X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Elisse Joson may heartfelt message kay McCoy de Leon: "You were the one who carried us all."

4 min read

Sa latest YouTube vlog ni Elisse Joson, makikita kung papaano sila nag-celebrate ng Father’s Day para kay McCoy de Leon. May binahagi ring mensahe ang aktres para sa kaniyang boyfriend.

Mababasa sa artikulo na ito ang mga sumusunod:

  • Sorpresa ni Elisse para kay McCoy 
  • Mensahe ni Elisse Joson kay McCoy De Leon

S0rpresa ni Elisse Joson para kay McCoy De Leon

elisse joson mccoy de leon

Larawan mula sa Instagram account ni Elisse Joson

Makikita sa vlog ni Elisse Joson ang kanilang pagpaplano tungkol sa magiging sorpresa para kay McCoy De Leon. Sa unang bahagi ng vlog ay naroon ang petsa na June 17, 2022. Makikita rin na nakikipag-usap si Elisse Joson sa kanilang mga kasama sa bahay.

Doon na nila napag-usapan ang gagawing mini-prank kay McCoy. Saad ni Elisse, dapat daw ay parang magkaroon ng eskandalo para mataranta ang kaniyang boyfriend bago nila i-reveal ang surprise.

“Isip tayo ng plano kung ano, gusto ko gumawa ng eskandalo, ‘pag kasi natapos na nating ilagay yung surprise dyan, gusto kong meron gawin para mataranta siya.”

Noong gagawin nila ang prank ay busy raw sa paglalaro si McCoy. Kaya naman nag-isip sila ng paraan para mapalabas nila si McCoy sa kaniyang gaming room at para maging successful ang kanilang surprise.

Doon na nakaisip si Elisse ng kaniyang gagawing prank para mag-worry si McCoy at magulo ang kaniyang paglalaro. Kinuntsaba niya ang ilang kasama nila sa bahay para rito.

“Ganito ‘yong plan, papasok ako sa gaming room niya naka-in game daw kasi siya ngayon. So papasok ako, sigaw sigaw ako ng, ‘Si Felize! Si Felize!'”

Si Felize ay ang anak nina Elise Joson at McCoy de Leon. Ipinakita rin ang ilan sa kanilang clip kung saan sila ay nag-eensayo kung papaano tatawagin si McCoy De Leon sa kaniyang gaming room.

Para maisagawa na ang kanilang napagplanuhan, tinakbo at pinuntahan ni Elisse Joson si McCoy De Leon. Paulit-ulit na tinatawag ni Elisse Joson si McCoy at isinisigaw pa ang pangalan ng kanilang anak. Agad ding tumayo at sumama si McCoy kay Elisse at nagtungo sa pool area kung nasaan ang surpresa.

Napangiti naman si McCoy De Leon ng makita ang sorpresa para sa kaniya. Makikita rin sa vlog ang kanilang pagkukulitan at paba-bonding sa swimming pool. Mayroon pang isang supresa si Elisse Joson kay McCoy De Leon na makikita sa vlog. Ang supresang ito ay naganap noong mismong father’s day, June 19.

Saad pa ni Elisse Joson habang buhat-buhat ang anak na si Felize. Nang pumasok sa gaming room ni McCoy De Leon ay kinantahan at binati nila ito ng happy father’s day at inabutan ng regalo. Binasa naman ni McCoy De Leon ang nakalagay na sulat sa box.

“Happy Father’s day to the best daddy. We love you and we appreciate you.” 

mccoy de leon elisse

Larawan mula sa Instagram account ni McCoy de Leon

Sa isa ring bahagi ng video, tinanong ni Elisse si McCoy kung ano ang gustong gawin nito bilang Father’s Day noong araw na iyon. Sagot naman ni McCoy De Leon ay nais niyang mag-relax, mag-chill, mag-rest at magnilay-nilay.

Tinanong pa ulit ni Elisse si McCoy kung pupunta sa sila sa Tondo. Si McCoy de Leon ay lumaki sa Tondo, Manila. Isa siya sa mga batang Tondo na naging successful sa showbiz. Noon pa lang edad 16 siya ay nagsimula na siyang lumabas sa mga commercials.

Kaya naman nang tanungin ni Elisse kung dadayo sila sa Tondo ay sumang-ayon agad si McCoy. Sambit pa ng aktor, mas makakatipid daw sila sa kaniyang hometown kaysa magpunta pa sa ibang lugar.

BASAHIN:

McCoy de Leon humuhugot ng lakas kina Elisse Joson, Baby Felize: “Tanggal talaga pagod mo”

Elisse Joson shares heartfelt message to her daughter, Felize: “We are very lucky to be your parents.”

Mikael Daez at Megan Young, LDR muna ng halos 2 buwan: “We haven’t been apart since this pandemic”

elisse joson at mccoy de leon

Mensahe ni Elisse Joson kay McCoy De Leon

Sa huling bahagi rin ng vlog makikita ang iba’t iba at pinagsama-samang video nila McCoy De Leon, anak na si Felize at Elisse Joson. Habang ipinapakita ang mga video ay ibinahagi ni Elisse Joson ang kaniyang father’s day message para kay McCoy De Leon.

“The change you see when a man becomes a father. I saw it in you instantly. Suddenly, you were the one who carried us all. Happy father’s day, mahal ko.”

Nagpaabot din ng kaniyang mensahe si Elisse Joson para iba pang mga tatay, bati pa niya, “Happy father’s day to all the dads out there!”

Noong April ay nag-celebrate na ang baby nina McCoy at Elisse na si Felize ng first birthday nito. Napabinyagan na rin nila ang kanilang anak para ma-welcome sa Christian world.

YouTube

Partner Stories
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
Give Yourself the Care You Deserve!
Give Yourself the Care You Deserve!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Nichole Samson

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Elisse Joson may heartfelt message kay McCoy de Leon: "You were the one who carried us all."
Share:
  • Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

    Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

  • Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

    Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

    Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

  • Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

    Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.