STUDY: Kapag mas matanda raw ang magulang, mas behaved ang bata
Ayon sa pag-aaral, mas behaved raw at disiplinado ang mga bata na mayroong mas matandang mga magulang.
Ayon sa isang bagong pag-aaral, mas well-behaved raw ang mga bata na ipinanganak sa mas matandang mga magulang. Bukod dito, napansin rin nila na kapag mas matanda na ang edad ng magulang ay nababawasan rin ang pagiging agresibo ng kanilang anak.
Edad ng magulang, nakakaapekto sa ugali ng anak
Ang pag-aaral ay isinagawa ng mga Dutch na researchers sa mahigit 32,800 na bata na mayroong edad 10-12. Dito, pinag-aralan ang kanilang pag-uugali base sa survey na ginawa sa kanilang mga magulang, guro, at pati na rin ang mga bata mismo.
Nasa edad 16 to 48 ang mga ina ng mga bata, at nasa edad 17-68 naman ang mga ama. Base sa mga resulta, napag-alaman na mas disiplinado raw ang mga bata na mayroong mas matandang mga magulang. Bukod dito, hindi rin daw sila kasing-agresibo ng ibang mga bata.
Ayon sa mga researcher, posible raw na may kinalaman ito sa pagkakaroon ng mas maraming resources ng mga mas matatandang magulang. Madalas ay nakapagtapos na sila ng pag-aaral, at mayroon rin silang sapat na kakayanan upang sustentuhan at suportahan ang kanilang mga anak. Ibig sabihin, mas kaunti ang mga nararanasang problema ng mga mas matandang magulang.
Wala raw dapat ipag-alala ang mga nakatatandang mga magulang pagdating sa behavioral problems
Dagdag pa ng mga researcher, pagdating sa usapin ng behavioral problems o concerns, walang dapat ipag-alala ang mga nakatatandang magulang.
Ngunit importanteng malaman na kapag mas matanda ang magulang ay tumataas rin ang pagkakaroon ng autism o schizophrenia sa mga anak. Kaya’t mahalagang isaalang-alang rin ito ng mga magulang.
Hindi basta-basta ang pagkakaroon ng anak. Ibig sabihin, dapat planuhing mabuti ng mga magulang ang pagkakaroon ng anak, at siguraduhing handa na sila sa ganitong responsibilidad.
Mga importanteng kaalaman tungkol sa family planning
Ayon sa Department of Health, ang family planning ay ang pagkakaroon ng bilang ng mga anak kung kailangan gusto at handa na ang isang pamilya. Ito ay tumutukoy sa paggamit ng ligtas at epektibong modernong paraan para maiwasan ang hindi inaasahang pagdadalang-tao ng isang babae. Ito rin ay ang tamang pagkakaroon ng proper birth spacing o ang agwat ng mga edad ng mga anak na dapat ay tatlo hanggang limang taon ang layo sa isa’t-isa na makakabuti hindi lang para sa ina kundi pati natin sa kaniyang anak at buong pamilya.
Ano ang family planning benefits para sa pamilya?
Para sa mga ina
- Makabawi ng maayos na kalusugan o katawan pagkatapos manganak
- Nagbibigay ng sapat na oras at pagmamahal sa kaniyang asawa at mga anak
- Mas maraming oras sa pamilya at sa sarili
- Kung mayroong sakit, ito ay makakatulong para sa mas maayos na pag-gagamot o recovery
Para sa mga anak
- Ang mga malulusog na ina ay nagbibigay silang sa isang malusog na anak.
- Makukuha ang sapat na atensyon, seguridad, pagmamahal at pag-aalaga na kailangan nila
Para sa mga ama
- Mas magaan ang pasan na responsibilidad sa pagsuporta sa kaniyang pamilya
- Mas maibibigay ang pangangailangan ng kaniyang anak
- Mas may oras sa pamilya at sa kaniyang sarili
- Kung mayroong sakit, ito ay makakatulong para sa mas maayos na pag-gagamot o recovery
Isang paraan ng pagpa-family planning ay ang paggamit ng mga birth control methods o mga paraan na makakatulong upang makaiwas sa hindi planadong pagbubuntis. May iba’t-ibang klase ng birth control methods ang maaring pagpilian na mas nagiging epektibo kung tama ang paggamit nito.
Kung nais pang matuto ng higit pa tungkol sa family planning, basahin ang article na ito.
Source: MSN
Photo: Freepik
Basahin: Alam niyo ba na may tamang edad kung kailan dapag magkaanak ang mga lalaki?
- STUDY: Mas matanda ang magulang, mas mabait ang anak
- 10 karaniwang pagkakamali na nagagawa ng mga magulang
- Awra's father sa pagkakaroon ng two gay sons: "Kung hindi ko matatanggap, paano pa 'yong ibang tao?"
- Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."