.”
Ito ang kuwento pa ni Iya. Matatandaang si Iya at Drew pati na ang mga anak nilang Leon, Alana at Primo ay nag-positibo sa sakit na COVID nitong Enero. Ito ay ilang linggo matapos i-anunsyo ni Iya na siya ay nagdadalang-tao.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!