X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Anak nina Mark Herras at Nicole Donesa na si Corky, aprubado na ang US dual citizenship

5 min read

Masaya ang celebrity couple na si Mark Herras at Nicole Donesa dahil sa wakas ay may US dual citizenship na ang anak nilang si Corky.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Pagkakaroon ng dual citizenship ng anak nina Mark Herras at Nicole Donesa na si Corky
  • Update sa buhay at relasyon ni Mark Herras at Nicole Donesa

Pagkakaroon ng dual citizenship ng anak nina Mark Herras at Nicole Donesa na si Corky

Sa Instagram ay masayang ibinalita ng beauty queen turned actress na si Nicole Donesa na tulad niya ay may dual citizenship na ang anak niyang si Corky. Si Corky ay isang taon pa lang. Kaya naman walang mapaglagyan ang ligaya ng celebrity couple dahil agad na naaprubahan ang passport application ng anak para sa dual citizenship nito.

“Guess who got their Blue Passport? @corkynumber1. Thank you God, for making Corky’s Dual Citizenship successful. 🇺🇸🇵🇭”

Ito ang caption ng post ni Nicole na may kasamang picture nila ni Mark at Corky.

 
View this post on Instagram
  A post shared by Nicole Kim Donesa-Herras (call me Ico) (@nicole_donesa)

Si Nicole ay isang Filipino-American citizen. Dahil siya ay ipinanganak at lumaki sa United States.

Sa kaniya namang Instagram stories ay ibinahagi ni Nicole ang naging takbo ng interview ni Corky para sa kaniyang dual citizenship. Base kay Nicole, tulog sa buong interview ang anak niyang si Corky. Ang ebidensiya ang picture nito na sa kaniyang stroller na mahimbing ang tulog.

“He slept during the whole interview with the Consul.”

Ito ang sabi ni Nicole sa kaniyang IG stories na may kasunod na mga funny emojis.

Anak nina Mark Herras at Nicole Donesa na si Corky, aprubado na ang US dual citizenship

Larawan mula sa Instagram account ni Nicole Donesa

Update sa buhay at relasyon ni Mark Herras at Nicole Donesa

mark herras nicole donesa at anak nilang si corky

Larawan mula sa Instagram account ni Nicole Donesa

Maliban sa magandang balitang ito para sa kanilang pamilya, nitong nakaraang buwan ay nag-share din si Mark at Nicole na sinisimulan ng gawin ang dream house nila. Ang update na ito sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa ay ibinahagi ni Nicole sa kaniya paring Instagram account.

“Hard Work & Dedication. Officially the start of #CasaCorky. We have a long journey up ahead, but at least we are finally one step closer to our dream. Thank you God, for the guidance and blessings. This is all for our Corkyboy.”

Ito ang caption ng post ni Nicole sa kaniyang IG post na kung saan makikita sila ni Mark na tumutulong sa paggiba ng pader ng sinisimulang dream house nila.

Ang mga celebrity friends ni Mark at Nicole binati sila sa pagsisimula ng bagong milestone na ito sa kanilang buhay mag-asawa.

jadelopezsic Congratulations.

itssophiealbert YAAAAAAY!!

asistioynna Congratulations guysss!! @nicole_donesa.

BASAHIN:

Bea Alonzo gusto ng prenuptial agreement kapag siya ay ikinasal

Mark Herras on gay parents: “I’ve never been ashamed of them”

Angeline Quinto nilalabanan antok para alagaan si Sylvio: “Kinukurot ko na ‘yong sarili ko para magising.”

Love story ni Mark at Nicole

Nagsimula ang pagkakaroon ng relasyon ni Mark at Nicole noong magkasama sila sa isang drama series sa GMA. Agosto noong taong 2019 ng kinumpirma nila na sila nga ay mag-boyfriend at girlfriend na. Ito ay matapos magbahagi si Nicole ng mga larawan nila ni Mark na magkasama sa kaniyang Instagram account.

Ang caption nito ay “Na Bihag”. Ang “Bihag” ang programang pinagsamahan nila sa GMA kung saan nagsimula ang kanilang relasyon.

Matapos ang halos isang taon ay sumunod namang inanunsyo ng dalawa na sila ay engaged na. Ang announcement ay ginawa ni Mark Herras sa Instagram account niya.

“Ang mahalin ka at makasama ka habang buhay. I love you itchybear #toinfinityandbeyond.”

Ito ang mensahe ni Mark kay Nicole kalakip ang larawan ng kanilang engagement ring.

Sa sumunod na buwan ay may bagong announcement na ibinahagi muli si Mark at Nicole sa kanilang relasyon. Ito ay pagbubuntis ni Nicole sa kanilang anak na 5 months na noon.

At noong ngang January 31, 2021 ay ipinanganak ni Nicole ang kanilang baby boy. Ito ay pinangalanan nilang Mark Fernando na ang palayaw ay ‘Corky’.

Sa pagdaan ng panahon ay makikitang masaya si Mark at Nicole sa buhay may pamilya kasama ang anak nilang si Corky. Sa naging 1st birthday nga ng anak nilang si Corky ngayong taon ay ibinahagi ni Mark ang pagpapasalamat niya na dumating ito sa buhay nila ni Nicole.

Si Mark, wala man ng mag-celebrate ng birthday ang anak dahil nasa lock-in taping at nagtatrabaho, ang sakripisyo niya naman daw na ito ay para rin sa mag-ina niya.

Anak nina Mark Herras at Nicole Donesa na si Corky, aprubado na ang US dual citizenship

Larawan mula sa Instagram account ni Nicole Donesa

“Happy 1st birthday anak!! Sorry wala si Daddy, nasa work pero alam mo naman na para sa inyo ni Mammeeh to. Syempre nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil dumating ka sa’min ni itchy! We love you so much Corky, wala na kameng pwedeng hilingin pa.”

Ito ang pagbati ni Mark sa anak na si Corky sa naging 1st birthday celebration nito.

Instagram

Partner Stories
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
Give Yourself the Care You Deserve!
Give Yourself the Care You Deserve!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Anak nina Mark Herras at Nicole Donesa na si Corky, aprubado na ang US dual citizenship
Share:
  • Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

    Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

  • Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

    Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

  • Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

    Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

  • Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

    Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

  • Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

    Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

  • Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

    Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.