John Lloyd at Ellen, nag-Bagong Taon sa Disneyland kasama ang kanilang anak

John Lloyd at Ellen, nag-Bagong Taon sa Disneyland kasama ang kanilang anak

Sa Tokyo Disneyland napiling salubungin ni John Lloyd Cruz, at Ellen Adarna ang kanilang New Year kasama ang anak nilang si Elias Modesto.

Ayon sa isang source ng PEP.ph, sa Tokyo Disneyland raw nagdiwang ng Bagong Taon ang mag nobyong si John Lloyd Cruz at Ellen Adarna. Ngunit bukod sa mga kamag-anak ni Ellen, kasama rin daw nila sa Disneyland ang kanilang bagong silang na anak na si Elias Modesto.

Elias Modesto, kasama ang kaniyang magulang sa Disneyland Tokyo
Elias Modesto

Si John Lloyd at Ellen kasama ang kanilang anak na si Elias Modesto. | Source: Kami.com.ph

Noong nakaraang taon ay kumalat na ang balita na buntis raw si Ellen, at si John Lloyd ang ama. Matagal na itinago ng dalawa ang pagbubuntis, at naging private din sila sa social media dahil dito.

Hulyo ng nakaraang taon nang nagkaroon ng announcement ang kampo ng aktres na ito ay nanganak na.

Ngunit kamakailan lang lumabas ang mga larawan ang dalawa, kasama ang kanilang bagong-silang na anak. Elias Modesto raw ang napili nilang pangalan, at kitang-kita sa mga larawan na masayang-masaya ang dalawa.

Noong nakaraang taon din ay nagbahagi ng letrato ang nail artist na si Mimi Q. Reyes, kung saan mayroong buhat-buhat na sanggol si Ellen. Ngunit nakatalikod ang bata, at hindi rin kita ang mukha.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Mimi Q. Reyes – NailArtist💅🏻 (@mimsqiu) on

 

Mukhang masaya ang dalawa sa kanilang private life

Mula nang lumayo sa showbiz si Ellen at John Lloyd ay mukhang masayang-masaya sila sa kanilang private life. Sa mga kaunting larawan na napo-post sa social media ay kitang-kita ang tuwa ng dalawa.

Nakakatulong rin siguro sa kanila ang paglayo muna sa showbiz, at tutukan ang kanilang anak na si Elias. Wala pa ring balita kung magbabalik showbiz pa ba ang dalawa.

Ngunit base sa nakikita namin, mukhang kontento na si John Lloyd at Ellen na mag-lie low muna sa publiko at enjoy-in ang buhay nila kasama ang kanilang anak.

 

Photo screencapped from: Kami.com.ph

Basahin: John Lloyd namili ng mga gamit para sa baby nila ni Ellen Adarna?

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner