Maraming kababaihan na ang tanong ay “Ilang araw tumatagal ang regla ng babae?” sa artikulong ito, tatalakayin natin kung ano ba ang normal na haba ng regla ng babae.
Ano menstrual cycle?
Ang menstrual cycle, kilala rin bilang buwanang daloy o regla, ay ang regular na proseso ng pagbabago sa katawan ng isang babae bilang bahagi ng paghahanda ng katawan para sa posibleng pagbubuntis.
Ito ay kadalasang nagaganap sa mga kababaihan sa kanilang reproductive age. May apat ito na stage, alamin ang mga ito sa artikulong ito, i-click dito!
Ovulation sa mga babae
Ovulation ay ang proseso sa menstrual cycle ng isang babae kung saan isang mature na itlog o ovum ay inilalabas mula sa kanyang ovary. Ito ang bahagi ng reproductive cycle na nagbibigay-daan sa pagkakaroon ng posibilidad na mabuntis.
Ang menstrual cycle ay ang buong proseso mula sa unang araw ng regla (menstruation) hanggang sa huling araw bago magsimula ulit ang susunod na regla. Karaniwang nagtatagal ito ng 21 hanggang 35 araw, ngunit ang average na cycle ay mga 28 araw.
Sa kalagitnaan ng menstrual cycle, karaniwang mga 14 araw bago magkaroon ng regla, nagaganap ang ovulation. Sa oras na ito, ang isang follicle sa ovary ang lumalabas, inilalabas ang mature na ovum. Ang ovum ay dadaloy sa fallopian tube kung saan ito ay maaaring matagpuan ng sperm at maganap ang fertilization.
Alamin pa ang patungkol sa ovulation sa kababaihan, i-click dito!
Larawan mula sa Shutterstock
Ano ang menstruation?
Ang menstruation, kilala rin bilang regla o period, ay ang buwanang pagdurugo mula sa genital area ng isang babae. Ito ay bahagi ng menstrual cycle ng isang babae at karaniwang nangyayari kada buwan.
Ito ang proseso kung saan tinatanggal ng katawan ang lining ng uterus (matris) na inihanda nito para sa pagtanggap ng fertilized egg (sperm na nagbunga ng ovulation).
Ang menstruation ay karaniwang nag-uumpisa sa puberty at nagpapatuloy sa mga taon ng fertility ng isang babae, bago ito mag-menopause. Ang cycle na ito ay isang mahalagang bahagi ng reproductive system ng mga babae. Karaniwang tumatagal ng mga 3-7 araw ang menstruation, ngunit ang haba nito ay maaaring mag-iba-iba sa bawat tao.
Ang mga sintomas ng menstruation ay maaaring magkakaiba sa bawat tao, ngunit karaniwang kinabibilangan ng mga sumusunod:
- Pagdurugo
- PMS (Premenstrual Syndrome)
- Pananakit ng tiyan
- Pagbabago sa mood
- Pagbabago sa katawan
- Pananakit ng binti
- Pagkahilo
- Pagkakaroon ng cravings
Ang menstruation ay natural na proseso sa katawan ng mga babae at nagpapahiwatig ng regular na pag-andar ng kanilang reproductive system. Pero ilang araw nga ba tumatagal ang regla ng isang babae?
Larawan mula sa Shutterstock
Ilang araw tumatagal ang regla ng babae?
Karaniwan, ang regla ng isang babae ay tumatagal ng mga 3 hanggang 7 araw. Ngunit maaari itong mag-iba-iba sa bawat tao.
May mga kababaihan na ang regla ay mas maikli lamang, maaaring 2 hanggang 5 araw, habang may mga iba na mas mahaba, puwedeng umaabot ng 7 hanggang 10 araw.
Ang haba ng regla ay maaaring maapektuhan ng iba’t ibang mga pangyayari at kalusugan ng katawan, kabilang na ang hormonal balance, stress, at iba pang mga kondisyon.
Ang mga unang araw ng regla ay karaniwang mas mabigat ang pagdurugo, at ito’y maaring pumuputi o pula. Habang lumilipas ang mga araw, maaaring maging mas konti at mas light ang pagdurugo.
Ang menstrual flow ay maaaring mag-iba-iba rin sa bawat tao, mula sa mabigat na pagdurugo hanggang sa light o spotting.
Kailan dapat mabahala?
May ilang mga sitwasyon kung saan dapat maging mapanuri at maging handa sa kung kailan dapat mabahala tagal at daloy ng inyong menstruation. Dagdag pa rito, dapat ding maging malay ka sa mga sintomas na nararanasan kapag ikaw ay may regla.
Narito ang ilan sa mga senyales na dapat ka nang magpakonsulta sa iyong OB-Gyn:
Kung ang regla ay labis na mabigat o tumatagal ng mas matagal sa normal na haba (halimbawa, higit sa 7-10 araw), maaaring ito’y senyales ng mga underlying health issues tulad ng hormonal imbalances, polycystic ovary syndrome (PCOS), o iba pang kondisyon.
-
Irregular na menstrual cycle
Kung ang regla ay hindi regular o hindi sumusunod sa pangkaraniwang cycle, na dapat sana’y 21-35 araw, ito ay maaaring magdulot ng pagkabahala. Irregular na regla ay maaaring senyales ng hormonal imbalances, stress, o iba pang mga sakit.
Larawan mula sa Shutterstock
-
Nagbabago ang karaniwang pattern ng regla
Kung may biglaang pagbabago sa karaniwang pattern ng regla tulad ng mas mabigat na flow o mas masakit na cramps kaysa sa karaniwan, ito’y maaaring maging sanhi ng iba’t ibang mga kondisyon.
-
Matinding pananakit ng puson o menstrual cramps
Habang kaunting pananakit ay normal sa panahon ng regla, kung ang pananakit ay sobrang sakit na at hindi ka na makabangon o makagawa ng mga gawain mo.
Magandang magpatingin na sa iyong OB-Gyn, lalo na kung kahit ikaw ay uminom pa ng pain killers ay hindi pa rin ito mawala-wala. Sapagkat maaaring may dahilan ito kagaya na lamang ng endometriosis.
Kung mayroong spotting o pagdurugo sa mga panahon na hindi karaniwang parte ng regla, ito’y maaaring senyales ng iba’t ibang mga kondisyon tulad ng hormonal imbalances, cervical issues, o mga reproductive health concerns.
-
Kapag ang sintomas ng regla ay nakakaapekto na sa mga gawain mo
Kung ang mga sintomas ng PMS (premenstrual syndrome) ay sobra-sobra at labis na nakakaapekto sa pang-araw-araw na gawain at emosyon ng isang tao, ito’y maaaring maging dahilan upang kumonsulta sa doktor.
Huwag mag-alinlangan na magpatingin sa iyong doktor kung nakakaranas ng mga ganitong sintomas. Sa gayon, malaman kung anong maryoong kundisyon o sakit ka at magamot ito agad.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!