Ayon sa bagong pag-aaral, may epekto ang edad ng magulang sa pag-uugali ng kanilang anak. Natuklasan ito ng mga mananaliksik sa mga magulang na mas matanda na nang magka-anak. Karaniwan, ang mga nagiging anak ng mga mag-asawang may edad na ay mas mabait at hindi agresibo.
Bagong pag-aaral
Sinuri ng mga Dutch na mananaliksik ang karaniwang problema sa ugali ng mga anak ng mga may edad na. Ito ay para masuri ang kasalukuyang gawain ng pagkaka-anak nang mas matanda na ang mga magulang. Karaniwan itong ginagawa sa Britanya at iba pang mga developed na bansa.
Sinuri ng mga mananaliksik ang kaugalian ng nasa 32,800 na Dutch na bata. Ang mga edad ng mga lumahok ay nasa 10 hanggang 12 taong gulang. Ang mga lumahok din ay nagmula sa iba’t ibang antas sa buhay.
Pinuntusan ng iba’t ibang nakasalamuha nila sa mga edad na ito ang kanilang paguugali nuon. Kabilang sa mga ito ang kanilang mga magulang, guro, at ang mismong mga sinusuri.
Ang edad ng mga nanay na lumahok ay nasa 16 hanggang 48 na taong gulang. Habang ang mga tatay naman ay 17 hanggang 68 na taong gulang.
Ang pag-aaral ay ipinublish sa journal na Child Development.
Paano naaapektuhan
Ang mas mataas na edad ng magulang nang magka-anak ay nakitang may mga mas mabait na anak.
Ibinahagi ng co-author ng pag-aaral na si Dorret Boomsma, propesor sa Vrije Universiteit Amsterdam, ang kanilang natuklasan. Ang kanyang itinuturong dahilan dito ay ang pagkakaroon ng yaman at mas mataas na edukasyon sa mga panahon na nagka-anak. Ngunit, kanya ring nilinaw na hindi ang mga ito ang tanging dahilan ng pagbait ng mga anak.
Ayon kay Dr. Marielle Zondervan-Zwijnenburg, walang dapat alalahanin na problema sa kaugalian ng anak ang mga mas mataas ang edad nang nagka-anak. Ngunit, ayon sa ibang pag-aaral, masmataas ang panganib ng autism at schizophrenia kapag may edad na ang magulang.
Panganib ng mas matandang panganganak
Kasalukuyan, ang bilang ng mga nagbubuntis na lagpas 40 taong gulang ay halos doble 20 taon nang nakalipas. Nuong 2017, halos 29,000 ang middle-aged na kababaihan mula England at Wales ang nagka-anak. Taliwas ito sa nangyari nuong 1997 kung saan 14,739 ang nakuhang bilang.
Ayon sa mga statistician, ang marami ang nakikitang rason sa pagpapatagal ng pagkaka-anak. Isa sa mga pangunahing rason para dito ay ang pagpapatibay muna ng career bago mag-anak.
Ganunpaman, kailangang alalahanin na masmataas ang panganib na magkaroon ng komplikasyon sa delayed na pagbubuntis. Ang mga karaniwang komplikasyon ay ang miscarriage, pre-eclampsia, o ang pangangailangan ng caesarian section.
Source: MSN
Basahin: 5 Senyales na mabuti kang magulang
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!