“We are happy.” Ito ang sagot ng aktes na si Elisse Joson sa estado ng relasyon nila ngayon ng aktor na si McCoy de Leon. Ayon kay Elisse, matapos ang naging pagsubok sa relasyon nila ni McCoy ay mas naging metatag pa ang kanilang pagsasama.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
Relasyon ni Elisse Joson at McCoy de Leon
Matandaang nitong Enero ay naging usap-usapan ang hiwalay nila Elisse Joson at McCoy de Leon. Si McCoy hindi nga napigilang magpost sa Instagram tungkol sa nararamdaman niya at mensahe niya para sa anak nila ni Elisse na si Felize.
Pero makalipas ang ilang linggo, napabalitang muling nagkabalikan sina McCoy at Elisse. At sa pinakabagong panayam kay Elisse ay ibinahagi nito na masaya ang pagsasama nila ngayon ni Mccoy.
“We’re happy. I think in any kind of relationship, you’re gonna have to stumble on a few roadblocks. And marami pang dadating na mas mahirap sa’min. So, I think we’re happy na.”
Ito ang pahayag ni Elisse tungkol sa estado ng relasyon nila ni McCoy.
Larawan mula sa Instagram ni Mccoy De Leon
Mensahe ni Elisse kay McCoy
Sa ngayon daw ay pareho nilang tinatama ni McCoy ang naging pagkakamali nila sa kanilang pagsasama. Ito pa nga daw ang binigay na mensahe at paalala ni Elisse kay McCoy para maiwasan ng muli ang gusot sa pagsasama nila.
“Sabi ko sa kanya, huwag niyang kalimutan ‘yung sweetness and pagiging present sa amin kahit wala naman kaming pinag-awayan.”
Pagpapatuloy ng aktres, ito naman daw ay ginagawa ni McCoy sa ngayon. Kaya naman mas nagiging metatag at masaya ang relasyon nila.
“Araw-araw, pinapakita naman niya that what we have is worth it. Bukod sa schedules namin, it’s a joint effort in keeping the family alive and together. Kasi it’s an effort between two people.”
Ito ang sabi pa ni Elisse.
Kamakailan lang ay nagdiwang ng 2nd birthday ang anak nila McCoy at Elisse na si Felize. Sa mga larawang ibinahagi ni Elisse sa Instagram ay masaya at buo bilang isang pamilya nila itong isinelebrate.
Larawan mula sa Facebook account ni Elisse Joson
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!