Lima't-kalahating kilong sanggol ipinanganak na walang anesthesia

Isang ina raw ang nanganak ng sanggol na may timbang na 12 lbs, sa pamamagitan ng drug-free birth, o panganganak na walang anesthesia

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kamakailan lang ay isang bata na mayroong timbang na 12 lbs, 6 oz (5.6 kg) ang ipinanganak sa natural na paraan. Ngunit bukod sa timbang ng bata, ay nakakagulat ding malaman na isang drug-free birth ang nangyaring panganganak.

Ibig sabihin, hindi gumamit ng kahit anong pain medication, o epidural ang ina ng bata.

Paano niya nagawa ang drug-free birth?

Si baby Parker at ang kaniyang kapatid na si Madison. | Source: Facebook

Kahit sinong ina siguro na dumaan sa normal na panganganak ay magsasabing hindi ito madali. Siyempre, hindi biro ang magluwal ng isang sanggol!

Kaya’t lalong nakakagulat na nagawa ng isang ina mula sa Australia na iluwal ang kaniyang 5.6kg na sanggol na hindi man lang gumamit ng kahit anong pain medication.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kadalasan ay kapag hindi natitiis ng mga ina ang sakit ng panganganak, binibigyan sila ng epidural. Ito ay isang uri ng anesthesia o pampamanhid na ginagamit sa panganganak.

Ngunit para sa panganganak ni Nikki Bell, 28, pinili niyang magkaroon ng drug-free birth. Ayon sa kaniya, lahat daw naman ng panganganak ay mahirap, at masakit. Kahit daw gaano kaliit o kalaki pa ang sanggol.

Ayon sa ina ng bata, maaga pa lang ay may ideya na silang magiging malaking bata si Parker James Bell. Ayon sa growth scan na isinagawa noong ika-24 na buwan ng pagbubuntis, 7.7lbs (3.5kg) na ang timbang ng sanggol. Kaya’t hindi na sila nagtaka nang ipinanganak siya na mahigit 12lbs. Ang average birth weight ng mga malulusog na sanggol sa Australia ay nasa 7.2lbs.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Umaasa si Nikki na paglaki ni Parker ay maging isa siyang atleta dahil sa malaki nitong pangangatawan.

Paano magkaroon ng drug-free na birth?

Hindi madaling magkaroon ng drug-free birth. Para sa maraming ina, mas gusto nilang bigyan na lamang ng epidural kaysa tiisin ang sakit ng panganganak.

Ngunit ang ibang ina naman ay gustong mas natural ang kanilang panganganak, kaya pinipili nilang hindi bigyan ng anesthesia o pain killers.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kahit anong paraan naman ng panganganak ay ayos lang, at desisyon talaga ito ng ina kung paano niya gustong ilabas ang kaniyang anak.

Ngunit para sa mga nagnanais na magkaroon ng all natural na panganganak, heto ang ilang tips na dapat ninyong tandaan:

  • Nakakatulong ang meditation para mabawasan ang sakit at para makapagfocus ka sa panganganak.
  • I-visualize mo na lumalabas si baby habang ikaw ay nanganganak. Ito ay makakatulong para matiis mo ang sakit ng panganganak.
  • Magpakonsulta sa iyong doktor kung puwede ka bang magkaroon ng natural na panganganak.
  • Panatilihing malakas ang iyong pangangatawan. Nakakatulong sa madaling panganganak ang pagiging physically fit.
  • Kung hindi mo talaga kaya, huwag mag atubiling humingi ng epidural. Hindi naman ito kawalan bilang isang ina, dahil iba-iba talaga ang katawan ng mga ina, at hindi lahat ay kayang dumaan sa drug-free birth.

 

Source: The Sun

Basahin: Bakit bawal pakainin si baby ng asin at asukal bago mag-isang taon?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara