Bakit pabago-bago ang due date ng buntis?

Alamin ang mga rason kung bakit nagbabago ang due date ng buntis at kung ano ang ibig sabihin nito.

Ang due date, o ang inaasahang araw ng panganganak, ay isa sa maraming sorpresa ng pagbubuntis.

Noong sinabi ng doktor sa iyo ang iyong due date, siguradong napuno ka ng excitement. Malamang ay tinantsya mo na kung kailan ka bibili ng damit pang-baby, o inisip mo na kung anong crib ang iyong bibilhin. Maaari ding nagsimula ka nang maghanap ng yaya.

Pero what if sinabi ng doktor na hindi pala ito ang tunay mong due date?

Wala kang dapat ipag-alala, mommy. Dahil madalas itong mangyari. Narito ang apat na karaniwang rason at kung ano ang ibig sabihin ng mga ito sa iyong pagbubuntis.

“Kailan ako manganganak?”

Sa oras na kumpirmado na ikaw ay buntis at sunod na tanong ay “Kailan ako manganganak?”

Ang kaalaman ng iyong due date ay nagbibigay sa isang babaeng buntis na maghanda sa kanilang panganganak. Katulad ng paghahanda sa kanilang katawan, isip, at pinansyal kapag sila’y nanganak.

Isa pang mahalaga sa pagkakaroon ng kaalaman patungkol dito ay mata-track ng buntis ang kaniyang pagbubuntis at development ng kaniyang baby sa loob ng kaniyang sinapupunan.

Pag-calculate ng due date ng buntis

due date ng buntis

Paano ba sinusukat o kina-calculate ang due date ng buntis o araw ng panganganak? | Larawan mula sa Shutterstock

Paano nga ba kina-calculate ng doktor ang iyong due date o araw ng panganganak?

Ang average na haba ng pagbubuntis ay 280 o 40 weeks mula sa unang araw ng iyong huling menstrual period o regla. Kinukunsidera na ang iyong unang araw mula sa iyong huling menstrual period ay ang unang araw ng iyong pagbubuntis. Kahit tila hindi ka nag-conceive hanggang sa makalipas ang dalawang linggo.

Ang 3-step period o kilala rin sa tawag na Naegele’s rule ay isang karaniwang paraan upang ma-calcute ang due date ng babaeng buntis. May simple lamang itong calculation.

I-add ang 7 araw sa unang araw ng huli mong menstrual period pagkatapos ay i-subtract ito ng 3 months.

Halimbawa, kung ang iyong huling araw ng regla o menstrual period ay September 12, 2021:

  1. I-add ang 7 days sa huling araw ng iyong regla (September 19, 2021)
  2. I-subtract ito sa 3 months (June 19, 2021)
  3. Baguhin ang taon kung applicable (June 19, 2022)

Sa halimbawang ito ang iyong due date ay June 19, 2021.

Subalit kung wala ka talagang idea kung kailan ang huli mong regla, ang iyong doktor o OB ay maaaring sabihin na kailangan mong magpa-ultrasound upang malaman ang iyong due date o araw nang iyong panganganak.

Kadalasan, ginagawa ng doktor ang isang ultrasound kung mayroong history ang isang babaeng buntis ng pagkakaroon ng iregular na regla o irregular period/menstruation (sa ganitong kaso ang Naegele’s rule ay hindi maaaring i-apply), at kung hindi alam ang huling araaw ng menstruation o regla,

Ayon sa American College of Obstertricians and Gynecologists (ACOG), ang pag-alam sa fetal measurements ay inaalaman sa pamamagitan ng ultrasound, sapagkat ito umano ang pinaka-accurate sa pag-estimate ng due date o panganganak ng isang babaeng buntis

Sa pamamagitan kasi ng ultrasound, binibigyan nito ang doktor ng pagkakataon para masukat ang crown-rump length o CRL, o haba ng fetus, sa ganitong pagkakataon bibigyan nito ang iyong doktor ng accurate na description kung ilang buwan ka nang buntis.

Sa gayon, malalaman ng doktor ang estimated due date ng isang buntis o araw ng kaniyang panganganak.

4 na rason kung bakit nagbabago ang due date ng isang buntis

due date ng buntis

Ang pagbabago ng due date ng buntis ay normal at hindi dapat ikabahala. | Larawan mula sa Shutterstock

1. Nagbabago ang due date mo dahil hindi regular ang menstruation mo

Para tantsyahin ang delivery date mo o araw ng iyong panganganak, tatanungin ka ng doktor mo kung kailan ang huli mong regla o menstruation/period.

Para sa mga babaeng hindi regular ang menstruation, medyo mahirap ito. Kapag kasi hindi regular ang iyong regla o menstruation, tumatagal ng mahigit sa 28 days ang menstrual cycle mo.

Para ma-calculate ang iyong due date, tandaan na ang pagitan ng ovulation at next menstruation mo ay nasa 14 days. Kaya kung ang cycle mo 33 days, ang ovulation ay maaaring nangyari sa ika-18 na araw.

Halimbawa, ang last menstrual period (LMP) mo ay October 1, magdagdag ka lang ng 21 days (October 22), at bawasan ito ng 14 days upang malaman ang iyong LMP (October 8).

