John Lloyd namili ng mga gamit para sa baby nila ni Ellen Adarna?

John Lloyd namili ng mga gamit para sa baby nila ni Ellen Adarna?

Namataan na namili ng car seat at stroller na pang baby boy si John Lloyd sa isang department store sa Cebu. Para kaya ito sa anak nila ni Ellen Adarna?

Ayon sa isang netizen, namataan kahapon ang aktor na si John Lloyd Cruz na namimili ng mga gamit pambata sa isang tindahan sa isang Cebu mall. Ayon sa comments sa post, kumuha daw ang Kapamilya star ng stroller at car seat na pang newborn hanggang toddler. Dagdag pa ng netizen na pang baby boy ang pinili nito na design. Nais pa raw sana ni John Lloyd na makapamili ng ibang mga gamit ngunit dinumog na raw ito ng mga fans na gustong makakuha ng litrato kasama siya.

john lloyd ellen

Ito na nga ba ang kumpirmasyon sa balita na nanganak na ang kaniyang nobya na si Ellen Adarna?

Naging bulung-bulungan na nagsilang na nga ang sexy actress sa Chong Hua Hospital sa Queen City of the South noong Hunyo 27, tatlong araw matapos ang kaarawan ni John Lloyd. Matatandaan na umugong ang balita ng pagbubuntis ni Ellen noong Nobyembre ng nakaraang taon. Ngunit hindi naringgan ng direktang kumpirmasyon ang magkasintahan tungkol dito.

Bagaman may mga lumabas na pictures ni Ellen na kita ang kaniyang baby bump habang nagbabakasyon sila ni John Lloyd sa luxury resort na Amanpulo, naging tikom ang bibig ng magkasintahan tungkol sa pagdadalangtao ng aktres.

Nang kumalat ang balita na nabinyagan na ang kanilang baby boy at nagkaroon ng paghihigpit sa security ng ospital kung saan nanganak si Ellen, binasag na rin ni John Lloyd ang kaniyang katahimikan sa pamamagitan ng isang Instagram post. "F*CK FAKE NEWS," ang naging maikling caption nito.

FUCK FAKE NEWS @inquirerdotnet @preen.ph

A post shared by portal,library (@ekomsi) on

Hindi tukoy kung pinapabulaanan nito ang binyag o ang paghihigpit ng seguridad ng ospital.

Ano sa tingin niyo ang ipapangalan ni John Lloyd at Ellen sa kanilang anak? Heto ang listahan ng mga popular na baby boy names noong nakaraang taon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner