Elisse Joson binahagi sa kaniyang vlog kung anong pinagdaanan niya noong siya ang nagbubuntis hanggang sa labor.
Mababasa sa artikulo na ito ang mga sumusunod:
- How Elisse Joson knew she was pregnant
- Pinaglihian ni Elisse Joson
How Elisse Joson knew she was pregnant
Sa vlog na ito ni Elisse Joson kasama si DJ Chacha, pinag-usapan nila ang tungkol sa kaniyang pregnancy journey. Isa sa mga nabanggit ni Elisse ay kung papaano niya nalaman na siya ay pregnant. Ayon sa aktres ay hindi sila magkasama noon ni McCoy de Leon noong kaniyang ma-discover na siya ay buntis. Ito ay dahil nasa kasagsagan daw ito ng pandemic.
Pagbabahagi pa ni Elisse, naka-apat siyang pregnancy test. Ika ni Elisse, sa una niyang pregnancy test kasama niya ang pinsan niya, ikinuwento rin niya ang kaniyang reaksyon.
“And nung chineck ko siya, ‘yung reaction ko hindi gulat… Masaya na may takot na parang ‘ah sabi ko na nga ba.’”
Nalaman lang ni Elisse na buntis siya noong tatlong buwan na. Matapos ang apat na pregnancy test, doon lang nagsabi si Elisse kay McCoy via video call.
“Sabi ko sa kaniya, ‘mahal ko’ tapos ngumingiti na ‘ko, alam na niya… wala, ‘di ko na nasabi, na-gets na niya.”
Pagsasalaysay naman ni Elisse, hindi ang pamilya ni McCoy ang unang nakaalam ng kaniyang pagbubuntis. Nalaman lang daw nila ang tungkol sa baby nila ni McCoy a month bago siya manganak.
Paliwanag ni Elisse, sinabi ni McCoy na i-prioritize muna nila ang kung anong mga kailangan nilang gawin. Matatanggap naman daw ito ng kaniyang pamilya, kailangan niya lang kausapin at hindi na kailangan ni Elisse mag-alala pa.
Ani ni Elisse, Hindi rin pumasok sa isip nila ni Mccoy na ‘wag na lang ituloy ang dinadala. Nagtanong pa si DJ Chacha kung ‘di ba sila natakot para sa kanilang career, ani ni Elisse naroon ang kanilang takot na baka wala na silang balikan sa kanilang career.
Larawan mula sa instagram ni Elisse Joson
“Naghahanap ako ng purpose in life, and feeling ko baka sa pagiging mother doon ko makita ‘yon kasi sa pag-aartista, iba pa rin eh. I mean nai-enjoy ko magpasaya ng tao or gawin ‘yong passion ko to act pero hindi pa rin ako do’n nakakuha ng parang purpose in life.”
“So sabi ko baka sa motherhood, so ever since pangarap ko din talaga maging mommy”.
Elisse Joson naglihi kay McCoy de Leon
Nang mapag-usapan ang paglilihi, sinabi ni Elisse na napaglihian niya si McCoy kahit na malayo ito sa kaniya. Sumang-ayon din si Elisse sa sinabi ni DJ Chacha na basta kailangan ay makita ang mukha ni McCoy at nagagalit din si Elisse kapag hindi agad nasasagot ang kaniyang tawag.
Pagbabahagi pa ni Elisse, may pagkakataon na hindi na-gets ni McCoy na iba ang takbo ng kaniyang isip dahil sa pagbubuntis. Aniya, akala nito, normal na pag-iinarte at pagiging clingy ang ginagawa niya. Dagdag pa niya, kaya siguro naging kamukha ni McCoy ang anak dahil nanggigigil siya rito at gusto niya ang atensyon.
Tinanong din si Elisse tungkol sa mga pisikal na pagbabago sa kaniyang katawan. Ani ni Elisse, hindi nag-break-out ang kaniyang skin. Dagdag pa niya, na-feel bad siya noong lumaki na ang kaniyang tiyan at nakikita na niyang nagkaka-stretch mark siya.
“Sabi nila sa akin, naging woman ka na.”
Isa rin sa pinag-usapan nila sa vlog ang pagiging normal delivery ng panganganak ni Elisse Joson. Ani ni Elisse, inabot siya ng isang araw sa pagla-labor.
Hindi rin masyadong nasaktan si Elisse sa kaniyang labor, pero matagal ang hintay aniya. Pagbabahagi pa ni Elisse, in-induce siya at nakaramdam ng sakit na 8 out 10. Aniya ang level ng sakit ay “para kang nag-mens ng x10” at dysmenorrhea na sobrang masakit.
Kwento pa ni Elisse, nag-video call lang si McCoy noong siya ay manganganak na. Ikinuwento niya rin ang pagset-up sa laptop. Banggit pa ni Elisse, “sabi ko nga parang yun ‘yong best moments of my life” dahil naroon si McCoy, ang kaniyang mommy at ang magiging anak nila.
Ayon pa kay Elisse, nahirapan siya sa tamang pag-ire. Sumubok din ng iba’t ibang posisyon kung saan siya kumportable, aniya nakaupo siya at hindi nakahiga. Ayon pa sa kaniya, marami-rami rin ang kaniyang ginawang pag-ire at kung ano ang hindi niya namalayang ire, doon na pala lumabas ang anak.
Larawan mula sa instagram ni Elisse Joson
Realizations ni Elisse noong maging mommy na siya
Naiyak din si Elisse nang makita niya ang kaniyang anak. Ganoon din ang kaniyang mommy at si McCoy. Hindi rin maipaliwanag ni Elisse ang kaniyang nararamdaman noong nag-skin to skin na sila ng anak at noong nilagay ito sa kaniyang dibdib.
“Hindi mo ma-explain ‘yong pakiramdam na nandoon ka na, kasi the whole pregnancy since smooth nga lang, hindi pa mag-sink in. Nag-sink in lang nung time na nandito na siya [sa aking dibdib].”
Malaki na rin si Felize nang lumabas ito at tingin niya’y nasa 7 pounds ito, ani ni Elisse. Dagdag pa niya, habang nasa dibdib niya si Felize, tinatahi siya dahil nag-rip siya. Ayon pa kay DJ Chacha na sinang-ayunan din ni Elisse, mas nahirapan pa ito na malayo siya kay McCoy habang nagbubuntis kaysa noong manganganak na siya.
Ang major na pagbabago sa buhay ni Elisse, “Actually, siguro ito ‘yong staying together as a family is hard work. Hindi naman, I mean we love each other, mahal namin si Felize, mahal namin ni McCoy ang isa’t isa pero ‘yong staying together na decision to keep the family together is really parang hardwork na yun talaga ‘yong iisipin mo.”
“Para din sa anak pero not just for the anak, but for me, for him talagang for all of us.”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!