Para rin makasiguro, maaaring i-ultrasound ka na sa unang trimester pa lang upang malaman ang eksaktong gestational age o kung gaano na katagal ang fetus sa iyong sinapupunan.

2. Nagbabago ang due date mo dahil second trimester ka na nagpa-ultrasound

Ayon sa pag-aaral ng American Journal of Obstetrics and Gynecology, ang mga ultrasound ng ginagawa sa first trimester– o sa 13 weeks ng pagbubuntis – ay mas accurate sa pag-predict ng due date.

Kung ang iyong pagbubuntis ay resulta ng invitro fertilization o IVF, aalamin ng doktor mo ang edad ng iyong embryo at date ng paglipat para i-estimate ang due date mo.

3. Nagbabago ang due date mo dahil hindi accurate ang sukat ng iyong tiyan

Sa mga ibang pagkakataon, nagbabago ang due date ng buntis. Sapagkat sa hindi tamang pagsukat ng tiyan o ang tinatawag na fundal measurement.

Ang pagsukat na ito ay ginagawa tuwing check up upang malaman kung ilang weeks nang buntis ang ina. Binabase ito sa laki ng kaniyang uterus.

Kapag mas malaki o mas maliit sa normal ang baby, maaaring magbago ang due date ng buntis.

4. Nagbabago ang due date dahil sa hindi normal na alpha fetoprotein levels

Ang alpha fetoprotein (AFP) levels, o protina na lumalabas sa atay o sa yolk sac (na nagiging placenta kalaunan), ay karaniwang sinusukat sa week 14 o week 22 ng pagbubuntis.

Kung mataas ang AFP levels, maaaring magbago pa ang due date ng buntis. Minsan, maaaring sintomas ito ng genetic disorder sa bata.

Ang pabago-bagong due date ng buntis ay nakakabahala para sa iba, pero importanteng maging handa sa kung ano mang mangyari. Sapagkat kung iisipin natin, isa itong mahalagang abilidad ng isang magulang, ang maging laging handa.

Totoo talaga na hindi natin maaaring maplano ang lahat tungkol sa parenting. Pero ang importante ay ihanda mo ang sarili mo, mommy, para kahit kailan man ito mangyari, ready ka na lumabas si baby!

Nagbago ang due date mo o araw ng iyong panganganak – ano na ang iyong gagawin?

Sa iyong pagbubuntis, maaaring i-refer mo ang iyong due date o araw ng iyong panganganak bilang tipping point ng iyong pagbubuntis. At ito ang matagal mo nang ipinaghahandan para makita na ang iyong baby.

Kaya naman ang pagbabago ng iyong due date ay maaaring ma-disappoint ka at magulo ang iyong mga plano. Dahil sa pagbabago ng iyong due date. Maaari ka ring mag-aalala sapagkat iniisip mo ang kalusugan ng iyong baby sa loob ng iyong sinapupunan.

Subalit tandaan na wala talagang nakaalam ng eksaktong araw at oras ng iyong panganganak o delivery. Ang iyong due date ay isa lamang gabay sa iyong pagbubuntis, para mabigyan ka ng timeline. Ayon nga sa isang pag-aaral noong 2013 natuklasan nila 5% sa mga babaeng nanganak ay hindi nanganak sa kanilang due date.

Ang miscalculation naman ng due date o araw ng panganganak ng isang babaeng buntis ay maaari ring magdulot ng anxiety sa mga mag-asawa. Subalit ang pinakamahalagang bagay ay handa ka sa mga bagay na hindi expected o hindi inaasahan.

Magagamit din ito hindi lamang sa pag-antay sa pagsilang ng iyong baby. Kundi pati rin kapag naipanganak mo na siya sa mundo.

Bukod sa pagkakaroon ng routine check up sa iyong doktor, mahalaga rin na i-track ang iyong pagbubuntis at development ng iyong baby sa loob ng iyong sinapupunan.

Maging inform sa progress at development ng iyong baby sa loob ng iyong sinapupunan. I-monitor ang kicks ng iyong baby pagsapit ng inyong third trimester ng pagbubuntis. Mayroong mga several na mobile apps na maaari mong ma-download upang ma-monitor ang iyong pagbubuntis at development ng iyong baby.

Ang aming theAsianparent app ay maraming handog na tools katulad ng pregnancy tracker, baby tracker, at kahit na kicks counter upang matulungan kayong ma-monitor ang development ng inyong baby. I-download ito ng libre sa Google Play at sa Apple Store.

due date ng buntis

I-download ang theAsianparent app ng libre sa Google Play at Apple Store. | Larawan mula sa Shutterstock

Kung mayroon kang katanungan patungkol sa iyong due date o araw ng iyong panganganak huwag na huwag mag-hestitate o mahiyang magpakonsulta sa iyong OB-Gynecologist.

Totoong hindi natin mapaplano ang lahat kahit na patungkol sa pagbubuntis at kahit na sa pagiging magulang pero ang mahalaga handa tayo lalo na kapag dumating na si baby sa mundo natin.

 

Isinalin mula sa orihinal na Ingles na article ni Bianchi Mendoza.

Karagdagang ulat mula kay Marhiel Garrote

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!