Excited na ipinasilip ni Elisse Joson ang ilang kaganapan sa first birthday ng kaniyang daughter na si Felize.
Mababasa sa artikulong ito:
- Message ni Elisse Joson kay Felize: “Sana lumaki kang God-fearing”
- Elisse ipinagmalaki ang kaniyang partner na si McCoy
Message ni Elisse Joson kay Felize: “Sana lumaki kang God-fearing”
Isang buwan mula nang ipagdiwang nina Elisse Joson at McCoy de Leon ang first birthday ng kanilang anak. Ngayon nga ay inupload ng aktres ang video ng celebration ng first birthday ni Felize sa kaniyang YouTube channel.
Larawan mula sa Instagram ni Elisse Joson
Sa nasabing video ay sinabi ni Elisse na April 10 talaga ang first birthday ni Felize. Ngunit April 19 na naganap ang birthday party. Naging abala ang mag-partner sa pag-aasikaso sa celebration ng first birthday ni Felize. Ngunit sinubukan pa rin ng mga ito na mag-record ng video para maipakita sa mga fans.
“We are excited kasi I really want her to enjoy this day kahit na baby pa siya because now nakikita namin na nakikisalamuha na siya with other kids. Na-eenjoy niya ‘yong company ng ibang mga bata,” saad ni Elisse.
Nais din nina Elisse at McCoy na mapanood ni Felize ang nasabing video makalipas ang ilang taon. At hiling nila na matuwa ang anak.
Nag-iwan na rin si Elisse ng mensahe para sa first birthday ni Felize.
“Happy, happy birthday, Felize. Wish ko lang sa’yo na sana lumaki kang God fearing and mabait na bata.”
Nilinaw naman ni Elisse na ngayon pa lang ay mabait nang bata si Felize. Hindi raw ito sakit sa ulo nila ni McCoy.
“We are very lucky to be your parents and we love you so much. We are looking forward to more memories with you, anak, we love you!”
Larawan mula sa Instagram ni Elisse JosonGinanap sa Palazzo Verde ang nasabing first birthday party ni Felize. Dinaluhan ito ng mga artistang kaibigan nina McCoy at Elisse.
Ilan sa mga ito ay sina Enzo Pineda at girlfriend na si Michelle Vito. Naroon din sina Niño Muhlach at anak na si Alonzo. Hindi rin naman nawala sina Wilbert Ross at Zeus Collins na hiling din na lumaking mabuti si baby Felize.
Nag-iwan naman ng mensahe si Ogie Diaz para sa bata. Sabi ni Ogie, maswerte raw ang daughter nina McCoy de Leon at Elisse Joson dahil sila ang naging magulang nito. At dalangin din nito na lumaking mabuting tao ang bata.
“At nandito lang ang tito Ogie mo ha, kapag mayroon kang problema okay?” pagwawakas nito.
Nagpasalamat naman sina McCoy de Leon at Elisse Joson sa mga tumulong sa kanila para maisakatuparan ang first birthday party ng kanilang daughter. Pati na rin sa mga fans na sumusubaybay sa parenthood journey ng dalawa.
“We know na si Felize baby pa, hindi niya pa alam lahat ng ‘to. Pero I’m sure in the future she’ll appreciate you guys.”
BASAHIN:
Elisse Joson hindi mapigilang mai-stress: “There’s a lot more pressure when you’re a mom.”
McCoy de Leon humuhugot ng lakas kina Elisse Joson, Baby Felize: “Tanggal talaga pagod mo”
Angelica Panganiban sa kaniyang pagbubuntis: “Napakamaldita ko, nagiging halimaw talaga ako.”
Elisse ipinagmalaki ang kaniyang partner na si McCoy
Magkahalong saya at pressure ang nararamdaman ni Elisse sa unang episode ng Mommy Diaries. Series ito ng vlog ng aktres tungkol sa kaniyang motherhood journey. Sa unang video ng kaniyang Mommy Diaries ay makikita ang pag-aayos ni McCoy de Leon sa kanilang bahay.
Larawan mula sa Instagram ni Elisse Joson
Proud na flinex ni Elisse Joson ang pag-aayos ni McCoy ng mga sabitan ng kurtina sa kanilang bintana. Pabiro pa ngang pinagsabihan ng aktor ang partner na bakit bumili ng mga kurtina pero hindi kompleto. Sagot na biro naman ni Elisse na installment daw muna dahil wala pang sweldo.
Habang patuloy ang pag-aayos ni McCoy sa kanilang bahay ay ipinagmalaki ito ni Elisse sa video. Aniya, “Kaya ba yan ng jowa niyo? Jowa ko kaya yan oh!” Makikita namang nangingiti si McCoy habang tuloy pa rin sa ginagawa.
Sa pagpapatuloy ng video ay ipinakita rin ni Elisse kung paano niya pakainin ang anak na si Felize. Kitang-kita rin na masayang naglalaro ang bata.
Ibinahagi rin ng aktres na sobra ang stress na nararamdaman niya bilang isang ina.
“Alam niyo ‘yong feeling na ang dami niyong dapat gawin tapos ‘yong utak niyo nagpa-pile up. Patong-patong. Tapos hindi mo alam kung may enough time ka ba para gawin ‘yon. And I guess there’s a lot more pressure when you are a mom because everybody feels that way diba?”
Hindi niya rin daw tiyak kung nasa isip niya lang ang lahat ng iyon. Marahil ay nago-ooverthink lang siya at ang resulta ay stress. Kaya naman sinusubukan niyang i-manage talaga ang kaniyang oras at balansehin ang mga gawain.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!