Elisse Joson may sweet love letter kay McCoy De Leon. Sa sulat ay ipinagtanggol niya si McCoy at ibinahagi kung gaano ito kabuting ama sa anak nila at partner para sa kaniya.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Love letter ni Elisse Joson kay McCoy De Leon.
- Mensahe ni Elisse kay McCoy.
Love letter ni Elisse Joson kay McCoy De Leon
Sa Instagram ay may sweet na love letter na isinulat si Elisse Joson para kay McCoy de Leon. Doon inilarawan niya kung paanong pag-aalaga ang ginagawa ni McCoy sa kanilang dalawa ng anak niyang si Felize.
Ipinagtanggol niya rin ito sa mga nag-jujudge ng mali kay McCoy. At ibinahagi kung gaano ito ka-responsible na ama sa anak nilang si Felize. Pati narin sa pagiging responsible na anak, kapatid at higit sa lahat ay partner para sa kaniya. Ayon kay Elisse, pinag-aaralan pa ni McCoy kung paano maging mabuting family man at pagbibida niya, masaya siya na nagagawa ito ng tama ni McCoy para sa kanila.
Hindi ito nakikita ng lahat, kaya naman ito ang pagtatanggol ni Elisse sa mga nagjujudge kay McCoy.
“Don’t put him in a category. Don’t put him in a box. He’s a person. Not any label or description u put him into. A person worthy of being known for himself as a whole. Not his past, not his mistakes, not whatever u see him as. Mccoy” just “mccoy” A human being just like u.”
“But for me and felize, he is our strength. He is our family. He is what Felize has.”
Ito ang bahagi ng mensahe ni Elisse sa kaniyang ginawang sulat.
Larawan mula sa Instagram account ni Elisse Joson
Mensahe ni Elisse kay McCoy
Bilang pagtatapos, may mensahe rin siyang binigay kay McCoy. Dito ay pinanatag niya ang loob ng aktor at ibinahagi kung paano niya na-appreciate ang lahat ng ginagawa nito para sa kanilang mag-ina at sa kanilang pamilya.
“Mccoy ko, These pictures are not enough. But I hope these moments remind u that for the people that matter.. we see u, we hear u, we appreciate u.”
Ito ang mensahe ni Elisse Joson kay McCoy de Leon.
View this post on Instagram
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!