Nasubukan mo na ba ang edible sensory play katulad ng sandpit para sa iyong baby?
Likas na sa mga bata ang magkulit at mag explore ng kung anu-anong bagay. Madalas sinusubo nila ang lahat ng madadampot ng kanilang mga kamay, literal na lahat kahit na ito ay hindi pagkain. Kaya naman bilang isang magulang mahalga na bantayan silang maigi at laging tignan ang kanilang mga hinawakang bagay.
Ang pagsubo nila ng mga laruan o gamit sa bahay ang pangunahing dahilan ng disgrasya sa kanila. Maaring mabulunan, malason o bumara sa kanilang lalamunan ang mga gamit na kanilang sinusubo.
Kaya naman isang win-win situation para kay mommy kapag nakadiscover sila ng mga laruang edible para kay baby.
Edible sandpit para sa baby: Sandpit na gawa sa dinurog na cereal
Trending naman ang isang TikTok video ni mommy Elleanna. Ipinakita niya kasi ang kanyang trick sa edible na laruan ni baby. Tampok ang dinurog na cereal sa paggawa ng edible sand para sa sandpit ng baby nito.
Umabot rin sa mahigit 2.5 million ang views ng nasabing video. Sino ba naman kasing mommy ang hindi ma-a-amaze sa witty idea ni Mommy Elleanna?
Makikita sa video na tila tunay na buhangin ang dinurog na cereal gamit ang blender ni Mommy Elle. Pagkatapos nito, saka niya nilagay sa tray ang mga durog na cereal na ngayon ay buhangin na para sa sandpit ng kanyang chikiting.
Naglagay rin ito ng ilang laruan katulad ng laruang isda at iba pa.
Job well done para sa toy ni baby!
Makikita na giliw na giliw ang si baby sa kanyang new edible sandpit toy. Katulad ng ibang bata, ang buhangin na gawa sa cereal at laruan ay isinubo ni baby. Pero don’t worry dahil edible sand naman ito. Good job mommy Elle!
Sa pag-aaral ang paglalaro ng isang bata ng sand ay nakakatulong para sa kanilang mabilis na development at nagagawa rin nilang kumalma dahil rito. Kasama na rin ang magpapabuti ng motor skills at magandang development ng hand-eye coordination
Ayon sa National Association for the Education of Young Children (NAEYC), ang paglalaro ng buhangin ay makakatulong sa pag develop nila ng high level learning sa loob ng classroom.
Marami rin ang namangha sa ibinahaging video ni Mommy Elle. Ang iba ay nahikayat na gagawin rin nila ito para may magamit na laruan si baby.
Ngunit hindi lahat ay positibo ang naging feedback dito.
“Tuturuan ba silang kumain ng totoong buhangin dahil dito?”
Kahit na sabihin nating peke lang ang buhangin na ito dahil gawa sa dinurog na cereal, napatanong rin ang ibang netizens na “Matuturuan ba silang kumain ng totoong buhangin dahil dito?”
Nagreply naman si Mommy Elle na iang concern niya rin ito pero nakatira siya sa Illinois kung saan walang buhangin.
Susubukan mo ba ang edible sensory play sand para sa iyong chikiting? Nais mapanood ang video? I-click lamang ito.
Iba pang paraan para ma-entertain si baby
Kung nais mo pang malaman ang ibang paraan para hindi mabored at manatiling entertain si baby, narito ang ilan sa kanila na maaari mong subukan:
- Gumawa ng trending Dalgona Coffee. Sobrang dali lamang nitong gawin dahil tatlong ingredient lang ang kailangan!
- Subukan naman ang easy egg tart recipe na siguradong magiging favorite ni baby!
- Pamatay boredom rin ang board games with family. Mapapanatili nito ang connection at bonding ninyo!
- Ilabas naman ang mga lumang costume nila na ginamit sa school roleplay. Magsagawa ng mini theater play!
- Time to refresh ang buong family! Isama si baby sa magiging picnic niya sa bakuran.
- Isa pang pantanggal boredom ay ang pagpapatugtog ng mga kanta. Sa pamamagitan nito, maaaring madevelop ng iyong anak ang kanyang talent sa music at maging inclined ito habang lumalaki.
Translated with permission from theAsianparent Singapore