X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Elisse Joson at McCoy de Leon sinorpresa, inubos paninda ng mga vendors

4 min read
Elisse Joson at McCoy de Leon sinorpresa, inubos paninda ng mga vendors

Binahagi rin ni McCoy kung papaano niya pinagdiwang ang Father's Day!

Isang supresa ang inihanda ng magkarelasyong Elisse Joson at McCoy de Leon sa kanilang latest vlog. Ito ay matapos nilang ubusin ang paninda ng mga vendors na kanilang nadaanan.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Elisse Joson and McCoy de Leon surprise vendors
  • McCoy de Leon nag-celebrate ng Father’s Day sa park

Elisse Joson and McCoy de Leon surprise vendors

mccoy de leon and elisse vlog

Screenshot mula sa YouTube channel ni McCoy de Leon

Isang fun pero makabuluhang vlog na naman ang inupload ng magkarelasyong Elisse Joson at McCoy de Leon sa kanilang Youtube channel nitong June 21. Sinurpresa kasi nila ang mga random vendor nang ubusin nila ang kanilang mga paninda. Ang goal daw nila ay makadagdag sa kanilang kita at matulungan ang mga manininda.

Sa video makikitang ang isang tindahang nilapitan ni McCoy upang ubusin ang mga halo-halong tinda ay nagtataka kung bakit niya inuubos ang paninda. Sa isang tindera naman sa kalsada, labis na natuwa ang tindera at napakayakap pa kay Elisse Joson nang bilhin niya ang kanilang mga tinitinda.

“Uwi na kayo. Wala na kayong tinda, ubos na.”

Ikinatuwa rin ng isang tindera nang bumili si Elisse ng mga juice at hinayaan niyang kunin na ang kanyang sukli.

Pagkukwento ng dalawa, hindi raw nila alam kung paano sisimulan ang pagtulong na ito sa mga vendor. Dagdag pa nila, damit pa lang daw ay mali na ang kanilang set-up dahil napagbintangan silang mangii-scam. Balot na balot kasi ang outift ng dalawa na halos hindi na makilala. Sa kabila ng pagdududa, saludo pa rin daw siya sa maninida dahil naging alerto sila laban sa mga posibleng manloloko.

“Sobrang kakaibang experience. Hindi namin akalain na ganun ang mangyayari. Masayang-masaya.”

“Kaya sari-sari store ‘yong mga gusto naming mabilhan kasi nakatulong na kami mismo dun sa may-ari ng sari-sari at tsaka sa mga tindera. At the same time makatulong kami sa pagbibigyan namin.”

Matapos nilang pakyawin ang mga paninda mula sa mga manininda ay ibinigay naman nila ang mga nabili sa mga homeless na kanilang nadadaanan.

mccoy de leon and elisse vlog

Screenshot mula sa YouTube channel ni McCoy de Leon

Nagpasalamat naman si Elisse sa kanyang partner na si McCoy dahil na-inspire daw siyang tumulong pa sa mga susunod na pagkakataon. Gagawin niya raw ito may camera man o wala.

“Sabi ko nga kasi kay McCoy, kinukwento ko sa kanya matagal ko nang gustong gumawa ng ganito sa past but hindi ko ma-execute o hindi ko alam kung paano sisimulan. Kasi madaling isipin tsaka madaling gustuhin na gusto mong tumulong pero ‘yung paggawa nasa sa tao din ‘yun eh.”

“So this time, binigyan din ako ng inspiration ni McCoy and binigyan niya ako ng push kumbaga.”

Dito rin daw nila nalaman ang day to day na nagaganap sa mga tindera. Marami rin daw silang kwento na narinig na kapwa nakapagpaantig ng kanilang puso.

Labis namang nagpasalamat si McCoy sa viewers at nawa’y magsilbi raw itong inspirasyon upang tumulong din ang mga nanonood ng kanilang vlog.

BASAHIN:

Elisse Joson may heartfelt message kay McCoy de Leon: “You were the one who carried us all.”

LOOK: Anak ni Ellen Adarna na si Elias, ala-Spider-Man sa kaniyang 4th birthday!

Anak nina Mark Herras at Nicole Donesa na si Corky, aprubado na ang US dual citizenship

McCoy nag-celebrate ng Father’s Day sa park

mccoy de leon

Larawan mula sa Youtube channel ni McCoy de Leon

Katulad ng maraming celebrity dads kung saan nag-post ng picture, videos, at iba pang content, nag-celebrate din ng Father’s Day si McCoy de Leon sa isang park. Ibinahagi niya ang ito sa vlog niyang in-upload sa kanyang Youtube channel. Kasama ang mag-ina niyang sina Elisse Joson at ang baby girl nilang si Felize.

Sinimulan nila ang celebration na ito sa pagkain sa isang Asian restaurant. Matapos nito ay nag-proceeed na sila na mamasyal sa Ocean Park kung saan amazed na amazed si baby Felize sa kanyang mga nakita. Ipinanood nila ang iba’t ibang species ng isda at iba pang hayop na matatagpuan sa ilalim ng karagatan.

Tuwang-tuwa naman silang nag-try ng maraming bagay sa loob ng park. Sinubukan din nilang tignan at pakainin nang personal ang mga penguin na matatagpuan dito. Sinubukan naman ni McCoy at Elisse na ilagay ang isang ahas sa kanilang leeg at buong tapang na nagpicture taking.

Tila naging guest naman ang dalawa sa park dahil sa natuwa ang mga kasabay nilang mamasyal nang makita ang dalawa.

Sa pagtatapos ng video ay ipinakita niya kung paano siya maging clingy sa kanyang tatay. Ayon kay McCoy hindi raw siya ganito sa mga normal na araw kaya sinubukan niya noong Father’s Day. Binigyan niya ito ng munting regalo at niyakap. Humiling din siya ng halik dito at kapwa nagtawanan nang halikan siya nito sa pisngi.

Partner Stories
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
Give Yourself the Care You Deserve!
Give Yourself the Care You Deserve!

Isang masayang kulitan ang naging celebration ng aktor kasama ang kanyang pamilya.

Youtube

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Ange Villanueva

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Elisse Joson at McCoy de Leon sinorpresa, inubos paninda ng mga vendors
Share:
  • Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

    Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

  • Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

    Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

  • Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

    Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

  • Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

    Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

  • Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

    Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

  • Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

    Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.