Panibagong Ebola outbreak ang naitala sa bansang Congo, Central Africa nito lamang nakaraang araw. Ang nasabing virus ay kumitil agad sa limang katao.
Kasalukuyan pa rin itong sinusuri at kung saan mismo nanggaling ito dahil naka lockdown naman ang buong lugar.
New Ebola outbreak sa Congo
Inanunsyo ng Democratic Republic of Congo ang bagong Ebola outbreak sa lugar ng Mbandaka.
Ayon sa Health Minister ng Congo na si Eteni Longondo, limang katao na ang namatay dahil sa Ebola outbreak. Habang ang lugar ay may mahigit 1 million na populasyon. Dagdag naman ng Health Minister, agad rin nilang ipapadala ang mga ito upang masuri at mabigyan ng vaccine.
Ebola epidemic in Congo | Image from Unsplash
Ang Ebola outbreak sa Congo ay nagsimula ulit dalawang taon na ang nakalipas at pumatay sa mahigit 2,200 katao. Idedeklara na sana ng nasabing lugar ang pagtatapos ng epidemya na ito noong April pero naitala na naman ang bagong kaso ng Ebola.
Ayon naman sa mga opisyal, ang outbreak na ito ay nasa final stage na.
Ang nasabing pagkabuhay ng Ebola epidemic ay kinumpirma ng World Health Organization (WHO). Ayon sa kanila, hindi lang ang COVID-19 ang dapat bantayan at bigyan ng pansin.
Dagdag pa ni Dr Tedros Adhanom Ghebreyesus ng WHO,
“This is a reminder that COVID-19 is not the only health threat people face… Although much of our attention is on the pandemic, WHO is continuing to monitor and respond to many other health emergencies.”
Ang Ebola epidemic na ito ay ang pang 11th nang outbreak sa buong Congo. Ito ay dahil unang nadiscover ang ebola noong 1976 pa.
Ebola epidemic in Congo | Image from Unsplash
Hindi pa rin malinaw kung bakit nagkaroon ng Ebola sa Mbandaka dahil ito ay 1000 kms sa lugar kung saan may naunang outbreak.
Bukod sa Ebola, naitala rin ang mahigit 3,000 positive case ng COVID-19 sa Congo at nandito rin ang World’s largest measles outbreak kung saan naitala ang nasa 350,000 katao na infected ng measles. 6,500 din ang namatay dahil dito.
Ano ang Ebola?
Naipapasa ang Ebola sa direct contact sa infected o patay na tao kasama na ang mga hayop. Kapag ang iyong bukas na sugat at mata, ilong o bibig ay napasukan ng virus, ikaw ay maaaring mahawaan ng sakit.
Nararamdaman ang mga sintomas nito pagkatapos ng 2 hanggang 21 days ng exposure. Unang makakaramdam ng dry symptoms ang infected katulad ng pananakit ng katawan, lagnat at fatigue. Pagkatapos ng ilang mga araw ay mararamdaman na nito ang wet symptoms katulad ng pagsusuka o pagdudumi.
Ang iba pang sintomas ng Ebola virus ay:
- Pananakit ng ulo
- Pagdudumi
- Pagsusuka
- Pagdurugo
- Panghihina
- Pagkakaroon ng sugat
- Pagkakaroon ng lagnat
- Abdominal pain
- Skin rashes
- Eye rashes
Ebola epidemic in Congo | Image from Unsplash
Kung ito ay malala, karamihan sa kanila ay namamatay dahil sa nasabing epidemya.
Dahil naipapasa ang Ebola virus sa dugo o fluid na galing sa infected na tao, ang payo ng Centers for Disease Control and Prevention ay maiiwasan ito sa pagpapanatili ng kalinisan sa katawan katulad ng paglilinis at paghuhugas ng kamay na may kasamang sabon.
Source:
World Health Organization
BASAHIN:
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!