Elisse Joson at McCoy de Leon ipinakilala na ang kanilang baby sa PBB (Pinoy Big Brother) episode kagabi, Linggo, October 31, 2021. Narito ang mga pahayag ng mga new parents na sina Elisse at McCoy.
Sa artikulong ito ay mababasa ang mga sumusunod:
- PBB Elisse Joson at McCoy baby reveal.
- Pagbabago sa buhay ni Elisse ngayong siya ay isa ng ina.
PBB Elisse Joson at McCoy baby reveal
Image screenshot from ABS-CBN video
Kagabi ay bumisita ang ex-PBB housemates at real-life couple na sina McCoy de Leon at Elisse Joson sa Pinoy Big Brother House ng ABS-CBN. Sila ay napabilang sa PBB Lucky Season 7 noong 2016 na kung saan si Maymay Entrata ang nahirang na winner ng nasabing season.
Sa kanilang pagbisita ay ang tinatawag na “Kuya” ng Pinoy Big Brother house ang pakay nila. Dahil ayon kanila McCoy at Elisse ay gusto nila itong kunin na ninong ng anak nila. Isang imbitasyon na rebelasyon rin na nagbunga na ang pagmamahalan ng dalawa.
“Kuya, puwede po ba namin kayong gawing ninong sa anak namin?” sabi ni McCoy.
“Kuya, kami po ni McCoy, meron po kaming isang napakaganda at napakabait na baby girl.” Ito naman ang sunod at masayang sabi ni Elisse.
Sabi ng dalawa naisip nilang kunin na ninong ng kanilang anak ang Kuya ng PBB house dahil sa ito ay puno ng wisdom. Hindi naman ito tinanggihan ni Kuya na sinabing isang karangalan ang maging ninong ng anak nila. Natuwa rin ito sa magandang balita ng dalawa at pinaabot ang kaniyang congratulations sa bagong yugto na ito ng kanilang buhay.
Sabi pa nila McCoy naisip nilang sa PBB house isapubliko ang magandang balita dahil doon silang dalawa ni Elisse nagsimula.
Ang pangalan ng kanilang anak ay Felize McKenzie na ayon kay Elisse ay lucky charm nila ni McCoy.
“Yung pangalan niya hati samin ni McCoy. Siya ang lucky charm namin She is our greatest blessing po talaga.”
Doon din ipinakita ni McCoy at Elisse ang larawan ng kanilang anak bagamat ito ay naka-sideview at tago ang mukha.
Image screenshot from ABS-CBN video
BASAHIN:
LOOK: Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, engaged na—at magkaka-baby na rin!
Iwa Moto on her kasambahays: “Kung anong kinakain namin, ‘yon din ang kinakain nila”
LOOK: Rachel Peters and Migz Villafuerte, ipinakilala ang kanilang baby
Elisse Joson bilang isang ina
Ibinahagi rin ni Elisse sa meeting nila sa Kuya ng PBB house kung paano nagbago ang buhay niya ng siya ay maging isang ina na.
“Kapag naririnig ko yung word na mother parang iba na talaga sa feeling. Iba yung pakiramdam na bilang anak ka lang, ngayon iba na po yung tungkulin. Iba na po yung saya ng pagiging isang ina. Ngayon ramdam ko na po yung hirap, sarap at saya ng pagiging isang ina.”
Ito ang sabi ni Elisse.
Sa kaniyang Instagram account kagabi ay may mensaheng iniwan si Elisse sa kaniyang Baby Felize. Ito rin ang unang beses na nagpost siya tungkol sa anak sa social media.
“Our little angel 👼🏻 ready to say hello to the world.
Dearest Felize,
Life was uncertain before you came. I didn’t know which path to take, the choices to make. I didn’t know what to be, what I want to be.. Now, nothing is clearer to me than to be the best me, to be the best mommy, for you.
I am lucky to have your daddy in my life and we are very lucky to have you,
our greatest blessing, in our lives.”
Ito ang mensahe ni Elisse sa kaniyang baby.
View this post on Instagram
Pagbati sa new parents na sina Elisse at McCoy
Bumaha naman ang pagbati mula sa celebrity friends nila McCoy at Elisse na masaya at gulat rin na sila ay may anak na.
superjanella
Congratulations, Elisse 💕 Welcome to motherhood!
iloveruffag
Omggggg congratulations 🥳 😍❤️
sueannadoodles
Congratulations, @elissejosonn & @mccoydeleon !!! 💖💖💖
marieltpadilla
Babae!!!!!!! Marami akong baby stufffffffffffffff padala ko sayoooo hehehehhehee im sure kasing ganda mooooo.
Ito ang ilan sa pag-welcome at pagbati nila kay Elisse na ngayon ay ganap ng miyembro ng motherhood club ng mga artista.
Matatandaang 2018 ng lumabas ang balita na silang dalawa ay hiwalay na at ito ay kanilang kinumpirma. Nito lang pandemic ay muling nagkaayos at nagkabalikan ang dalawa. Kaya naman marami ang nagulat sa naging rebelasyon nila kagabi na sila pala ay ngayon ay may anak na.
Image from Elisse Joson Instagram account
Source: ABS-CBN
Photos: Elisse Joson’s Facebook account
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!