LOOK: John Lloyd, nag-post ng pic kasama ang kaniyang baby?

LOOK: John Lloyd, nag-post ng pic kasama ang kaniyang baby?

Si Elias Modesto nga ba ang baby na buhat-buhat ng aktor sa kaniyang pinakabagong post sa Instagram?

Simula nang mag-hiatus sa showbiz ang aktor na si John Lloyd Cruz, ay mas naging pribado ito at ang partner na si Ellen Adarna sa kanilang mga buhay. Ngunit sa bagong post ni John Lloyd sa Instagram, mukhang kasama niya ang anak na si Elias Modesto.

Ibig sabihin kaya nito ay mas magiging publiko na ang aktor sa mga kaganapan sa kaniyang buhay?

Si Elias Modesto ba ang kasama ni John Lloyd sa larawan?

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

hbd pox ?: @mmyu78

A post shared by You Name It (@dumpsitegallery) on

 

Marami ang haka-haka tungkol sa picture na ipinost ni John Lloyd sa social media. At marami ang kumbinsido na ang baby na hawak niya ay ang anak nila ni Ellen Adarna.

Ang pinakamalaking clue tungkol dito ay ang caption ng aktor na "hbd" sa larawan na posibleng "happy birthday" ang ibig sabihin. Matatandaan na noong nakaraang buwan ay nag-celebrate sila ni Ellen ng first birthday ng kanilang anak.

Bagama't hindi kami sigurado kung si baby Elias Modesto nga ang nasa larawan, umaasa kaming ipapakilala rin ni John Lloyd ang anak sa kaniyang mga fans sa tamang panahon.

Basahin: John Lloyd namili ng mga gamit para sa baby nila ni Ellen Adarna?

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner