Sa pagiging magulang, ang isang tao ay nagkakaroon ng abilidad na mag-alaga, umintindi at maging magandang halimbawa sa mga anak. Kapag hindi naipakita ng mga magulang sa isang bata ang kahalagahan ng sarili at potensyal nito, maaaring gumawa ito ng mga maling paraan upang pagtakpan ang sakit na nararamdaman nila.
Ang pagpipilit makamit ang perpektong buhay ay nakakapagod at nakakasira sa mga importanteng aspeto ng pagiging magulang.
Sa pagiging magulang, dapat laging tandaan na ang buhay ay hindi para sa sarili lamang. Ang mga bata ay maapektuhan sa mga gawain at kaugalian ng mga magulang nito.
Mapanganib sa mga bata ang pagkakaroon ng mga magulang na mas binibigyan ng importansya ang pananaw ng ibang tao. Napapanahon lalo ang reminder na ito, lalo na’t lahat tayo ay naninirahan sa ilalim ng mapagmasid na mata ng ibang tao dahil sa social media.
Maaaring ginagawa ang lahat ng makakaya at totoong mahal ang anak. Ngunit kung ang bawat oras ay inuukol upang maging perpekto ang pamilya sa paningin ng iba, maaaring di sadyang mapabayaan ang anak.
Tandaan, hindi lahat ng nakikita sa social media feed ng iba ang buong katotohanan. Marami ang nagpo-post lamang ng masasayang moments at hindi ang pang araw-araw nilang pinagdadaanan.
Ngunit hindi lang sa social media nakukuha ang pressure sa pagiging magulang na sumusunod sa kung ano ang “ideal.”
Ang ibang magulang ay nakuha lamang ang ganitong kagustuhan base sa natanggap nilang pag-aalaga sa kanilang sariling mga magulang. Nakita nila ang kawalan ng kapanatagan ng kanilang mga magulang at nakuha nila ito.
Ang kailangan sa mga ganitong kaso ay harapin muna ang sariling problema para matutukan ang mga tunay na mahalaga.
Sa buhay, kung ano ang binibigyan ng atensyon ito ang umuusbong.
Kaya, imbes na isipin kung ano ang mga wala ang isang tao, magbigay pasasalamat kung ano ang mayroon. Ang pagiging magulang ang nagbibigay responsibilidad na pasayahin ang mga bata.
Source: Psychology Today
Photo by Zahed Ahmad on Unsplash
Basahin: 5 Senyales na mabuti kang magulang
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!