Kahapon lang ay sumakabilang-buhay na ang award-winning actor na si Eddie Garcia. Ngunit kahit wala na siya ay hindi naman mawawala sa puso ng mga Pilipino ang mga pelikulang ginawa niya. Pati narin ang mga aral sa buhay na ibinahagi niya para magsilbing inspirasyon sa iba.
Narito ang mga linya mula sa kinilalang “Anti-hero King” ng Philippine cinema, si Manoy Eddie Garcia.
Eddie Garcia life lessons
Career
“What you could do today, do it now, so you could do something else tomorrow.”
Hinahangaan sa TV at film industry si Eddie Garcia, hindi lang dahil sa galing niya umarte kung hindi pati narin sa kaniyang professionalism.
Lagi nga daw nauuna sa kaniyang taping schedule si Manoy. Dahil ayon sa kaniya ay napaka-importante ng oras. Isang discipline na nakuha niya sa kaniyang pagiging sundalo.
“An award is a bonus for a job well done. You do it well, maybe you win an award.”
Pagdating sa pag-arte ayon kay Manoy, ginagawa niya ang kaniyang best dahil kailangan niyang pasayahin o entertainin ang mga tao. Ang pagkakaroon raw ng award o pagkilala ay bonus lang ngunit hindi ito ang dahilan kung bakit siya umaarte at gumagawa ng pelikula.
“Courage is taking risks.”
Para kay Manoy ang pagpapakita ng tapang ay ang pagsugal at pagtanggap sa maaring maging kapalit ng iyong gagawin.
Sa mga pelikula ngang pinagbidahan niya ay makikita kung gaano siya katapang na tinatangggap ang bawat role na ibinibigay sa kaniya na nabibigyan niya naman ng karapat-dapat na hustisya.
“It doesn’t matter what the job is as long as you do it well.”
Para kay Manoy hindi mahalaga kung ano ang trabaho mo. Mapa-karpintero, abugado, doktor o janitor ka man basta ginagawa mo ito ng maayos ay dapat mo itong ikarangal. Tumutukoy din ito sa mga role na ginampanan niya sa pelikula na kung saan lahat ay nagawa niya ng maayos at may pagkilala pa.
Love
“Women should be treated delicately. They should be put on a pedestal. She should be worshipped.”
Bagamat sikat ay nanatiling pribado ang buhay ni Eddie Garcia. Matapos mamatay ang kaniyang asawa dahil sa kanser ay hindi na siya muling nag-asawa pa.
Hangga’t makilala niya si Lilibeth Romero na kinasama niya sa nakalipas na tatlong dekada,
Nang matanong kung bakit hindi pa sila nagpapakasal sa kabila ng matagal na silang nagsasama, ito ang naging sagot niya.
“Nagkakasundo naman eh. That’s what’s more important. May papel nga pero ’di naman maganda ang pagsasama. Wala rin.”
Life
“Money earned but not spent is not your money…The reason you earn is because you want to spend.”
Kahit na kumita na ng milyon-milyon sa mga pelikulang kaniyang ginawa, nanatiling low-profile at simple ang pamumuhay ni Manoy. Kaysa bumili ng mga mamahaling gamit ay inubos niya ang kaniyang oras sa paggawa ng bagay na masaya siya at iyon ay ang target shooting.
“When your time is up, you’re dead, people forget about you… I don’t care about legacy.”
Para kay Manoy, kahit gaano pa karami ang nagawa ng isang artista ay makakalimutan parin ito ng mga tao kapag siya ay patay na. At bago pa man dumating ang araw ng kaniyang pagkasawi ay pinaghandaan niya na ito.
“I already paid for my cremation. Binayaran ko na.”
“Then my helicopter pilot friend will pick up the ashes from the crematory and spread them in Manila Bay,” pahayag ni Eddie Garcia.
Ang mga pahayag na ito ay mula sa mga interview ni Eddie Garcia sa programang Pipol ni Ces Drilon noong 2013 at sa Esquire magazine.
Source: ABS-CBN News, Esquire Mag
Image: Hintayan Ng Langit
Basahin: 15 importanteng life lessons mula kay Henry Sy na puwedeng ituro sa iyong anak