Elisse Joson may babala kay McCoy de Leon: “Kung magloloko ka, okay na kami. Kakayanin namin.”

McCoy lagi naman umanong ipinapanatag ang loob ni Elisse at laging inuuna ang kapakanan ng mag-ina niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Elisse Joson at McCoy de Leon umaming hindi perfect ang kanilang relasyon. Tulad ng ordinaryong pamilyang Pilipino ay may mga issues rin silang hanggang ngayon ay nireresolba nila.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Mga pagsubok sa relasyon nina Elisse Joson at McCoy de Leon
  • Banta ni Elisse kay McCoy sa oras na magloko ito sa kanilang pagsasama

Mga pagsubok sa relasyon nina Elisse Joson at McCoy de Leon

Kamakailan lang ay nagdiwang ng kaniyang first birthday ang anak nina Elisse Joson at McCoy de Leon na si Felize. Maliban sa family get-away nila sa Bohol ay nag-organize sila ng handaan para sa kanilang malalapit na kaibigan at pamilya.

Doon ay nakapanayam ng showbiz reporter na si Ogie Diaz ang magkarelasyon. Siya ay nagtanong sa estado ng pagsasama nila at mga pagbabago sa buhay nila mula ng sila ay magka-pamilya na.

Ayon kay Elisse at McCoy, tulad ng ordinaryong magkarelasyon sila ay nakakaranas rin ng problema. Mukha man daw silang happy couple o happy family sa social media may mga issues ding hinaharap ang pagsasama nila.

“Sa social media madaling magpakita ng happy pictures, happy family. Happy family naman talaga kami pero bukod doon, araw-araw talagang may struggles. And si McCoy lagi niyang nire-remind sa akin na normal ‘to adjustment everyday. And we need to work together in building this family.”

Ito ang sabi ni Elisse tungkol sa tunay na mukha ng pamilya nila ni McCoy.

Isa nga sa hinalimbawa ni Elisse ay ang isyu ng pagseselos na madalas daw siya ang nakakaramdam. Pero ito daw ay healthy naman sa relasyon at patunay ng pagmamahal niya kay McCoy.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Kung wala nang konting selos man lang parang lumalamig na yung relationship,” sabi ni Elisse.

Bagamat sa ngayon ay natutunan niyang hindi dapat ito makasira sa pagsasama nila.

“Mag-boyfriend-girlfriend pa lang puwede mo pairalin yung bugso ng damdamin mo, galit o selos o kung anumang nararamdaman mong extreme. Pero ‘pag may family ka na kasi parang you have to set that aside. At kailangan mong isipin kung anong mas makakabuti sa inyong dalawa at sa anak ninyo.”

“Siguro to a certain extent, okay yung selos. Pero alam mo din dapat na strong yung relationship ninyo. Meron kayong foundation na hindi masisira.”

Ito ang sabi pa ni Elisse Joson.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Elisse Joson’s Instagram account

Elisse may banta kay McCoy kung magloloko ito

Dagdag pa ni Elisse, nagsisimula lang naman daw siya magselos sa oras na may detalyeng hindi nasabi sa kaniya si McCoy sa tuwing aalis o lalabas ito.

“Sa akin kasi importante yung detalye. ‘Yong parang kunwari kapag nasa labas siya or aalis siya sabihin mo sakin talaga yung detalye okay na ako. Pero kapag meron kang konting hindi nasabing detalye dun ka mag-iisip na “Ba’t di mo nasabi yun?””

Ito ang pagbabahagi pa ni Elisse. Sabi pa nga niya, kung sakaling magloloko si McCoy ay nasabi niya naman daw dito kung anong magiging epekto sa pamilya nila.

“Ayoko na ng drama, kung magloloko ka, okay na. Okay na kami. Kakayanin namin.”

Ito daw lagi ang sinasabi ni Elisse kay McCoy.

Pero si McCoy laging ginagawa ang lahat para maiparamdam kay Elisse ang pagmamamahal niya. Higit sa lahat ang security ng kanilang pagsasama.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Huwag kang matakot, priority ko kayo. Kung ayaw mo, okay lang naman. Walang problema sa akin yun nandito lang ako sa inyo. Happy na ako sa inyo.”

Dagdag pa niya, ginagawa niya ang lahat para sa mag-ina niya. Lalo pa’t sa ngayon na ang buhay niya ay umiikot sa kanilang dalawa.

“Ayokong maging dahilan yung anak natin kaya tayo nagsasama. Gusto ko makita rin ng anak natin na masaya siya, na masaya tayo na makita niya.”

Sabi pa ni McCoy, hindi naman magtatagal at maibibigay niya kay Elisse ang pinapangarap ng bawat babae. At ito ay ang maikasal na pinag-iipunan naman na ni McCoy.

“Naniniwala ako sa sacrament of marriage. Dun talaga ako nakabase. Sabihin nating next plan pero alam ko sa sarili ko na kung paano ko siya mapapasaya nang tuluyan.”

Image from Elisse Joson’s Instagram account

BASAHIN:

McCoy de Leon humuhugot ng lakas kina Elisse Joson, Baby Felize: “Tanggal talaga pagod mo”

Ruffa Gutierrez pinayagan na sina Lorin at Venice na makausap si Yilmaz Bektas: “It’s time na mag-reconcile sila.”

McCoy de Leon: “Hanggang ngayon, I’m still trying to win to the highest level ‘yong heart ni Elisse”

McCoy aminadong hindi pa siya tanggap ng ina ni Elisse

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Elisse Joson’s Instagram account

Pag-amin pa ni McCoy tulad ng maraming pagsasama ay hindi pa siya ganoon katanggap ng ina ni Elisse. Pero ginagawa niya ang lahat para mapatunayan rin dito na karapat-dapat siya sa anak nito.

“Kung paano ko palakihin anak ko, kung paano ko mapasaya anak niya, hindi pa enough ‘yon. Pero ‘yon lang sa ngayon ang maipamamalaki ko sa kaniya. Ayokong magyabang pero niyayabang ko ‘yong buhay naman na maibibigay ko sa mag-ina ko.”

Pero ayon parin kay McCoy umaasa siya na sana soon ay maging maayos na ang relasyon nila ng ina ni Elisse. Isa daw itong pangarap na inaasam at ninanais niyang matupad.

“Sabihin na natin, sobrang positive lang. Pero gusto kong maging optimistic sa ganyang aspeto. Gusto kong makita yung ngiti niya, ngiti ng apo niya na siya yung dahilan.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement