15-year-old na bata patay matapos tumalon sa building dahil sa pressure mula sa magulang

Labis na pag-pepressure sa iyong anak, maaring magdulot ng masamang epekto sa kaniya. Alamin kung paano ito maiiwasan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Effects of parental pressure on students: Batang estudyante na ayaw pumasok sa piano lessons na ipinipilit ng kaniyang magulang tumalon sa building. Ama ng bata sinubukan siyang saluhin na naging dahilan ng kaniyang pagkasawi rin.

Batang tumalon sa building dahil sa parental pressure

Double tragedy ang naganap sa Lu Country, Sichuan Province, China ng tumalon ang isang 15-anyos na batang babae sa bubong ng 25-storey building. Sa pag-aakalang maililigtas ang bata, sinalo ito ng kaniyang 42-anyos na ama mula sa baba ng building. Ngunit dahil sa lakas ng impact ng pagkakalaglag ng batang babae, ama ng bata nagtamo ng malalang injuries. Dahilan na ito ay masawi tulad ng kaniyang anak.

Ayon sa mga report, naganap ang insidente 10:30 ng umaga, August 22, 2020 at nakunan ito ng video na kumalat na sa social media.

Warning: Ang videong ito ay maaring nakababahala para sa mga manonood.

Ang pulisya ay agad umanong naalerto ng makita ng isang witness ang 15-anyos na batang babae na nakatayo sa tuktok ng building na makikita sa video.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Sinubukang saluhin ng ama ang kaniyang anak

Agad naman ding dumating ang mga paramedics at naglatag ng rescue air cushion upang saluhin ang bata mula sa pagkakahulog.

Ngunit sa pagtalon ng batang babae ay sinalo ito ng kaniyang ama gamit ang mga braso nito. Ito ay sa kabila ng pagtataboy sa kaniya ng mga paramedics na nakapwesto.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nasalo ng ama ang kaniyang anak. Ngunit dahil sa lakas ng impact ng pagkakahulog ay parehong nagtamo ng fatal injuries ang dalawa.

Sinubukan man silang bigyan ng lunas ay pareho silang hindi nakaligtas. Sila ay parehong nasawi na nasabing insidente.

Sa ngayon patuloy parin ang imbestigasyon sa nangyaring insidente. Ngunit may mga initial na reports na ang lumabas na nag-ugat ang insidente sa pag-ayaw ng bata sa pagpasok sa piano lessons na ipinipilit ng kaniyang ama.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi daw masaya dito ang bata na nagsimula ng hindi nila pagkakaintindihan.

Ang piano school na dapat papasukan ng bata ay nasa first floor ng building na kaniyang pinagtalunan.

Effects of parental pressure on students

Image from Freepik

Ayon sa isang 2013 survey, marami sa ating mga magulang ang naniniwala na may magandang epekto ang paglalagay ng pressure sa ating anak sa pag-aaral. Dahil sa ganitong paraan ay mas nag-eexcel sila sa school at nagiging mabuting estudyante. Pero ito ay kinontra ng mga eksperto. Ayon sa kanila, ang sobrang pressure sa isang bata ay maaring magdulot ng negatibong epekto sa kaniya. Lalo na kung lagi nating ipaparamdam na ang maliit nilang pagkukulang o pagkakamali ay maaring magsira na ng kanilang kinabukasan. Ilan nga sa negatibong epekto ng sobrang pag-pressure sa pag-aaral ng anak ay ang sumusunod:

  • Mas mataas na tiyansa na siya ay makaranas ng anxiety, depression at iba pang mental illness. Ito ay dahil sa stress na idinudulot ng pressure na binibigay sa kaniya.
  • Maaring makasira ito ng kaniyang self-esteem o tiwala sa sarili.
  • Mahihirapan silang makatulog o hindi makakatulog ng maayos sa gabi sa kakaaral.
  • Para naman sa mga batang athletes, sila ay mas at risk na magtamo ng injuries. Dahil kahit may nararamdaman na ay ipipilit parin nila ang kanilang sarili upang manalo at hindi mapahiya ang magulang.
  • Para maging achiever sa lahat ng bagay na kanilang ginagawa ay tumataas ang tiyansa na sila ay mag-cheat o mandaya.
  • Tumatanggi silang mag-participate dahil sa iniisip nila na sila na ang the best o kaya naman ay ayaw nilang matalo kung sakali.
  • Maari nilang saktan ang kanilang sarili lalo na kung sila ay magdudulot ng disappointment sa kanilang magulang.

Paano isagawa ang positive parenting?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepik

Para maiwasan ang mga nabanggit na negatibong epekto ng parental pressure sa mga estudyanteng anak ay mas mabuting isagawa ang positive parenting. Ito ay sa pamamagitan ng sumusunod:

Introspection

  • Matapos ang isang buong araw ay kamustahin ang iyong anak. Alamin kung paano ang naging araw niya. Saka eksaminin ang kaniyang kilos at pananalita. Pakiramdaman kung ano ang tunay na nararamdaman o nasa saloob niya. Saka gumawa ng hakbang upang pagaanin ang kaniyang kalooban bilang kaniyang magulang.

Encourage

  • Imbis na i-pressure ang iyong anak ay i-encourage siya. Sa ganitong paraan ay mas maiinspire siyang gumawa at mas magkakaroon siya ng self-confidence. Ipaalam rin sa kaniya na normal lang ang failure o siya ay magkamali. Ito ay paraan upang siya ay matuto at parte ng bawat tagumpay.

Interact

  • Para mas gumaan ang loob ng iyong anak sayo ay dapat magkaroon ng interaction sa kaniya. Gawin ito sa pamamagitan ng paglalaan ng oras na makasama ang iyong anak. Gumawa kayo ng isang activity na kung saan magkakaroon kayo ng bonding, tawanan at masayang oras na magkasama. Iparamdam sa iyong anak na hindi ka lang niya basta magulang kung hindi kaibigan na maari niyang masandalan at maasahan sa lahat ng oras. Payuhan rin siya kung kinakailagan habang pinaalalahanan siya ng iyong mga nais bilang kaniyang magulang.

Isinalin sa wikang tagalog mula sa theAsianparent Singapore

Source:

Pew Research

BASAHIN: Kung bakit hindi ka dapat ma-pressure na maging perpektong magulang

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement