“I’m so excited for this part of our life and for this chapter to start,” ayon sa Miss Reina Hispanoamericana 2017 titleholder, aktres at model na si Winwyn Marquez.
Sa isang vlog nito sa youtube na may pamagat na “Start of a New Chapter” ay ibinahagi niya ang balita ng kanyang unang pagbubuntis.
Mababasa sa artikulong ito:
- 3rd trimester ng pagbubuntis ni Winwyn Marquez
- Winwyn Marquez sa kaniyang first pregnancy
- 5 tips para sa mga “first time mom”
3rd trimester ng pagbubuntis ni Winwyn Marquez
Nasa ika-tatlong trimester na si Winwyn ng kaniyang pregnancy, ayon sa kaniya unti-unti na nilang inaayos ang kwarto ng kanilang anak.
“We are fixing our daughter’s room, unti-unti. We colored the walls purple.”
Kwento pa ng aktres masayang-masaya umano siya sa kaniyang pregnancy journey ngayon at na-eenjoy niya ito. Lalo na ngayong nasa 3rd trimester na siya ng pagbubuntis.
Larawan mula sa Instagram account ni Winwyn Marquez
“I love feeling her, she’s active, and she’s playing inside my belly.”
Ang hiling lang ng aktres na sana kapag siya’y nanganak ay walang kumplikasyon.
“I hope no complications when I gave birth. Sana safe at healthy ang baby ko, normal lahat.”
Winwyn Marquez sa kaniyang first pregnancy
Matapos malamang may non-showbiz boyfriend ang aktres na si Winwyn Marquez ay sinundan naman ito ng masayang balita, ito ay ang kanyang pagbubuntis.
Inanunsyo ni ito ni Winwyn Marquez sa limang minutong vlog nito sa kanyang youtube channel noong ika-18 Disyembre.
Sa video nito, ayon sa aktres sa kabila ng maraming ispekulasyon patungkol sa kanyang pagbubuntis nanatili siyang tahimik sa mahabang panahon. Ang dahilan niya ay nais niya munang maging pribado ang balita kasama ng kanyang pamilya.
Larawan mula sa Instagram account ni Winwyn Marquez
Ika-25 naman ng Disyembre naman nang magpasyang ibahagi na ng aktres ang kanyang “baby bump.” Sa mismong araw ng pasko, suot ang kanyang pulang bestida ay pinost nito ang kanyang larawan sa mismong instagram account niya.
“A lot has happened lately… from the pandemic to natural disasters and so much more but at least for one day we get a boost of hope that we so dearly need.
It might not be okay in an instant and might take a while but we must stay optimistic. Let’s hold on to our faith and pray that everything will be alright. Happy Christmas Eve! Merry Christmas everyone from my family to yours,”
Caption ni Winwyn Marquez sa kanyang Instagram post.
Larawan mula sa Instagram account ni Winwyn Marquez
BASAHIN:
Winwyn Marquez nagpositibo sa COVID habang buntis: “It was a scary experience and I never want to go through that again.”
LOOK: Winwyn Marquez’s gender reveal party para sa kaniyang first baby
Winwyn Marquez sa kaniyang pagbubuntis: “Me and my partner, we’re both so happy!”
Sinalubong din ni Winwyn Marquez ang taong 2022 sa pamamagitan ng pag-aanunsyo na isang “baby girl” ang kanyang dinadalang tao. Ito ay ibinalita niya sa kanyang vlog na “Gender Reveal – Thank you 2021.”
Mapapanood sa video ang pagputok ng aktres sa isang itim na lobo kung saan lumabas ang kulay rosas na mga confetti.
Pagkakaroon ni Winwyn ng COVID habang buntis
Sa kabila ng masasayang balita ukol sa pagbubuntis sa pagtatapos ng taong 2021 ay ginulat naman ng masamang balita ang pagpasok ng 2022 sa pagbubuntis ni Winwyn Marquez. Sa kasamaang balita ay isa siya sa marami pang nagpositibo sa COVID-19.
“Hard and scary.”
Ganito inilarawan ng Winwyn Marquez ang kanyang COVID-Journey bilang first time mom.
Nagdesisyon umano ang magkasintahan na magself-test nang makaramdam ang aktres ng ilang mga sintomas gaya na lamang ng pananakit ng kasu-kasuan at ulo.
Ilang araw mula nang malaman na positibo siya sa virus, lumala at nadagdagan pa ang ilang mga sintomas na kanyang nararamdaman.
“It was a scary experience and I never want to go through that again.”
Labis na takot, pag-aalala at panic daw ang kanyang naranasan hindi lamang para sa kanyang sarili kundi lalo na maging sa kanyang magiging anak.
Larawan mula sa Instagram account ni Winwyn Marquez
Ayon pa kay Winwyn Marquez hindi raw siya iniwan ng kanyang karelasyon noong ito ay nagkasakit. Damang-dama niya ang pag-aalaga nito sa kanya ngunit ilang araw lamang ay nagpositibo na rin ang kanyang kasintahan.
Para matiyak ang kanilang kaligtasan, sinigurado raw nilang sinunod ang lahat ng payo ng doktor sa kanila. Kabilang dito ang lubos na pagpapahinga at pagkain nila ng masusustansyang pagkain. Kinumpleto rin daw nila ang “14-day quarantine” hanggang sa tuluyang maging negatibo sa test.
Pagkatapos nilang magkasakit ay nagpasya ang magkarelasyon na magpacheck-up agad upang masiguradong nasa mabuting kalagayan pa rin ang pagbubuntis ni Winwyn Marquez.
Panoorin ang buong video dito.
5 tips para sa mga “first time mom”
Matindi ang pinagdadaanang sakit sa katawan at maging sa mental na kalusugan ng isang buntis. Isa sa mabisang pagpapabawas sa mga nararamdamang sakit sa katawan ay ang pag-eehersisyo nang regular araw-araw.
Makakatulong din ito upang maihanda ang katawan ng isang nagbubuntis sa kanyang pagle-labor.
-
Pag-inom ng maraming tubig
Madalas na makaramdam ng “dehydration” ang isang buntis. Kinakailangang uminom 10 baso ng 8 ounces ng tubig araw-araw upang maibsan ang “dehydration.”
Normal ang makaramdam ng labis na pagod sa unang trimester ng pagbubuntis. Dadaan sa hormonal changes ang iyong katawan kaya ito ay nangyayari. Humanap ng paraan upang madalas na makatulog at makapagpahinga.
-
Paghandaan ang mga gamit ng sanggol
Maraming gamit ang kinakailangan para sa isang sanggol. Magandang mapaghandaan na ang mga kinakailangan ng iyong anak bago pa man lumabas upang mas mapadali ang pag-aalaga.
Mainam na piliin ang mga gamit na may matitingkad na kulay para sa sanggol.
Magresearch ng mga iba’t ibang bagay patungkol sa dapat malaman sa pagbubuntis at panganganak. Maaaring makakatanggap ka ng iba’t ibang payo sa iyong mga kaibigan at pamilya ngunit mahalaga pa ring malaman kung ito ba ay tama ba o mali bago sundin.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!