Ebike, tricycle at e-trike bawal na sa mga national road sa NCR. Alamin dito ang mga kalye na hindi maaring daanan ng mga electronic vehicles at tricycle sa Maynila.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Ebike, e-trike at tricycle ipagbabawal na sa national road magmula April 15.
- Mga kalye na ipagbabawal na ang mga e bike, e-trike at tricycle sa Maynila.
Ebike, e-trike at tricycle bawal na sa national road sa NCR magmula April 15
Larawan mula sa Shutterstock
Nitong nakaraang araw ay inanunsiyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ipagbabawal na sa mga national roads sa lungsod ang mga e-bikes, e-trikes at tricycle magmula April 15, 2024.
Ayon kay MMDA Chairperson Romando Artes, ang pagbabawal sa mga e-vehicles sa national roads ay paraan para masiguro ang kaligtasan ng mga driver nito at pasahero. Lalo pa’t nitong 2023 ay may naitala ang ahensya na apat na kataong nasawi dahil sa mga e-bike related incidents. Habang may 436 katao naman ang naitalang na-injured sa mga aksidenteng naidulot nito.
Mga kalye na ipagbabawal na ang mga e bike, e-trike at tricycle sa Maynila
Larawan mula sa Shutterstock
Kaya naman para mabawasan ang naitalang insidente ay ipagbabawal na ang mga e-bike, e-trike at tricycle sa mga national roads na kung saan maraming sasakyan ang dumadaan. Pero paglilinaw pa ni Artes, hindi naman total ban sa Maynila ang ipatutupad nila. Tanging sa mga national roads lang pagbabawalang dumaan ang mga e-bike, e-trike at tricycle para sa kanilang kaligtasan.
Ang mga national roads na tinutukoy niya kung saan ipagbabawal na ang mga nabanggit na e-vehicles at tricycle ay ang sumusunod:
- C1: Recto Avenue
- C2: Pres. Quirino Avenue
- C3: Araneta Avenue
- C4: Epifanio Delos Santos Avenue
- C5: Katipunan/C.P. Garcia
- C6: Southeast Metro Manila Expressway
- Elliptical Road
- Mindanao Avenue
- Marcos Highway
- R1: Roxas Boulevard
- R2: Taft Avenue
- R3: SLEX
- R4: Shaw Boulevard
- R5: Ortigas Avenue
- Ro: Magsaysay Blvd/Aurora Blvd.
- R7: Quezon Ave./ Commonwealth Ave.
- R8: A. Bonifacio Avenue
- R9: Rizal Avenue
- R10: Del Pan/Marcos Highway/McArthur Highway
Ang sinumang mahuling nagmamaneho ng e-bike, e-trike o tricycle sa mga sumusunod na kalsada ay pagmumultahin ng P2,500. Maari ring ma-impound ang kanilang sasakyan kung wala silang maipakitang lisensya.
Larawan mula sa Shutterstock
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!