Nitong Enero 19, Sabado, pumanaw si Henry Sy Sr., chairman emeritus ng SM Prime Holdings, Inc., sa edad na 94. Bago naging richest man in Southeast Asia, nagsimula si Henry na mayroon lamang 10 centavos sa kanyang bulsa. Dahil sa kaniyang pagpupursige ay naitayo niya ang ShoeMart, na napalaki at napalago niya sa loob ng 60 taon. Maraming Henry Sy quotes mula sa kanyang interviews ang kapupulutan ng aral—mas lalo na ng mga kabataan.
Narito ang ilang life lessons mula kay Henry Sy na maaari mong maibahagi sa iyong anak.
Henry Sy quotes
1. “You have to have a dream, whether big or small. Then plan, focus, work hard and be very determined to achieve your goals.”
Ipinanganak si Henry Sy sa Xiamen, China, at nagtungo sa Pilipinas ang kaniyang pamilya upang magkaroon ng mas magandang buhay. Nang masira ang kanilang sari-sari store sa Maynila noong World War II, bumalik sa China ang kaniyang pamilya.
Nagpaiwan si Henry sa bansa, at kahit sampung sentimo lamang ang pera, pinangarap niyang maging matagumpay na negosyante.
2. “I started with shoes, and with hard work and discipline, the business prospered. I moved to the department store business and again, things went well.”
Nagsumikap si Henry na maging mahusay na negosyante. Nagtinda ng surplus na sapatos na siyang naging daan sa pagbubukas ng ShoeMart noong 1958.
3. “I never imagined attaining big success. Whatever I have achieved did not happen overnight; ever since my teen years I have devoted many, many years of my life to non-stop studying, diligent work, and dreaming of a better future.”
Noong bata pa lamang si Henry, natutulog siya gabi-gabi sa counter ng kanilang sari-sari store sa Quiapo. Nang bumalik sa China ang kaniyang pamilya, nag-aral siya ng commercial studies sa Far Eastern University habang nagtatrabaho. Nag-aral din siya ng mga wikang English at Filipino.
4. “Success is not just good luck: it is a combination of hard work, good credit standing, opportunity, readiness, and timing. Success will not last if you do not take care of it.”
Hindi naging kampante si Henry Sy sa tagumpay ng ShoeMart, na kalaunan ay naging SM. Pumasok din siya sa real estate at banking.
5. “There is no such thing as overnight success or easy money. If you fail, do not be discouraged; try again.”
Nagkaroon man ng maraming pagsubok at balakid sa pagpapatakbo ng kanyang kumpanya, nanatiling masikap si Henry Sy, kung kaya’t napalago niya ang kanyang korporasyon.
6. “I don’t give up easily. I look for solutions to problems. I want to make things happen.”
Mainam na matutunan ng mga bata sa murang edad na huwag agad susuko sa harap ng mga problema, sa halip ay hanapan ito ng solusyon.
7. “I learned the importance of honest hard work, frugality and discipline from [my father’s] example.
Maagang gumigising ang tatay ni Henry Sy upang magtrabaho sa kanilang sari-sari store, at hatinggabi na rin itong matulog. Mag-isa rin nitong binubuhat ang mga panindang binibili mula Divisoria.
8. “Whoever becomes the leader of the next generation shall rise based on merits and abilities.”
Si Henry Sy ay may anim na anak, at lahat sila ay tinuruan niyang magsumikap sa trabaho. Ayon kay Henry, high school pa lamang ang mga anak nila ay nagtatrabaho na ang mga ito sa SM Department Store sa kanilang free time.
9. “All my six children are treated equally. My eldest child Tessie is hardworking and very capable; it doesn’t matter that she’s a woman. She always wants to learn and she is a fast learner.
Di gaya ng nakasanayang tradisyon ng mga pamilyang Chinese sa Asia na mas pinapaboran ang mga anak na lalake kaysa babae, si Henry Sy ay buo ang kumpiyansa sa mga anak na babaeng sina Teresita at Elizabeth.
10. “Ever since I was a kid, I’ve always believed in doing my best, that one should aspire to be number one.”
Dahil sa kanyang masidhing pangarap, nakapagpatayo si Henry Sy ng malls hindi lamang sa Pilipinas, kundi maging sa bansang China.
11. “When you do well, do not change your ways.”
Isa si Henry Sy sa nagpalaganap ng “mall culture” sa Pilipinas, at dahil dito ay lumaganap ang SM malls sa bansa. Nang magkaroon din siya ng shares sa Chinabank, hindi niya pinalitan ang mga namumuno rito, dahil aniya, napapatakbo ito nang maayos.
12. “In good times, I continue to work; in bad, I work harder.”
Marami sa milestones ng SM ay naganap habang nasa krisis ang bansa. Ngunit nanatili ang optimism ni Henry. Itinayo ang unang SM Department Store habang martial law, at ang SM North Edsa ay sinimulan sa aftermath ng assasination ni Ninoy Aquino. Samantala, itinayo naman ang SM Megamall kung kailan may coup attempts sa administrasyong Aquino, at ang SM Mall of Asia habang may Asian crisis noong 1997.
13. “Not many people can do it. You may have the interest but not the resources. You may have the resources and the interest, but not the guts. You have to look long-term. You have to be optimistic.”
Mahalagang maunawaan ng mga anak na hindi lamang nakasalalay sa iisang bagay ang pagtatamo ng tagumpay.
14. “One of my lifelong practices is to pay my obligations on time.”
Ayon kay Henry, ayaw niyang nahuhuli ang SM sa pagbabayad sa kanilang mga suppliers. Itinuro niya sa kanyang mga anak na isipin ang kapakanan ng kanilang suppliers, at laging maging trustworthy sa dealings sa ibang tao.
15. “Not everything I do is purely for money. Of course, as a businessman and as head of publicly listed companies, we have to earn, but at this point in my life, there are other considerations more important besides just money.”
Sa huli, patunay ni Henry Sy, may mga bagay na mas mahalaga kaysa salapi. Siya ay kilalang donor ng iba’t ibang causes, tulad ng education, health care, at disaster response. Marami rin siyang naging mga college scholar.
Alin sa mga Henry Sy quotes ang tumatak sa iyo?
Sources: Town & Country , Forbes, Philippine Star (2004, 2006, 2008), Philippine Daily Inquirer, BrainyQuote, Bilyonaryo
Photo: Wikipedia
Basahin: 7 Pieces of advice from celebrity moms and dads!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!