Elisse Joson nag-ala blonde bombshell sa kaniyang 26th birthday photoshoot. Tingnan ang mga larawan dito.
Mababasa sa artikulong ito:
- • Elisse Joson birthday photoshoot.
• Birthday message ni McCoy de Leon para kay Elisse.
Elisse Joson 26th birthday photoshoot
Image from Elisse Joson’s Instagram account
Kahapon, January 6 ay nagdiwang ng kaniyang ika-26 na kaarawan ang aktres na si Elisse Joson. Sa kaniyang Instagram ay ibinahagi ng aktres ang kaniyang naging birthday photoshoot na kung saan siya ay nagpa-blonde ng buhok at ibinida ang kaniyang sexy figure.
Makikita sa ginawang birthday photoshoot ni Elisse na nag-level up pa ang beauty niya. Dahil mula sa pa-sweet face image, siya ay talaga nga namang very stunning tingnan sa blonde hair at sexy image na itinampok niya sa mismong araw ng kaniyang kaarawan.
“Birthday alter ego.”
Ito ang caption ni Elisse sa mga nag-seseksihang larawan mula sa kaniyang birthday photoshoot.
Ang mga larawang ito ni Elisse ay kuha ng photographer na si Seven Barretto. Habang ang nag-ayos naman ng kaniyang Barbie-blonde hair ay ang stylist na si Jan Edrosolan.
Si Lyn Alumno naman ang nagbihis ng sexy black mini dress kay Elisse. Habang si Marben Talanay naman ang kumompleto ng kaniyang make-up.
Bumaha naman ang pagbati ng “Happy birthday” kay Elisse ng mga malalapit niyang kaibigan sa industriya ng showbiz. Tulad na lang nila Mariel Padilla, Jinri Park, Jessy Mendiola at Trina Legaspi.
Birthday message ni McCoy para kay Elisse
Samantala, short but sweet message naman ang ibinigay ni McCoy de Leon sa kaarawan ng kaniyang karelasyon na si Elisse. Sa kaniyang Instagram ay ito ang nasabi ni McCoy, kalakip ang mga larawan at videos nilang magkasama.
Ang mga videos na tampok dito ay ang unang pasko at bagong taon nila bilang mga magulang sa kanilang anak na si Elisse.
“I want all the best for you. Happy Birthday My Love! *hug* *kiss*”
Nitong nakaraang taong 2021 ay naging very emotional ang celebration ng 25th birthday ni Elisse. Dahil una siya ay nasa ibang bansa noon at ipinagbubuntis ang anak na si Felize.
Pero hindi naging dahilan ito para hindi gawing espesyal ni McCoy ang kaarawan ng kaniyang minamahal na si Elisse. Si McCoy ay nag-compile ng mga birthday messages na mga kaibigan ni Elisse saka ito ipinakita sa aktres sa pamamagitan ng video call.
“A meaningful birthday gift from miles away.”
Ganito kung paano isinalarawan ni Elisse ang sweet 25th birthday message sa kaniya ni McCoy na tinawag niya pang “best gift ever” na natanggap niya noon.
BASAHIN:
McCoy de Leon on marrying Elisse Joson: “Siya na ‘yong partner ko habang buhay”
Elisse Joson: “Since nobody knew about it, naging peaceful ang pregnancy journey ko”
Elisse and McCoy love story
Matatandaang taong 2016 ng magsimula ang pagtitinginan nila McCoy at Elisse ng sila ay maging housemates sa PBB Lucky Season 7. Mula sa pagiging magka-loveteam ay naging real-life couple sila. Pero noong 2019 ay nabalitang naghiwalay sila McCoy at Elisse bagamat hindi sila nagbigay ng detalye sa kung ano ba talaga ang totoong nangyari. Pero sa isang interview ay sinabi ni McCoy na maaring hindi lang tama ang timing para sa kanilang dalawa.
“I guess the timing wasn’t right. If we decided to push through with the relationship, it just might not have ended well.”
Ito ang sabi ni McCoy.
Elisse and McCoy breakup story
Sa pamamagitan ng isang vlog na inupload sa YouTube channel ni Elisse nitong October 27 ay nagbigay sila ng detalye tungkol sa kanilang breakup at muling pagbabalikan. Ayon kay Elisse, sa kanilang naging breakup sa loob ng isang taon ay hindi sila nagpapansinan ni McCoy.
“Isang taon din ‘no na nagkahiwalay? Tapos sa isang taon na ‘yon, nag-break tayo, malala. Tipong hindi tayo nag-uusap talaga, hindi nagpapansinan,” sabi ni Elisse.
Sa kanilang pag-uusap ay lumabas na si McCoy ang sumuko sa kanilang relasyon. Isang bagay na ayon kay Elisse ay nagparamdam ng betrayal sa kaniya.
“Nag-expect ako na hindi ka bibitaw or hindi ka mag-gi-give up or magpapaubaya. ‘Yon, siguro ‘yon. And then, dinaan ko na lang nga sa galit ‘yong feeling ko na betrayal. Parang ganun ‘yong feeling ko that time, parang I got left behind.”
Ito ang sabi ni Elisse na hindi nagbigay ng detalye kung ano talaga ang naging dahilan ng paghihiwalay nila.
Pero nito lamang Disyembre bago matapos ang 2021 ay nagsalita na si Elisse tungkol sa naging dahilan ng paghihiwalay nila ni McCoy.
“Kaming dalawa mismo hindi nagkakaintindihan, nakinig kami sa mga negative na sabi-sabi sa amin.”
Ito ang sabi Elisse. Dagdag niya pa, noon ay kinukuwestyon niya rin umano kung totoo ba ang mga ipinapakita ni McCoy noon sa kaniya.
“Naging isyu sa akin na totoo ba ‘yong pinapakita niya kasi nga we were together, we are a love team. ‘Yong pagpo-post, how do I know if it’s genuine and if it’s sincere.”
Pero sa ngayon, ayon pa rin kay Elisse at McCoy ang lahat sa pagitan nila ay maayos na. Ito ay dahil sa pagdaan ng panahon ay mas naging mature sila at mas nakilala nila ang isa’t isa.