X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Elisse Joson kay McCoy de Leon sa kanilang 2nd anniversary: "Magiging asawa kita someday."

5 min read

Elisse Joson at McCoy de Leon nag-celebrate ng kanilang 2nd year anniversary bilang magkasintahan.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Elisse Joson and McCoy de Leon anniversary
  • Relasyon nina McCoy at Elisse
  • Mensahe ni Elisse kay McCoy

Elisse Joson and McCoy de Leon anniversary

Elisse Joson at McCoy de Leon anniversary

Larawan mula sa Instagram accout ni McCoy de Leon

Patuloy na nagpapakilig ang celebrity couple na sina Elisse Joson at McCoy de Leon sa social media. Sa kanila ngang Instagram accounts ay pareho nilang ibinahagi sa kanilang mga followers ang naging pagdiriwang at pagbati nila sa isa’t isa sa kanilang 2nd year anniversary.

Si McCoy may sweet na mensahe kay Elisse kung saan nabanggit niya ang tungkol sa paghihiwalay at muling pagbabalikan nila. Ganoon rin sa pagpapatuloy ng kanilang relasyon at sa pagbuo nga nila ngayon ng kanilang pamilya.

“Nung sinubukan natin ulit noon, alam natin na hindi magiging madali. Alam natin na marami tayong pagdadaanan ulit pero ito tayo ngayon magkasama pa rin. Tuloy tuloy pa rin ang pag diskubre natin sa isa’t isa at sa mundo. Kinakaya maabot ang pangarap ng magkasama.”

Ito ang sabi pa ni McCoy.

 
View this post on Instagram
  A post shared by Mccoy De Leon (@mccoydeleon)

Relasyon nina McCoy de Leon at Elisse Joson

Matatandaang taong 2016 nang magsimula ang pagtitinginan ng dalawa ng sila ay maging housemates sa PBB Lucky Season 7. Doon sila ay nagkaroon ng relasyon na sinubok noong taong 2018 kung kailan napabalitang sila ay naghiwalay na ng sumunod na taon.

Pero taong 2020 ay nagkabalikan ang dalawa. Ito ay sinundan ng pangingibang bansa ni Elisse na kung kailan nagsimula naman ang usap-usapan na buntis siya. Hanggang sa Oktubre noong nakaraang taon sa programa pa ring PBB ng ABS-CBN, inanunsyo ni McCoy at Elisse na sila ay may anak na nagngangalang Felize.

Ngayon, bagamat hindi pa man kasal ay nagsasama na si McCoy at Elisse para sa kapakanan ng anak nilang si Felize. Sa pagbati pa rin ni McCoy kay Elisse sa kanilang anniversary, ay sinabi nito na gagawin niya ang lahat mapasaya lang si Elisse sa abot ng kaniyang makakaya.

“Hindi man malaprinsesang buhay ang naibibigay ko sayo, gagawa’t gagawa ako ng paraan sa abot ng aking makakaya maibigay ko ang kasiyahan mo dahil mahal kita.”

“Happy Anniversary sa atin Elisse ko palagi kitang nasa dasal ko promise. I love you.”

Ito ang sabi pa ni McCoy.

Sa post na ito ni McCoy ay nag-comment si Elisse. Doon ay binati niya ang kasintahan at pinasalamatan ito sa ipinapakita nitong pagmamahal at pasensya sa kaniya.

“Happy Anniversary Mahal ko. Thank you for your love and patience and everything in between. I love you,” sabi ni Elisse kay McCoy.

Elisse Joson at McCoy de Leon

BASAHIN:

Elisse Joson at McCoy de Leon sinorpresa, inubos paninda ng mga vendors

Elisse Joson may heartfelt message kay McCoy de Leon: “You were the one who carried us all.”

McCoy de Leon: “Hanggang ngayon, I’m still trying to win to the highest level ‘yong heart ni Elisse”

Mensahe ni Elisse kay McCoy

Elisse Joson at McCoy de Leon

Larawan mula sa Instagram accout ni Elisse Joson

Samantala, si Elisse naman ay may mensahe ring inalay kay McCoy sa kaniyang Instagram account. Doon ay sinabi niyang hindi man naging madali ang journey nila ni McCoy ay nagpapasalamat siya sa mga naging karanasan nilang magkasama.

“Always, all ways. Another year of togetherness, growth, and trials.. it’s never easy but I’m thankful for all of it. Happy Anniversary to us. Mahal kita @mccoydeleon.”

Ito ang sabi pa ni Elisse.

 
View this post on Instagram
  A post shared by Elisse Joson (@elissejosonn)

Sa parehong Instagram account ay ibinahagi rin ni Elisse ang naging anniversary celebration nila ni McCoy. Ang kanilang celebration, ginawa daw nila ng mas maaga para makasiguradong ito ay maipagdiriwang nila. Sila ay nag-date overnight sa isang hotel at camping site sa Batangas. Sinolo nila ang isa’t-isa at nag-spend ng quality time ng silang dalawa lang.

Sa huling bahagi ng anniversary vlog nina Elisse at McCoy ay nagpasilip sila ng isang game na ginawa nila sa kanilang anniversary date. Gamit ang mga letra mula A to Z ay nagbigay sila ng mga salitang nagpapaalala sa kanila sa isa’t-isa.

Si Elisse sa letrang A ay asawa ang naisip na salita. Ito ang paliwanag niya kay McCoy kung bakit.

“Asawa kasi magiging asawa kita someday.”

Ito ang natatawang sabi ni Elisse kay McCoy.

Si McCoy naman sa letrang B ay ito ang sinabing salita na nagpapaalala daw sa kaniya kay Elisse.

“B for Bantay, kasi lagi mo kong binabantayan.”

Ito ang natatawang sabi pa ni McCoy.

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

Sa mga nauna ng vlogs nina McCoy at Elisse ay naibahagi ng dalawa ang ugali nila pagdating sa isa’t-isa. Si McCoy bilang bugnutin at mainitin ang ulo ayon kay Elisse. Habang si McCoy naman sinabing si Elisse ang mas madalas na nagseselos sa kanilang dalawa.

Base parin naman sa anniversary vlog ni Elisse at McCoy, ang kanilang naging date ang isa sa mga best trips nilang magkasama. Ito ang naging closing message ng anniversary vlog nila.

“This was one of our best trips and I wished nights like this never ended. Happy anniversary mahal ko.”

Instagram, YouTube

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Elisse Joson kay McCoy de Leon sa kanilang 2nd anniversary: "Magiging asawa kita someday."
Share:
  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

  • LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

    LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

  • LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

    LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.